Chapter LVII

80 18 0
                                    

Chapter LVII: Endo Vs Reiji

---

SILA Reiji at Endo ay mabilis na nagpapalitan ng atake sa isat-isa, ang dalawa ay nagpapatuloy sa ganun na estado ng laban sa mahigit na anim-napung sigundo. Ang bilis at lakas na pinapakawalan ng mga ito ay tamang tama lamang. At mababakas nga sa mga mukha ng dalawa ang ngiti sa kanilang labi habang ang isipan ng isat-isa ay may magka-ibang layunin.

Si Endo ay napapangiti dahil sa kaniyang layunin na mag-tagumpay sa unang laban na kaniyang gagampanan sa taon na ito, habang si Reiji naman ay napapangiti dahil sa kaniyang layunin na pabagsakin ang bata na nasa kaniyang harapan.

Masyado na siyang maraming enerhiya ang nasasayang sa laban na ito, inaamin niya na nasurpresa siya sa galling nito sa pakikipag-laban at bilis na tinataglay nito. Subalit hindi siya makakapayag na matalo, lalong lalo na sa isang bata na nagmula sa Class 3 A.

Ang katawan ng ni Reiji ay mas naglabas ng malakas na enerhiya, ang mga manonood nga ay napatingin sa bumabalot na aura kay Reiji. Ang pulang aura nito ay mas lalo pang pumula at ang kalilad ng enerhiya na inilalabas nito ay hindi nila inaasahan na ilalabas nito sa ganitong laban.

Si Dellio nga ay napangiti ng makita ang bumabalot na aura sa katawan ni Reiji, alam na niya ang binabalak ni Reiji sa pagkakataon na ito. Mukhang hindi na nito nais pa na magtagal ang laban nito sa bata na nagmula sa Class 3 A.

Ang enerhiya na inilalabas ni Reiji ay ang alam niyang pinaka-malakas nitong pag-atake, ito ang atake na nagawang lusawin ang kaniyang mga pinakakawalan na atake sa tuwing sila ay nagsasanay. Ang lakas ng atake na inihahanda ngayon ni Reiji ay hindi niya basta basta masusukat, basta ang alam lamang niya ay ang lahat ng bagay sa paligid niya ay kaya niyang lusawin sa isang iglap lamang.

Ganun kalakas ang fire power na pinapakawalan ni Reiji sa kaniyang katawan sa tuwing gagamitin niya ang technique na iyun. Samantala si Endo ay naalerto sa biglang paglakas ng enerhiya na inilalabas ng kaniyang kalaban.

Naramdaman niya ang napakataas na temperatura sa palibot nito, tila ba mayroong binabalak ito at kakailanganin niyang mag-ingat dahil hindi siya pwede na magpabaya. Dahil sa pagkakataon na ito ay kailangan niyang lumaban ng buong lakas.

Si Endo nga ay ikinuyom ang dalawang mga kamay at tumingin ng seryoso sa kaniyang kalaban. Ang mga kamag-aral naman niya ay napansin din ang malaking unti-unting pagtaas ng temperatura sa paligid. Si Tetsuya nga ay naalarma ng maramdaman ang malakas na enerhiya na bumabalot sa aura ni Reiji.

Napatingin siya sa kinatatayuan ni Dellio at nakita niya ang malaking ngiti sa labi nito, at senyales ito na alam ni Dellio ang binabalak gawin ni Reiji at mukhang ito na ang pinakamalakas na atake na pakakawalan.

Si Endo nga ay napansin ang kakaibang nangyayari sa kinatatayuan ng kaniyang kalaban, ang kinatatayuan kasi nito ay unti-unting lumulubog. At ng tinitigang maigi ni Endo ang nangyayari ay kaniyang napag-tanto na nagawang malusaw ng kaniyang kalaban ang sahig ng istadyum.

Si Endo nga ay napalunok ng kaniyang laway dahil medyo nakaramdam siya ng kaba, dahil mukhang sa pagkakataon na ito ay ipapakita na sa kaniya ng kalaban ang totoo nitong lakas. Kaya naman hindi siya pwede na magpadala sa kilabot na hatid ng aura ng kaniyang kalaban.

Si Endo nga ay inilabas ang kaniyang sariling aura, at ang kaniyang buong katawan ay nabalutan nga din ng pulang pula na aura. Subalit ang dalawa ay naglalabas ng magkaibang aura. Si Reiji ay naglalabas ng mabigat at mapang-wasak na aura habang si Endo ay naglalabas ng magaan at payapang uri ng aura.

Ang mga manonood naman ay nakaramdam ng pagkasabik dahil sa paglalabas ng kani-kanilang aura ng dalawang naglalaban, ang grupo nga nila Shawn ay naramdaman na din ang tensyon sa pagitan ng dalawang panig at kapag nag-simula nang kumilos ang mga ito ay tiyak na mayroon ng mananalo.

Lumipas ang ilang sigundo ay nagsimula na muli ang labanan ng dalawa, naunang kumilos si Reiji at ito ay pasugod ngayon sa kinaroroonan ni Endo. Si Endo naman ay naging alerto at mabilis na lumipad papalayo.

Si Reiji nga ay makikitang nakangiti habang nakatingin sa kalaban nito na kasalukuyang lumilipad papalayo sa kaniya, subalit ito nga mismo ang kaniyang inaasahan na mangyari. Si Reiji ay tumingin sa sahig na kaniyang kinatatayuan at nakita niya kung papaano tunawin ng kaniyang kapangyarihan ang nasa paligid nito.

Sinuntok niya ang sahig at kumuha ng isang tipak mula dito, ang tipak nga iyun ay mabilis na nalusaw sa kaniyang palad subalit balewala lamang iyun na hinawakan ni Reiji. Samantala si Dellio ay nagdiriwang na mula sa kaniyang kalooban dahil saw akas ay magkakaroon na sila ng unang puntos ngayong taon.

Dahil natitiyak niya na walang mintis ang gagawin na atake ni Reiji at tiyak na babagsak ang kalaban dahil sa matinding hapdi at pagdurusa. Makikita na kinuyom ni Reiji ang kaniyang palad na mayroong nalulusaw na tipak ng bato.

Si Reiji ay tinitingnan ang kasalukuyang nasa himpapawid na si Endo at binabasa ang susunod na galaw na gagawin nito, at ng makakita siya ng pagkakataon ay walang pag-aalinlangan nito na ibinato ang kaniyang hawak-hawak na napaka-init na likido.

Si Endo nga ay naalarma dahil sa pagbabato ni Reiji ng maiinit na likido, at ang mga likido nga na iyun ay mabilis na papalipad patungo sa kaniya. kaya naman mas binilisan niya ang kaniyang pagkilos, ang kaniyang enerhiya ay kayang itinuon sa pag-iwas sa mga atake ng kaniyang kalaban.

Iniiwasan niya ang bawat butyl ng likido na iyun na patungo sa kaniya, samantala hindi napansin ni Endo na mayroon na palang tao ang nasa kaniyang likuran at ng lumingon siya rito ay nagulat siya dahil si Reiji pala iyun.

Isa lamang palang diversion ang ginawa ni Reiji at iyun ay hindi niya kaagad nagawang mapansin, mula sa kaniyang likuran ay nakatanggap siya ng isang direktang suntok mula kay Reiji. Ang kaniyang katawan nga ay mabilis na bumulusok paibaba.

Nagkaroon ng malakas na pagsabog sa loob ng istadyum dahil ang atake pala na iyun ni Reiji ay panimula pa lamang, dahil sinundan kaagad nito ng isang malakas na hampas sa katawan ni Endo. At ang mismong pinag-bagsakan ng katawan ni Endo ay ang kaninang kinatatayuan ni Reiji na kasalukuyan ay nalusaw dahil sa napaka-init na temperatura nito.

Ang buong seksyon nila Tetsuya ay mababakasan ng pag-aalala sa kanilang kaklase, si Tetsuya nga ay makikitang nag-ngingitngit dahil sa inis. Ang kasalukuyang kakayahan ni Endo sa pakikipag-laban ay mukhang hindi sapat upang tapatan ang taglay na kabrutalan ng mga taga Class 4 B. at sa kasalukuyan ay nakatanggap ito ng malakas na atake mula sa kalaban nito na mula sa Class 4 B. ang karamihan sa Class 3 A ay kikilos n asana para tulungan si Endo subalit napahinto ang mga ito sa pagtatalo-talo dahil sa enerhiya na kanilang naramdaman.

Samantala ang ngiti sa labi ni Reiji ay nawala matapos ng kaniyang ginawang atake sa kaniyang kalaban, kanina lamang ay natutuwa siya dahil napabagsak na niya ito, subalit hindi niya inaasahan na matapos nitong makatanggap ng magkasunod na direktang atake mula sa kaniya ay mayroon padin itong malay.

At higit sa lahat ay naglalabas ito ng mas malakas na enerhiya kaysa sa taglay nitong enerhiya kani-kanina lamang. Samantala si Endo ay unti-unting bumabangon mula sa sahig na nalulusaw dahil sa mainit na temperatura. Sa kasalukuyan ay nababalutan ang katawan nito ng manipis na uri ng aura, at ang mga mata nito ay mas nagliliwanag.

Nang si Endo ay tumingin ng direkta kay Reiji ay nakaramdam ito ng panlalamig ng makita nito ang mga mata ni Endo. Si Reiji nga kaagad na lumayo mula kay Endo na ngayon nga ay lumilingon sa kaniyang mga kamag-aral lalong lalo na kay Dellio.

Samantala si Dellio naman ay kasalukuyang nakatulala dahil hindi siya makapaniwala na magagawang makatayo ng kalaban ni Reiji, at higit sa lahat ay nagawa nitong makatayo ng parang walang nangyari kahit a nagtamo ito ng dalawang direktang atake mula kay Reiji.

"Hindi ito maari!" ito na lamang ang nasabi ni Dellio ng ang kalaban ni Reiji ay bigla na lamang naglabas ng napakalakas na enerhiya.

Samantala ang grupo nila Caleb ay napatingin sa kasalukuyang nakatayo na si Endo, hindi mapigilan ng mga kasama ni Caleb kung ano ang nangyayari. Bakit mayroong tatlong indibidwal na mula sa Class 3 A ang may kakayahan na gumamit ng technique na iyun. Ang technique na Aura Skin....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon