Chapter IX: Lucy Vs Shawn
---
IDINILAT ni lucy ang kaniyang mga mata at makikita ang kulay pulang kulay nito, ang kaniyang katawan ay nababalutan ng itim at pulang aura at kung tawagin ay Crimson Aura.
Ang pagbalot nito sa kaniyang katawan ang nagpanganga sa mga gurong nanonood. At nang makita naman iyun ni Shawn ay medyo nabigla siya, subalit nang lumipas ang ilang sandali ay nawala na agad iyun.
Sapagkat sinukat niya ang kalidad ng aura nito, at maikukumpara lamang iyun sa D class rank. Maganda ang daloy ng aura nito sa katawan ngunit hindi nito magawang pantayan ang kalidad ng kaniyang aura.
Subalit wala siyang balak na magpabaya sa labang ito, sapagkat ito ang unang beses na ipapakita niya ang kaniyang taglay na kapangyarihan at susubukan niya ito ngayon sa indibidwal na nagtatagalay ng misteryosang aura.
Pinagmasdan niya ang mga mata ng kaniyang kalaban, nakikita niya sa mga mata nito ang pagka sabik sa paglaban. Ikinuyom niya ang kaniyang kamao at pinadaloy ang kaniyang aura sa kaniyang mga kamao at binti.
Ang kaniyang mga nagbabagang kamao ay mas lalong lumakas dahil sa pag kontrol niya sa kaniyang aura.
Ito ang isa sa mga kakayahan ng bawat God's Children ang magawang kontrolin ang pagdaloy ng kanilang aura.
Isa ito sa mga pangunahing pamamaraan ng bawat God's Children, ang kakayahang kontrolin ang sariling kakayahan.
Si Lucy naman ay kaagad rin kinontrol ang kaniyang aura at ang natatanging nababalutan ng kanitang aura ay ang kaniyang mga kamao at binti.
At ang Aura nga ni Lucy ay mas lalong nagngalit dahil sa paglabas ng Pulang Kidlat sa mga kamao ni Lucy.
Ang mga guro nga ay napatayo sa kanilang nasasaksihan. Ang batang babaeng ito, hindi ito normal para sa isang God's Children.
Si Sebastian nga ay nag alinlangan ng makita ang tinataglay na elemento at aura nito.
Kukuhanin na sana niya sa kaniyang bulsa ang isang papel ng pagpapatigil ng labanan ng biglang kumilos ang dalawang bata.
Ang dalawa ay kaagad na umatake sa isat isa. Ang kaniyang mga binti ay halos bumaon sa kanilang kinatatayuan at isang parehong malakas na pagtalon sa ere ang ginawa ng dalawa.
Ang dalawa nga ay nag palabas ng magkaibang nagliliwanag na enerhiya.
Ang Asul na naglalagablab na apoy at ang Pulang higanteng kidlat na magtatama na.
"BANGG!!" Isang malakas na pagsabog ang naganap sa gitna ng Soccer field kung saan naroroon ang maliit na battle arena.
Sila Grey, at Akari ay napanganga nalang dahil sa malakas na pagsabog na nagawa ng atakeng iyun ng dalawa.
Si Sebastian nga ay nagulat dahil sa malakas na pagsabog na iyun, napalibutan nga ng usok ang paligid ng arena.
Kaya naman inilabas n'ya ang kaniyang dilaw na aura, at sa isang iglap nga ay madali na siya nakakakita. Nagagawang makakita ni Sebastian kahit maraming alikabok ang nagliparan sa paligid.
Ito ang isa pa sa mga kakayahan ng aura, ang maging isang proteksyon sa kahit anong bahay sa paligid. Kaya naman kahit sobrang labo ng buong paligid ay nagagawa parin niyang makikita ng malinaw.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AventuraLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...