Chapter CXXII

71 18 4
                                    

Chapter CXXII: Mission Started

---

LUMIPAS ang tatlong minuto ay nananatili parin na naghahantay si Shawn sa gate nang akademya, napapansin niya ang mga kapwa niya estudyante na napapatingin sa kaniya. Hindi niya na lamang pinansin ang mga iyun, at kaniyang tiningnan ang kaniyang relo, sa kasalukuyan ay 7:56 na at late na talaga ang kaniyang kasama.

Gustuhin man niya na puntahan ito subalit baka magka-salisi sila nang magmamaneho nang kanilang sasakyan, dahil tiyak na mas mahabang oras ang masasayang kapag umalis pa siya roon. Samantala si Lucy naman ay kasalukuyan na nakikita na mula sa malayo si Shawn, siya ay kasalukuyan na hingal na hingal habang siya ay tumatakbo.

Nagsisi siya na nagawa pa niyang matulog kanina, dahil ngayon ay tinanghali na siya at ngayon nga ay late siya sa unang misyon nila ni Shawn. Samantala si Shawn naman ay naramdaman na ang presensya ni Lucy, napatingin siya sa kinaroroonan nito at hindi na siya nagulat na makitang pagod ito.

Kaya naman kaagad na siyang naglakad patungo dito, kaagad niyang kinuha ang dalang bag ni Lucy. Napansin niyang malaki ang bagaheng iyun, napangiti na lamang siya dahil mukhang naging aligaga ito kanina.

Marahil ay ngayon lamang talaga nakalabas ang isang ito, saktong pagdating ni Lucy ay napansin ni Shawn na dumating na ang sasakyan na kanilang sasaksyan papalabas nang akademya. Kaya naman dali dali silang naglakad patungo roon, si Lucy naman ay kaagad na nagtungo sa loob nang sasakyan.

Si Shawn naman naman ay kaagad na pumasok na din sa loob nang sasakyan, sa loob naman nang sasakyan ay makikita ang driver at ang isang babae na nasa tabi nito. Ang babaeng iyun ay si Yoki subalit kahit na naroroon siya ay hindi niya nililingon ang dalawang bata na nasa kaniyang likuran, habang ang nagmamaneho naman ay walang iba kundi si Caleb.

Si Caleb ang nautusan na mag maneho para sa dalawa nitong kaklase, hindi siya makapaniwala na ito na ang araw kung kailan ay aalis na ang dalawang ito sa akademya. Natutuwa siya na makita na nagsisimula na ang dalawang ito sa kanilang tungkulin, at iyun ay ang magligtas nang buhay nang mga ito.

Habang tumatakbo ang sasakyan papalabas nang kagubatan, ay mapapansin na tahimik lamang sila Lucy at Shawn. Kapwa ang mga ito ngayon ay nananahimik lamang subalit sa kanilang isipan ay nag-uusap sila tungkol sa mga bagay bagay, hanggang magkatanungan ang mga ito kung bakit ang tagal ni Lucy.

Ipinaliwanag ni lucy kay shawn kung bakit ito na late, at iyun ay dahil naka-iglip pala si Lucy. Dahilan kung bakit ito na late. Samantala si Lucy ay nakaramdam nang hiya nang kaniyang marinig mula dito na matagal siyang naghintay kanina dito, kaya hindi niya maiwasan na mahira sa kaniyang kaibigan.

Samantala habang sila ay nasa byahe ay mapapansin ang unti-unting paglalaho nang mga puno sa paligid, sila Caleb at Yoki ay batid na din ang pagbabago nang kanilang paligid. Sa kasalukuyan ay nakalampas na sila sa barrier kung saan nakatago ang akademya, ang daanan na kanilang dinaraanan kanina ay unti unti nang nagiging masukal.

Ang daanan na kanilang kasalukuyan na dinaraanan ay mayroong mga malalawak na pataniman, samantala sila yoki naman ay kaagad na sinabihan ang dalawa na malapit na silang umalis. Sila Lucy at Shawn nga ay kapwa na walang emosyon habang ang dalawa ay niyang mainit na tubig ay bigla na lmang iyun.

Sa isang masukal na kalsada ay makikita ang kotse na sinasakyan nila Shawn at Lucy, na mina-maneho ni Caleb. Sa kasalukuyan ay wala sa sila sa parte nang kalupaan na sakop nang ilusyon na nilikha nang akademya, sa kasalukuyan ay nasa kalsada na sila na walang gaanong dumaraan na mga sasakyan.

Si Shawn ay hindi makapaniwala na sa isang iglap lamang ay mapupunta na sila sa bahaging iyun nang kalsada, sapagkat kanina lamang ay nasa mapunong bahagi pa lamang sila nang magubat na kalsada. Nang nasa bahagi na sila nang kalsadang iyun ay doon lamang nila napansin ang maraming mga dumaraan na sasakyan, napatingin nga si Shawn sa kanilang paligid dahil ngayon nga ay napakarami nang tao.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon