Chapter XCII

69 22 0
                                    

Chapter XCII: The Purpose

---

SA labas ng akademya ay makikita sila Rev, Sebastian at Elena na kasalukuyan na nakatayo sa ere, habang kanilang pinagmamasdan ang isang hukbo ng mga paparating na kalaban. Ang mga diyablo naman ay kaagad na napansin ang presensya ng tatlong indibidwal na naghihintay sa kanila, hindi makapaniwala ang mga ito na tanging tatlong tao lamang ang haharap sa kanila ngayon.

Mukhang ang lugar na ito kung saan nag-aaral ang mga anak ng diyos ay masyadong arogante, sapagkat ang tanging pinadala lamang ng mga ito ay tanging ang tatlong ito. Samantala habang ang mga diyablong ito ay kinu-kutya sa kanilang isipan ang tatlong tao na nasa kanilang harapan, ay nakatanggap silang lahat ng utos mula sa kanilang General.

At iyun ay ang impormasyon tungkol sa kanilang misyon at ang mga diyablong ito ay makikitang bigla na lamang napangiti dahil sa kanilang natanggap na impormasyon, at iyun ay dahil ang kanilang pakay ay nasa paaralan na kaniyang sasalakayin sa ngayon.

Kung su-swertehin nga namang dahil sa ngayon ay alam na nila kung saan naroroon ang nawawalang anak ng kanilang panginoon, at kapag nagawa na nilang mahanap ang nawawalang prinsesa ay tiyak na magagantimpalaan sila ng kanilang panginoon dahil sa kanilang gagawing hakbang.
.
Samantala sa loob naman ng akademya ay kasalukuyan na nagtipon-tipon ang lahat ng mga estudyante na handa nang makipag-laban, sa lumipas nga na sampung minuto ay marami ang lumabas, para sumamang makipaglaban sa mga diyablo na aatake ngayon sa akademya.

Sa kasalukuyan nga ay isa dito si Shawn na natatanging mayroong kaalaman patungkol sa pakay ng mga kalaban, at iyun ay ang paghahanap ng mga ito sa umano’y nawawalang anak ng diyos ng mga diyablo. At kung basta basta na lamang siyang magsasalita patungkol dito ay tiyak na magtataka ang lahat, at baka ang mismong hinahanap ng mga diyablo ay tuluyan na lumayo at tumakas sa lugar na ito.

At kaniyang nasisiguro na mawawala ang kaniyang tiyansa na malaman kung sino ito, at magawa ang kaniyang kasalukuyang misyon at iyun ay ang patayin ang mismong nawawalang anak ni Lucifer. Samantala sa pwesto naman ni Lucy ay kasalukuyan ito nakakaramdam ng kakaiba sa kaniyang katawan, sapagkat sa kasalukuyan ay tila ba sinusunog ang kaniyang buong katawan sa napaka-init na apoy.

Hindi alam ni Lucy kung bakit niya nararamdaman sa kasalukuyan ang ganitong uri ng pakiramdam, para bang nakakaramdam ang kaniyang katawan ng hindi magandang mangyayari. Subalit sa kabila ng lahat ay walang balak si Lucy na umatras sa papalapit na laban, dahil mas kailangan niyang lumaban para ipagtanggol ang kaniyang mga kasamahan laban sa mga diyablo na paparating sa ngayon.

Samantala sila Akari, Grey, Jay-ar at Markus ay kasalukuyan na nakatingin ng seryoso sa kasalukuyan na nagsasalitang si Yoki, sa kasalukuyan ay ipinapaliwanag nito ang mga kinakailangan na gawin ng lahat sa papalapit na laban.

Ang kanilang buong grupo ay mga kinabibilangan ng mga B rank, A rank at S rank, ang mga S rank ay halos nagmula sa Elite Class habang ang iba ay nagmula sa Special Class at ang ilan naman ay mga nagmula sa A Class at B Class.
.
Halos ang lahat ng mga kasama nila ay mga nagmula sa ibat-ibang seksyon at ang mga ito ay mga nagmula sa ikalawang baiting hanggang ika-apat na baitang, ang ganitong pagsasama sama ng bawat estudyante ng akademya ay isang malaking kaibahan sa lahat ng pagkakataon.

Marahil ay dahil ito sa paglitaw ng mga kalaban kaya naman mas minabuti ng mga ito na magsama sama, para labanan ang kanilang totoong kalaban at iyun ay ang mga diyablo na naghahasik ng gulo sa buong mundo. At bilang mga indibidwal na nabiyayaan na magtaglay ng kapangyarihan ay mas mabuting kanilang gampanan ang kanila pangunahing misyon, at iyun ay maging instrument para mapuksa ang mga diyablo na naghahasik ng kaguluhan sa buong mundo.

