Chapter XCIV

74 21 0
                                    

Chapter XCIV: The Action Of The Demon General

----

ANG kasalukuyang kalagayan sa labas ng akademya ay patuloy ang matitinding paglalaban ng dalawang panig, sa kasalukuyan ay malaki nang parte ng kagubatan ang napinsala dahil sa sunod sunod na atake ng pinakakawalan ng mga kalaban. At sa ngayon nga ay dahilan ng pagkapagod ng dalawang kasamahan ni rev dahil sa direktang pagsalo ng mga ito ng mga malalakas na atake.

Samantala ang Demon General naman na nasa likod ng kaniyang mga alakad ay kasalukuyan na pinanood lamang ang bawat nangyayaring laban sa magkabilang panig, sa lumipas na ilang minuto ng pakikipaglaban ng kaniyang mga alagad sa mga ito ay kaniyang napapansin ang bukod tanging tao na nagagawang makatagal sa kaniyang mga alagad.

Ang taong ito ay ang nagtataglay ng pulang aura, sa kasalukuyan nga ay tutok na tutok siya sa isang ito. Habang nagagawang salagin nito ng walang kahirap hirap ang mga atake ng kaniyang mga alagad, dahil sa kakayanan nito ay kaniyang natitiyak na ito ang pinakamalakas sa kanilang tatlo.

Mukhang bagay naman sa taong ito ang maging hangal dahil nagagawa nitong makipagsabayan sa kaniyang mga mahihinang alagad, samantala si Rev naman ay kasalukuyang seryoso habang nakatuon ang kaniyang buong atensyon sa pagsalag sa mga atake ng kaniyang mga kalaban.

Sa lumipas na ilang minuto ay kaniyang napansin ang kakaibang pattern ng atake ng kaniyang mga kalaban, para bang mayroong ibang nag-uutos sa bawat pagkilos na gagawin ng mga ito sapagkat kung nanaisin ng mga ito na siya ay atakehin ng mga malalakas na atake ay kayang kaya iyun ng mga ito.

Kaya naman nagtataka siya kung bakit hindi ginagamit ng mga ito ang kanilang buong lakas, marahil ay sumusunod lamang ang mga ito sa bawat ipinag-uutos ng isang indibidwal na kabilang sa hukbo ng mga diyablo na kasalukuyan ay nanonood.

Sila Elena at Sebastian naman ay kasalukuyan na napapa-isip ng kanilang susunod na gagawin, at iyun ay ang patungkol sa isang bagay na maari nilang gawin. Kahit na ayaw ng dalawang ito na magsanib ng kapangyarihan na tinataglay ay wala silang magagawa na dalawa, kailangan nilang kalimutan muna ang kanilang alitan sa isat-isa at mas kailangan na pagtuunan nila sa ngayon ay ang mga kalaban.

Samantala si Elena naman ay nakatanggap ng mensahe mula sa mga nakataas, at ang namomoblemang ekspresyon ni Elena ay medyo humupa na. subalit kaagad iyung bumalik sa dati nang kaniyang malaman mula sa mga ito ang tungkol sa binabalak na pagsama sa digmaan ng mga bata.

Para kay Elena ay hindi pa ito ang tamang panahon para masabak sa ganitong labanan ang mga batang iyun, lalong lalo na ang mga batang iyun hindi siya makakapayag na sumabak sa ganito kadelikadong misyon ang mga batang ito.

Samantala si Rev naman ay napahinto sa kaniyang kinaroroonan ng kaniyang matanggap ang ulat ng mga opisyal at sinabi nito sa kaniya na malapit ng dumating ang kaniyang nakababatang kapatid, habang kasama nito ang kaniyang mga kaibigan at iba pang estudyante na nais protektahan ang paaralang ito.

Nang matanggap ni Rev ang balitang iyun mula sa mga nakataas, ay nabuhayan ng sobra si Rev dahil sa kasalukuyan ay tumatapak na sa parehong landas na kanaiyang tinatahak ang kaniyang nakababatang kapatid. At sa kasalukuyan ay pinangungunahan nito ang isang malaking grupo ng mga estudyante na handing lumaban, para protekhan ang kanilang mga pinahahalagahan.

Kaya naman mula sa kaniyang kinatatayuan ay kaniya nang inilabas ang kaniyang aura, samantala mula naman sa likod ng mga diyablo ay makikitang napatayo ang demon general. Makikita sa mukha nito ang pagkabigla dahil sa biglang pagtaas ng enerhiya na tinataglay nito.

Sa kasalukuyan ay nababalutan ito ng makapal na enerhiya, at ang presensya ng enerhiya ng lalakeng iyun ay mas malakas pa sa kaniyang inaasahan. Hindi niya inakala na mayroon siyang makikitang tao na nagtataglay ng ganito kalakas na kapangyarihan.

Ang kapangyarihan na taglay ng isang Z rank, hindi niya inasahan na kaniyang makikita sa lugar na ito ang isa sa limang Z ranker. Ang mga alagad nga nito na nakakita sa kaniyang pagtayo ay kaagad na nakaramdam ng takot, kaya naman kaagad na umalis ang mga ito sa harapan ng kanilang heneral.

Dahilan naman upang mapansin ni Rev ang indibidwal na bigla na lamang lumitaw dahil sa paghawi sa linya ng mga diyablo, sa palagay ni Rev ay ito ang nilalang na nagkokontrol sa mga diyablong ito. At base sa ikinilos kanina ng mga diyablo ay halatang takot ang mga ito dito, kaya naman marahil ay ito ang tumatayong pinuno ng hukbong ito.

Samantala sila Sebastian at Elena naman ay naalarma ng kanilang maramdaman ang paglitaw ng isang malakas na presensya mula sa likuran ng mga kalaban, mukhang ang isang iyun ay kanina pa naroroon at nanonood lamang. At mukhang sa pagkakataon na ito ay nagkaroon ito ng interest sa isa sa kanilang naroroon, mukhang ang pakay ng nilalang na ito ay walang iba kundi si Rev.

Sila Sebastian nga ay tatayo n asana mula sa kanilang pwesto, nang bigla na lamang silang hindi makagalaw mula sa kanilang pwesto. Parang mayroong pwersa ang pumipigil sa kanilang pag-galaw, dahil nga doon ay ang nagawa na lamang ni Sebastian ay pagmasdan ang kasalukuyang sitwasyon na kaniyang nakikita sa kaniyang harapan.

Samantala makikita naman ang nilalang na iyun na lumipad ng dahan dahan patungo sa kinaroroonan ni Rev, ang mga diyablo naman na humarap kay Rev ay kasalukuyang umatras at humanay muli sa kanilang mga kasamahan.

Ang mga diyablong ito ay walang balak na madamay sa gagawing hakbang ng kanilang pinuno, sapagkat ang isang ito ay hindi lamang kilala dahil isa itong heneral. Kundi wala itong awa kapag nakakakita ito ng malaking dumi sa kaniyang harapan, at sa kasalukuyan ay mukhang ang lalakeng kanilang kalaban kanina ang bago nitong magiging biktima.

Kanila nang nababatid ang magiging katapusan ng lalakeng ito, sapagkat kanilang alam na ang sino mang makalaban ng kanilang heneral ay kaagad nitong binubura sa mundo ng mga buhay. Samantala kasalukuyan na lumilipad ang buong grupo nila Alicia patungo sa labas ng akademya.

Natatagalan lamang sila dahil sa paglitaw ng iba pang estudyante na nais sumama sa kanila na lumaban, si Shawn nga ay makikitang seryoso habang pinagmamasdan ang kaniyang mga kasama sa pagkakataon na ito. Hindi alam ni Shawn kung kaniya bang magagampanan ng maayos ang kaniyang misyon, sapagkat ang dami na nang mga estudyante na kaniyang babantayan, hindi niya basta basta na malalaman kung sino ang nawawalang anak ni Lucifer.

Samantala si Alicia ay makikitang seryoso habang siya ay kasalukuyan na nakatingin sa kaniyang harapan, habang sa kaniyang likuran ay makikita ang makakapal na usok na nagmumula sa gitna ng kagubatan. Mukhang sa lugar na iyun nagaganap ngayon ang matinding laban sa pagitan ng kaniyang nakatatandang kapatid, at nang mga diyablo na umaatake ngayon sa lahat ng akademya.

Habang lumilipad sila papalapit sa lugar na iyun ay palakas ng palakas ang presensya ng eneriya na kanilang nararamdaman, hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay makikita si Alicia na gulat na gulat sa tanawin na bumungad sa kaniya.

Dahil sa kasalukuyan ay kanilang nakikita ang malaking pinsala na natamo ng buong lugar, at kanilang nakikita sa kasalukuyang ang nakatayong si Rev habang ang buong katawan nito ay nababalutan ng pula nitong enerhiya.

Habang sa harapan naman nito ay makikita ang isang indibidwal na nababalutan ng kulay lilang enerhiya, samantala si Rev naman ay naramdaman ang presensya ng kaniyang nakababatang kapatid. Mukhang sa pagkakataon na ito ay nakarating na ang mga ito, subalit ang pagpunta ng mga ito rito ay isang malaking pagkakamali.

Dahil ang nilalang na nasa kaniyang harapan sa ngayon ay hindi kakayanin ng kahit na sinong naroroon, ang nilalang na ito ay may misteryosong lakas na tinataglay na halos hindi niya magawang sabayan. Mukhang ang kalaban niyang ito ay mas malakas pa kaysa sa kaniya, hindi alam ni Rev kung paano ito nangyari subalit ito lamang ang kaniyang alam.

Ang makaharap ang isang ito sa isang labanan ay isa sa mga hindi dapat pang ginawa, dahil ang kahit na sinong humarang dito ay mapapabagsak. Ang kasalukuyang ekspresyon ni Rev ay bigla na lamang nawala, at ang enerhiya na bumabalot sa kaniyang katawan ay kaagad na nawala.

Si Alicia nga ay kasalukuyang napahinto na nang kaniyang makita ang kasalukuyang pagbagsak ng kaniyang nakatatandang kapatid, samantala ang ibang estudyante naman na nakakita ng pagbagsak ni Rev ay hindi makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.

Si Shawn naman ay naging seryoso ng kaniyang makita ang nagpabagsak kay Rev, ang nilalang na ito ay isang Diyablo at nababasa niya sa kasalukuyang ekspresyon nito ang isang nakakakilabot na ngiti. Ang ngiti ng isang nilalang na natutuwa kapag ito ay nakakakita ng mga nagdurusa sa kaniyang harapan…

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon