Chapter XXV: Unique Elements
---
SILA Edrian at Elena ay nagulat ng makita ang dalawang bata na pasugod sa isat-isa, ang dalawang bata na ito ay kapwa naglalabas ng matinding pwersa na kayang mawasak ang kinatatayuan nila. Si Elena nga ay hindi nagdalawang isip na pumagitna sa laban na nagaganap, na ikinagulat naman ng mga estudyante na naroroon.
Si Edrian naman ay kaagad na sinundan ang kaniyang ate, at kaagad na binalutan ng kaniyang elemento ang nagbabaga na arena. Si Shawn at Grey ay nabigla sa biglang pag-sulpot ng kanilang master. Habang ang mga manonood naman ay nakaramdam ng pagkabahala dahil sa biglang pag-sulpot ng magkapatid na washinto
Kilala ang dalawa na ito dahil ang kanilang pamilya ang isa sa sampung pillar ng paaralan. Si Elton naman ay kaagad na bumaba sa kaniyang kinaroroonan at lumapit kila Elena at Edrian na ngayon ay inaa-pula ang mainit na paligid.
"Anong kalokohan ito Elton?, ang paglabanin ang dalawang B ranker sa lugar na walang barrier". May pagka-inis na tono ng pananalita ni Elena habang ang kaniyang elemento ng tubig ay gapos-gapos sila markus at Jarvis.
Sila Shawn at Grey naman ay makikitaan ng saya sa kanilang mukha ng Makita nila ang kanilang mga guro. Ilang oras pa lamang nila ito na hindi nakita ay namimiss na kaagad nila ito. Lalong lalo na si Grey, na mas malapit sa kaniyang master na si Elena.
Sila Markus at Jarvis naman ay huminahon, at hindi na nagpumiglas sa pagkaka-gapos ng asul na tubig ni Elena. At isa pa walang panama ang hamak na B ranks sa isang S rank. Kaagad naman na humingi ng pau-manhin si Elton sa dalawa. Lalo na sa nakatatandang kapatid ng kaniyang kaibigan.
Dahil sa kanyang pagiging kampante ay nakalimutan niya na maglagay ng barrier sa palibot nito. At hindi niya naman inasahan na may dalawang B rank ang maglalabas ng buo nilang lakas sa isang normal na paglalaban lamang.
Kaagad naman na ibinaba ni Elena ang dalawang estudyante ni Elton, sila Markus at Jarvis naman ay lumapit sa kanilang guro at kaagad na yumuko.
"Pasensya na sir!" paghingi ng tawad ng dalawa, na kaagad naman na tinanggap ni Elton. Kaagad na niyang inutusan na maupo ang dalawa upang manood ng susunod na laban.
Si Edrian naman ay nagtaka sa sinabi ni Elton, susunod na laban. Napatingin siya sa kinaroroonan ni Shawn at napansin niya ang isang batang babae. Naalala niya kung sino ito. Si Scarlet Senjuki. Ang ipinag-mamalaki ng Senjuki family na isa sa sampung pillar ng paaralan.
Napaseryoso si Edrian dahil sa batang ito, ang bata na natatanging nagtaglay ng Black Lightning. At dahil sa pag-sulpot ng isa ring natatanging bata. Napa-isip si Edrian ng isang posibilidad. At ang una niyang naisip ay ang pinaka-rason ng pasiklaban na ito.
Kaagad nga siyang nagtanong sa kaniyang kaibigan.
"Elton!, may kinalaman ba ito sa pagdating ng limang bata?" tanong ni Edrian kay Elton na kaagad naman na tinugunan ni Elton.
"Oo!, tama ka" sagot kaagad ni Elton at sinundan kaagad niya ito ng pag-aanunsyo sa lahat.
"Ang susunod na laban ay mag-sisimula na" sigaw ni Elton at may dalawang indibidwal ang kaagad na bumaba sa nagyeyelong arena.
Si Edrian ay nagulat ng ang dalawang bata na bumaba ay walang iba kundi sila, Shawn at Scarlet na kapwa na nababalutan ng kanilang magkaibang aura. Makikita naman sa mukha ni Elton ang isang ngiti, ang ngiti ng tao na may binabalak.
Si Edrian nga ay kaagad na kinwelyohan si Elton at seryosong tinatanong ito ng harap-harapan. Tiningnan maigi ni Edrian ang mata ng kaniyang kaibigan. Samantala ang mga estudyante naman na naroroon na nanonood ay nakaramdam ng matinding tensyon sa pagitan ng mga malalakas na indibidwal na naroroon.