Samantala sa kasalukuyan naman ay makikita sa kanilang opisina ang mga nakatataas na opisyal ng paaralan, sapagkat sa kasalukuyan ay kanila nang nalaman ang plano na binabalak na gawin ni Yoki. At iyun ay ang direktang makipaglaban sa mga diyablo kasama ang mga estudyante na buong pusong handing makipaglaban, ang mga taong ito nga ay hindi makapaniwala sa mga desisyon na ginagawa nito.

Subalit mukhang wala naman na silang magagawa sapagkat ang dami ng mga indibidwal ang nagnanais na lumaban sa mga papalapit na kalaban, samantala kasalukuyan naman na nakatanggap ng ulat ang mga nakakataas mula sa kinaroroonan nila Sebastian, Elena at Rev.

At nabigla ang mga ito ng kanilang malaman na nagsimula ng kumilos ng mabilis ang mga kalaban, ang mga nakataas nga ay naalarma sapagkat mula sa ulat nila Sebastian ang bilang ng mga diyablo na kanilang nakikitang mabilis na kumikilos ay sampung diyablo na nagtataglay ng ranggong SS rank na mas malakas ng isang daang ulit kaysa sa limangpung S ranker.

Ang ganun kalaking agwat ng kapangyarihan ng dalawang ranggo ay masyadong mataas para kalabanin ng isang Z ranker at ng dalawang S ranker lamang, at kung walang darating na tulong sa kasalukuyang lokasyon ng mga ito ay natitiyak nilang mapapahamak ang tatlong ito.

Samantala sa kasalukuyan naman ay makikitang nagsimula ng kumilos ang mga kalaban, sa pamamagitan ng pagtakbo ng mabilis ng sampung diyablo na may taas na dalawangpung talampakan, ay halos mayanig ng kanilang mabilis na paghakbang ang buong kalupaan.

Ang mga diyablo ay kasalukuyan na nakatanggap ng plano mula sa kanilang pinuno, at iyun ay ang simulan na ang unang bahagi ng pag-atake at iyun ay ang lituhin ang tatlong indibidwal na humarang sa kanila. At kanilang salakayin mula sa malayo ang akademya na prino-protektahan ng mga ito.

Samantala si Rev naman ay pinagmamasdan lamang ang pagkilos na ginagawa ang sampung iyun, at base sa layo ng lokasyon ng mga ito sa isat-isa ay mukhang binabalak ng mga ito na umatake mula sa malayo. At hindi niya hahayaan na magawa ng mga ito ang kanilang binabalak, at kahit na malayo ang posisyon ng mga ito sa isat-isa ay kaniyang sisiguraduhin na hindi maabot ng atake ng mga ito ang akademya.

Samantala mula naman sa kaniyang likuran ay makikita naman sila Sebastian at Elena na inihahanda na ang kaniyang mga sarili, batid na ni Rev na naipag-bigay alam na ni Elena ang lahat ng impormasyon na kanilang alam sa mga nakatataas.

At kung sa paglipas lamang ng ilang minuto ay mayroong magbago mula sa loob ng akademya, ay kaniyang natitiyak na dahil ito sa mga estudyante na nagnanais na lumaban para protektahan ang kanilang mga pinahahalagahan.

Sa loob nama ng akademya ay kasalukuyan na natahimik ang lahat sapagkat nararamdaman nila sa kasalukuyan ang malalakas na pagyanig, at mukhang nagmula ang mga pagyanig na iyun sa labas ng akademya. Mukhang ang mga kalaban ay nagsimula ng kumilos sa pagkakataon na ito, at kanilang natitiyak na sa kasalukuyan ay kinakaharap na nila Sebastian, Elena at Rev ang mga kalaban.

Samantala si Shawn naman ay hindi hinayaan na pangunahan siya ng kaniyang nararamdaman na pressure sa kaniyang paligid, kaniyang mas pinag-tuunan ang sitwasyon ngayon sa buong paligid dahil sa kasalukuyan ay siya lamang ang nakaka-alam ng tunay na pakay ng mga kalaban.

At sa pagkakataon na ito ay siya lamang ang natatanging makakakilos tungkol sa problemang ito, kailangan niyang mahanap ang anak ng diyos ng mga diyablo at kaagad itong paslangin sapagkat sinabi sa kaniya ni Hades na sa kasalukuyan ay mahina pa ang taglay nitong kapangyarihan. At sa mga sandaling ito ay mayroon siyang pag-asa na pabagsakin dahil sa kasalukuyan ay sapat na ang kaniyang kakayahan para paslangin ito.

Samantala si Hades naman ay kasalukuyan na nag-iisip ng malalim, alam niya na kapag nalaman ni Shawn kung sino man ang anak ni Lucifer ay magugulat ito. Sapagkat alam niya kung sino ang nawawalang anak ni Lucifer at iyun ay walang iba kundi ang kaibigan ni Shawn, si Lucy Gremory na kasalukuyan na nagtataglay ng Crimson Aura….

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon