Chapter CLI: A Destroyer
---
ROAR!!!!
Maririnig ang malakas na balahaw nang malaking halimaw na lumitaw Mula sa itaas nang bundok kung saan lumitaw ang misteryosong lagusan.
Ang mga tao na nagsisi-paglikasan ay hindi naiwasan na mapalingon kung saan nanggagaling ang malakas na tunog na iyun.
Sila Rev at Ariana ay naalarma sa paglitaw nang isang SSS+ Class na halimaw, hindi makapaniwala ang dalawa na mayroon ganito kalakas na halimaw ang lilitaw sa Lugar na iyun.
Si Rev naman ay mababakasan nang gulat sa kaniyang mukha, dahil hindi Niya alam kung Anong nilalang ang lumitaw Mula sa lagusang.
Kaya siya nagulat dahil hindi ito ang halimaw na kaniyang inaasahan na natutulog sa ilalim nang kabundukan, hindi Niya inaasahan ang paglitaw nang misteryosong nilalang na ito.
Samantala si Ariana ay mababakasan nang gulat sa kaniyang mukha dahil hindi Niya inaasahan na mayroong ganito kalakas na halimaw ang lilitaw sa ganitong Lugar.
Sa pwesto nang Lugar kung saan nagbukas ang lagusan ay matagal nang dapat na walang naninirahan sa ibaba nang Lugar na ito, dahil mayroong malakas na halimaw ang nagkukubli sa ilalim nang malaking bundok na ito.
Samantala ang grupo nila Lucy ay matagumpay na nakalayo sa Lugar, mababakas sa kanilang mga mukha ang labia na pagkagulat dahil sa halimaw na lumitaw sa kanilang kinaroroonan kanina.
Ang pwestong iyun ay kasalukuyan nang natapakan nang halimaw, at sa palagay nila ay mamamatay Sila kaagad kung hindi Sila naka-alis kaagad sa pwestong iyun.
Samantala sa kinaroroonan nila Shawn ay makikita sa mukha nila ang pagkagulat, lalong Lalo na si Shawn dahil ang diskripsyon nang halimaw na nabanggit kanina sa kaniya ni Hades ay iba sa wangis na mayroon ang halimaw na lumitaw sa lagusan.
Hindi ito ang halimaw na mayroong mga galamay na kawangis nang ahas, ang halimaw na lumitaw sa lagusan ay mas nahahawig sa isang nilalang.
At ang naiisip Ngayon ni Shawn ay may wangis ang halimaw nang isang higanteng butiki na mayroong kakayahan na makatayo gamit ang dalawa nitong mga paa, ang pinag-kaiba lamang nito ay mayroon itong mga matatalim na bahagi nang makapal nitong mga balat na animo'y nagmimistulang baluti nang halimaw.
Samantala Si Baal naman ay mapapansin na lumayo nang bahagya sa kinaroroonan nila Shawn, mababakas sa kaniyang labi ang makahulugang ngiti nang kaniyang makita ang malaking halimaw.
Hindi Niya inaasahan na makakakita siya nang ganito kalakas na halimaw sa mundong ito, hindi Niya inakala na mayroong ganitong klase nang halimaw ang naninirahan sa ilalim nang bundok kung saan Niya pinalabas ang kaniyang nasirang koleksyon kanina.
Samantala si Alicia ay napansin ang biglang pag-atras nang kanilang kalaban at kaagad niyang napansin ang makahulugang ngisi sa mukha nang kalaban, dahil dito ay hindi maganda ang kaniyang kutob dahil dito.
Dahil malaki ang posibilidad na Gawin itong pagkakataon nang kalaban upang magawa nitong makatakas, maaari nitong gamitin ang paglitaw nang higanteng halimaw.
Si Edrian naman ay natuon ang atensyon sa higanteng halimaw, noong una ay hindi Niya naiwasan na magulat at matakot subalit kaagad siyang kumalma nang kaniyang maalala kung Anong mangyayari kung siya ay magpapasindak sa takot na iyun.
Kaya naman binalik Niya sa konsentrasyon ang kaniyang sarili at binaling ang atensyon kung saan naroroon ang mga tao sa ibaba nang bundok.
Kaniyang napansin sa ibaba na halos wala nang mga tao ang naroroon, sa palagay Niya ay nagawa na kaagad na makalikas nang mga tao.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...