"Chill ka lang!, nandito lang ako kasi oras parin ng klase naming ito" mahinahon na sambit ni Elton habang makikita sa kanilang labi ang ngiti.
"Hinamon lamang ni Scarlet ang batang si Shawn!, marahil wala namang masama roon diba kaibigan?" sabi ni Elton na ikina-gulat naman ni Edrian. At mukhang ang isa pa niyang naisip ay ang pagkakaroon ng mga ito ng kakaibang elemento.
Huminahon si Edrian at binitawan na niya si Elton, ang tensyon nga sa dalawa ay mabilis na nawala, dahilan upang mawala ang kaba na naramdaman ng mga estudyante na naroroon.
Samantala si Shawn at Scarlet naman ay kapwa na nakatingin sa kanilang guro, si Shawn ay nakatingin kay Edrian at si Scarlet ay nakatingin kay Elton. Para sa kanila ang kanilang guro ang kanilang inspirasyon para mas lalo pang lumakas.
Si Scarlet nga ay mas pinalakas ang kaniyang inilalabas na aura. Si Scarlet ay nababalutan ng Itim na aura. Sa unang tingin ay aakalain na ang aura na ito ay nagmumula sa isang diyablo. Subalit kapag ito ay pinaki-ramdaman ay makakaramdam dito ng napaka-gaan na pakiramdam.
Ang kalidad aura ni Scarlet ay masusukat lamang sa isang C rank, subalit ang kalidad ng aura niya maihahalintulad na sa aura ng isang B rank. Ang kalidad ng aura niya na taglay ay pambihira para sa isang 1st year lamang. Dahil ang mga estudyante na nagtatagalay lamang ng normal na elemento ay tumagal ng isang taon bago makamit ang ganitong kalidad ng aura.
Samantala si Shawn naman ay hindi makikitaan ng pagkabahala sa inilalabas na aura ng kaniyang makakalaban, ang kaniya lamang ini-isip ay malakas ang babaeng ito. Alam niya na hindi siya dapat magpabaya, lalo na dahil ito ay mas marami ng kaalaman sa pag-gamit ng enerhiya.
Sa isang tabi naman ay makikita sila Elton, Edrian at Elena na kapwa naglakad paakyat kung saan naroroon ang mga estudyante namanonood ng magaganap na laban.
Samantala si Rev naman ay napatingin kila Scarlet at Shawn, mababakas sa kaniyang mga labi ang sobrang saya dahil masasaksihan niya ang laban ng dalawang bata na nagtatagalay ng mga natatanging elemento. Ang elemento ng asul na apoy at elemento ng itim na kidlat.
Sa paligid naman ng arena ay may nabuong puti na enerhiya, isa itong barrier na likha ni Elton. Ang barrier na ito ay may kakayahan na bigilan ang mga malalakas na impact na magmumula sa loob nito. Habang sila naman ay masasaksihan ng malinaw ang magaganap na labanan sa loob nito.
Samantala si Grey ay nag-aalala sa kaniyang kaibigan, alam niya na malakas ito. Subalit hindi ang makakalaban nito. Maaari na napakalakas nito para kay Shawn. Kaya naman hindi maiwasan ni Grey na mag alala para sa kaniyang kaibigan.
Sa loob naman ng barrier ay makikita ang dalawa na kapwa nakatingin sa isat-isa. Si Shawn ay pinag-mamasdan ang bawat pag alon ng aura ng kaniyang kalaban. Subalit kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang hulaan kung ano ang unang gagawin nito.
Huminga ng malalim si Shawn at ipinikit ang kaniyang mga mata. Pinakiramdaman niya ang kaniyang enerhiya, at pinadaloy ito ng mabilis sa kaniyang katawan. Samantala habang ginagawa niya iyon ay nababalutan na ng itim na usok ang kaniyang katawan. At ang itim na usok na ito ay humalo sa kaniyang aura.
At ng idinilat niya ang kaniyang mga mata ay makikita ang asul nitong mga mata, at kasunod nito ay ang pagliliyab ng kaniyang buhok. Sa kasalukuyang panlabas na anyo ni Shawn ay maihahalintulad si Shawn sa isang kilalang Diyos noon. Ang isa sa mga kilalang Greek God noong panahon na kilala ang mga ito na kathang isip ng mga tao.....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...