Chapter CXXXVI

49 14 0
                                    

Chapter CXXXVI: Connection

---

SI Shawn ay kasalukuyan na pinipigilan ang mga debris na tumitilapon mula sa labanan na nagaganap sa pagitan ni Lucy at nang Higanteng Diyablo, mababakas sa kaniyang mukha ang ngiti habang ginagawa niyang abo ang mga debris na iyun sa pamamagitan nang kaniyang asul na apoy.

Hindi siya nag-aalala sa kaniyang kasama dahil kaniyang nakikita na mayroon itong kalamangan sa kaniyang kalaban, mas pinagtuonan niya nang pansin ang pagdipensa sa mga naninirahan sa ibaba nang lugar. Dahil kapag nahulog ang mga debris na ito sa ibaba ay tiyak na mayroong mga mapapahamak sa ibaba.

Ang kanilang kinaroroonan ay kabundukan at ang kanilang pinaglalaban ay mismong sa patag na bahagi nang bundok, kaya naman mas nag-iingat si Shawn na walang bumagsak na debris sa ibaba nito dahil mapanganib ito para sa mga naninirahan sa ibaba nang bundok.

Samantala si Lucy ay patuloy lamang sa pakikipag-palitan nang suntok sa kaniyang kalaban, hindi siya makapaniwala na ang kalaban na ito ay nagtataglay nang ganito kalakas na pwersa. Sa kasalukuyan ay kaniya nang ginagamit ang limangpung porsyento nang kaniyang lakas, subalit nagagawa parin siyang pantayan nang kaniyang kalaban.

Kaya naman mas nanabik pa si Lucy dahil doon, kaya naman mas nilakasan pa niya ang kaniyang pagsuntok sa higanteng ito. Samantala si Baal naman ay namangha sa ipinapakitang lakas nang prinsesa, kaniya nang inaasahan na magiging malakas ito dahil dumadaloy dito ang dugo nang kaniyang panginoon.

Subalit ang maging ganito kalakas sa maiksing panahon ay talagang kahanga-hanga, napalingon naman siya sa tagapagmana ni Hades. Hindi niya alam kung bakit hinahayaan lamang nito na lumaban nang mag-isa ang prinsesa, at ang tanging ginagawa lamang nito ay saluhin at gawing abo ang mga debris na mula sa mga banggaan nang atake nang dalawang naglalaban kanina pa.

Sa kaniyang pagkaka-alam ay mayroong malakas na pisikalidad ang tagapagmana na ito ni Hades, pero ang kasalukuyan ipinapakita nito ay hindi naaayon sa kaniyang inaasahan. Hindi niya maiwasan na isipin na nagpipigil ang batang ito nang kaniyang kapangyarihan sa sitwasyon na ito, marahil ay iniisip nito na hindi niya kailangan mag-aksaya nang oras para magsayang nang enerhiya.

Hindi naman din niya alam kung binanggit na ba ni Hades sa kaniyang tagapagmana ang tungkol sa kaniya, sapagkat kung hindi pa nito nasasabi ang tungkol sa kaniya ay iyun ang magandang pagkakataon para umatake siya.

Samantala si Hades naman ay kasalukuyan na nakaupo na lamang sa kaniyang upuan, habang kaniyang mahinahon na pinanonood ang nagaganap sa labas. Kaniya nang ipagkakatiwala sa Cerberus ang lahat, kailangan nitong maprotektahan ang kaniyang tagapagmana kapag nagsimula na itong kumilos laban kay Shawn.

Hindi niya hahayaan na makahigop pa muli nang kaniyang enerhiya ang isang ito, dahil kapag nakakuha muli ito nang kaniyang enerhiya ay tiyak na mas magiging makapangyarihan ang isang ito kaysa kay Satan. Ito na ang magiging kapareho nang sinasamba nitong si Lucifer.

Samantala ang Cerberus ay kasalukuyan na nakikipag-usap sa isipan ni Shawn, binabalaan niya si Shawn sa panganib na dulot nang lalake na kanina pa nito binabantayan. Binalaan niya ito na huwag lumapit sa lalakeng iyun dahil sa misteryosong abilidad na mayroon ito, nang marinig nga ni Shawn ang babala sa kaniya nang Cerberus ay napaseryoso siya nang tingin sa lalake na kaniyang binabantayan mula pa kanina.

Kung ganun ay napakadelikado pala nang lalakeng iyun, dahil kung hindi ay hindi magbibigay nang babala sa kaniya si Hades. Kaya naman nag-isip siya kung papaano niya maiiwasan ang mga pisikal na atake nito, samantala sa itaas naman kung saan naroroon ang dalawang diyablo na mula sa kanilang dimension.

Ay makikita na nakangiti ang mga ito habang malinaw nilang nakikita ang nagaganap sa loob nang Energy Waves, at kanilang malinaw na napapanood ang bawat kaganapan sa loob nito. Hindi sila makapaniwala sa lakas na tinataglay nang batang babae na nakikipag-sabayan sa SS Class Demon Class.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon