Chapter CXLVI

58 17 4
                                    

Chapter CXLVI: Arrival

---

MULA sa malayong bahagi nang kalangitan ay makikita ang dalawang grupo na mabilis na lumilipad patungo sa iisang direksyon, ang dalawang grupo na ito ay ang grupo nila Alicia at ang Grupo ni Rev. Sila ay patungo ngayon sa lokasyon kung saan naroroon ang mga bata na kasalukuyang napapalaban sa mga oras na iyun, makikita ang pag-aalala mula sa grupo nila Rev dahil sa nilalang na nahihimbing sa lugar na iyun.

Habang ang mga ito ay lumilipad ay kanilang naramdaman mula sa malayo ang isang malakas na presensya sa paligid, sila Alicia ay naalarma nang kanilang maramdaman sa kanilang kinaroroonan ang malakas na enerhiya na nagmula sa bahaging iyun nang lugar. kung saan nila naramdaman ang pinagmulan nang malakas na enerhiya.

Samantala si Edrian ay mababakasan nang pag-aalala para sa mga bata, dahil sa kasalukuyan ay hindi talaga maganda ang kaniyang kutob sa kalagayan ngayon nang mga ito. at tiyak na ang kanilang maaabutan doon ay ang mga nanghihinang mga ito, habang ang mga kalaban ay tiyak na wawakasan na ang buhay nang mga ito.

Sila Rev at Ariana naman ay napaseryoso nang kanilang maramdaman mula sa malayo ang malakas na enerhiya na iyun, bihira silang makaramdam nang ganuon kalakas na enerhiya kahit ilang libong kilometro ang kanilang layo mula sa kinaroroonan noon ay malinaw nilang nararamdaman kung saan nagmumula ang mga iyun.

At iyun ay nagmumula sa itaas nang bundok na kung saan ay iyun ang pinakamataas na bundok sa probinsyang iyun, samantala si Baal naman ay kaagad na naramdaman ang biglang pagdami nang mga indibidwal sa paligid.

Dahil doon ay naalarma siya dahil paparami nang paparami ang mga kalaban, at karamihan sa mga paparating ay pamilyar sa kaniya ang mga tinataglay na enerhiya. Samantala si Shawn ay napahinto sa kaniyang ginagawa, dahil naramdaman niya mula sa malayo ang presensya nila Edrian.

at ang mga ito ay papalapit ngayon sa kanilang kinaroroonan, dahil doon ay mas napadiin ang pagkuyom ni Shawn sa kaniyang mga kamao. at ang kaniyang mga kamao ay mas nagligabgab, at ang kaniyang inilalabas na aura ay mas lalo pang lumakas.

si Baal ay kaagad na nabalik ang atensyon sa kaniyang kalaban, at sa pagkakataon na iyun ay mabilis nitong sinalo ang mabilis na atake na ginawa ni Shawn. si Shawn ay nagulat dahil sa bilis nang pagkilos nang kaniyang kalaban, dahil nagawa nitong masalag ang kaniyang ginawang atake.

Samantala ang grupo nila Alicia ay napahinto sa kanilang paglipad, nang mapasigaw si Alicia dahil sa kaniyang nararamdaman na enerhiya sa kasalukuyan. dahil doon ay ang kaniyang katawan ay naglabas nang kapangi-pangilabot na enerhiya, ang kaniyang mga kasama naman ay naalarma dahil sa biglang paglabas nang galit nang dalaga.

Samantala si Alicia naman ay seryosong nakatingin sa direksyon kung saan nararamdaman niya ang presensya nang diyablong iyun, ang diyablo na pinaglaruan lamang siya noong una silang magkaharap.

ang diyablo na nagngangalang Baal at isa sa mga Demon General, dahil doon ay biglang binilisan ni Alicia ang kaniyang paglipad. kaya naman ang tatlo ay wala nang nagawa kundi ang bilisan din ang kanilang paglipad.

Samantala sila Ariana at Rev ay napabaling sa direksyon kung saan ay may bigla na lamang mayroong pamilyar na enerhiya ang bigla na lamang lumitaw sa bahaging iyun nang kalangitan, sila Rev ay mababakasan nang kakaibang ngisi sa kanilang labi dahil ang enerhiya na iyun ay nagmumula kay Shawn.

Habang ito ay nababalutan nang itm nitong apoy, na nagpapakawala nang napakalakas na kapangyarihan nang kadiliman na mas nagbibigay nang napakabigat na presensya sa buong paligid nito.

Sa loob naman nang isang silid sa mundo nang mga diyablo ay makikita ang galit na galit na si Satan, nagagalit ito sa kasalukuyang balita na kaniyang natanggap mula sa kaniyang mga alagad. at iyun ay ang hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang kaniyang nakababatang kapatid na si Astaroth.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon