Chapter XXI: New Student, New Competences
---
ANG paghayag na iyon ni Rev ay nakatatak ngayon sa isipan ng limang bata. Sa kasalukuyan ang anim na Z rankers ay naghiwa-hiwalay na ng landas. Ang mga ito ay kaagad na lumipad pabalik sa paaralan na kanilang kinabibilangan.
Samantala si Rev naman ay naiwan sa paaralan at sa ngayon ay kasama nila Edrian at Sebastian na hinahatid ang limang bata papunta sa isang malaking Gymnasium, kung saan naroroon ang mga mag-aaral ng Magica Academy.
Makikita naman ang mga mata ng lahat ng estudyante na ang magkaka-ibang emosyon, karamihan sa mga ito ay nagagalak sa isina-salaysay ng mga guro na mayroong mga bagong estudyante ang papasok sa kanilang paaralan. Habang ang iba naman ay makikitaan sa kanilang mga mata ng inis, dahil sa abala na dinudulot ng pagpupulong na ito sa kasalukuyan nilang pagsasanay.
Habang nagsasalita sa harapan ng mga estudyante si Stephanie, ay mararamdaman ang kakaibang aura sa paligid ng may tatlong mabigat na presensya ang bigla na lamang huminto sa bulwagan ng Gymnasium. Ang mga estudyante nga na malapit sa bulwagan ay kaagad nakita ang tatlo na pinang-gagalingan ng mabigat na presensya.
At nagulat ang mga seniors ng Makita na ang tatlong ito ay sila, Edrian, Sebastian at Rev. at ito ang kauna-unahang pagkakataon na Makita nila na magkakasama ang tatlo na ito. Lalo na si Rev na pinaka natatanging Z Class ng paaralang ito.
Hindi naman inaasahan ng ilan sa mga estudyante na magkasabay na maglakad sila Edrian at Sebastian na kapwa kasapi sa angkan na bahagi ng Pillars. Ang tatlong indibdwal na ito ay mga bigating tauhan sa loob ng akademya. Walang mga normal na Estudyante ng paaralang ito ang mag sasadya na lumapit sa mga ito.
Samantala sa likod nila Edrian ay makikita ang limang bata na magkaka-sunod na naglakad papasok sa loob ng Gymnasium, naramdaman ng mga bata ang atensyon na nakukuha nila ngayon. Si Jay-ar naman ay nakaramdam naman ng pagka-inis dahil sa mga tingin ng mga lalakeng estudyante sa kanila.
At pakiramdam niya ay minamaliit siya ng mga ito sa tingin pa lamang ng mga ito. Samantala si Shawn naman ay tahimik lamang na naglalakad habang ang kaniyang atensyon ay nasa kaniya lamang harapan. Hindi niya binibigyan ng atensyon ang mga tingin sa kanila ng mga estudyante ng magica academy.
Para sa kaniya ay normal lamang ito, sapagkat ipinaliwanag na ito sa kaniya ng kaniyang kuya Edrian nitong nakaraang araw lamang. Ang unang araw nila sa magica ay magiging isang mabigat na araw para sa kaniya na isang bagong salta. Dahil tiyak na sa isang galaw lamang ay may maganap na gulo.
Ang karamihan ng mga lalakeng estudyante ay mainitin ang ulo, at alam na ni Shawn na kapag ang isa sa kaniyang kasamahan ay mag-simulang uminit ang ulo ay tiyak na mapapa-away ito sa mga nakakatanda nitong estudyante.
Samantala ng Makita naman ni Stephanie ang pag dating nila Sebastian at ng hindi niya inaasahan na kasama ng mga ito, ay kaagad siyang nagsalita at ng marinig ng mga estudyante ang kaniyang sinabi ay kaagad naman na nagbigay galang ang mga ito kay Rev Blaziwart.
Nang sila Rev ay makarating na sa entablado kung saan naroroon si Stephanie ay kaagad na yumuko si Stephanie sa harapan ni Rev. kaagad naman siya umayos ng tayo ng patayuin siya ni Sebastian na kanina pa pala sumesenyas kay Stephanie.
At nang mapansin ni Stephanie ang huling pag senyas sa kaniyang ni Sebastian ay kaagad niyang binigay kay Rev ang microphone na hawak niya. Agad naman kinuha ni Rev ang microphone at humarap sa isang libong na estudyante ng Magica Academy.
Ang bilang na ito ay malaki na sa kasalukuyang pasilidad ng buong paaralan ng akademya. Ang lahat ng isang libong mga mag-aaral ng academya ay mga pawang nasa edad na 11 hanggang 14, na matatawag na juniors dahil ang mga ito ay mag-aaral pa lamang ng guro nila na kasalukuyang academya.
Ang paaralan ng Magica Academy ay nahahati sa dalawang uri ng pasilidad. Ang mga bata na nasa edad na 10 hanggang 15 ay mga pawang mag-aaral pa lamang ng Magica Academy kung saan ang mga guro ng mga ito ay ang mga mas nauna lamang sa kanila na estudyante naman ng Magica Elite Academy.
Na kasalukuyang kinabibilangan nila Edrian,Sebastian at Rev na ngayon ay nasa harapan ng 1,000 na estudyante na ngayon ay naroroon. Samantala sa likod naman ng tatlo ay humanay ang limang bata na pinangungunahan ni Shawn.
Makikita naman na nakahanay ng maayos ang mga ito, at makikita sa mga mata ng mga ito ang pagiging kalmado. Sinabi na ito sa kanila ni Sebastian kanina habang sila ay naglalakad. Dahil sila ay personal na magpapakilala sa harapan ng isang libong estudyante ng Magica Academy.
At sa harapan ng mga ito ay ipapakita rin nila ang kani-kanilang tinataglay na elemento. Sa harapan ng mga ito. Alam ng limang bata na malalagay sila sa mabigat na sitwasyon mamaya. Pero dapat nila itong gawin para maging maayos ang unang araw nila sa paaralan na ito.
Samantala sa kasalukuyan ay nagsimula magsalita sa harapan ng lahat si Rev, ipinakilala niya ang kaniyang sarili sa harapan ng mga ito. Mababakas naman sa mukha ng mga estudyante ang pagka-mangha dahil ang isang Z Class ay may panahon pa para magsalita sa harapan nilang lahat.
Mararamdaman sa buong silid ang aura ni Rev habang ito ay nagsasalita sa harapan ng mga ito ay mararamdaman naman ang mainit na enerhiya na bumabalot sa mga estudyante na naroroon. At maging si Shawn ay nabalutan din ng enerhiya na ito.
Ang enerhiya na bumabalot sa kanila ay dahil sa kakaibang kakayahan na mayroon si Rev. at ito ay mapadaloy ang kaniyang enerhiya sa kapwa niya Fire User na naroroon. Ang ibang mga estudyante naman ay napatingin sa kinaroroonan ni Shawn.
At napaseryoso ang mga ito dahil sa kanilang nasasaksihan. Dahil ang Enerhiya na bumabalot rito ay bigla na lamang naging kulay Asul na enerhiya. At para sa mga kapwa ni Rev na mga Fire User ang ibig sabihin ng pagbabago na ito ng enerhiya ay nagkakahulugan ng kalidad ng apoy na tinataglay ng isang Fire user.
Nang mapansin naman ni Shawn ang biglang pagbabago ng enerhiya na bumalot sa kaniya ay ang kaniyang kalmado na ekspresyon ay kaagad nabago at naging seryoso siya dahil sa bagay na ito. Ang asul na enerhiya na bumabalot sa kaniya ay mabilis na naglaho ng gamitin niya mismo ang kaniyang sarilung aura. At kasunod noon ay ang pag-papalabas niya ng kaniyang asul na apoy.
Makikita naman sa mukha ni Rev ang nakakapangilabot na Ngisi mula rito. Habang ang iba naman na estudyante na naroroon ay makikita na nabago ang eskpresyon ng Makita nila ang kalidad ng apoy na mayroon si Shawn.
Ito ang pinakamalakas na uri ng apoy, hindi sila maaaring magkamali. Nakaramdam naman ng pagka-insulto ang ibang mga narororoon, lalo na ang mga nagtataglay lamang ng pinaka mababang kalidad ng apoy. At ito ang mga Red Flame Users, dahil sa pag-papakita ng batang ito ng kaniyang Blue Flame habang ito ay nakatingin ng seryoso sa pinaka-malas na Red Flame User na si Rev.
Samantala si Edrian at Grey naman ay nakaramdam ng matinding tensyon dahil sa kaganapan na ito. Alam na ni Edrian na magiging ganito ang reaksyon ng mga Flame Users kapag nakita nila ang taglay na apoy ng kaniyang estudyante.
Pero mas nagtaka naman siya sa Aksyon na ginawa ni Rev, ang sapilitan na pagpapalabas ng kalidad ng apoy ni Shawn ay isang padalos dalos na galaw. Naiisip lamang ngayon ni Edrian na may gagawin si Rev na talaga naman na kakaiba. Subalit malalagay naman sa tensyonadong kalagayan ngayon si Shawn.
Samantala sa gitna ng mga estudyante ay makikita naman ang isang babae na nakangiting nakatitig kay Rev, ang babaeng ito ay mayroong pulang buhok at pulang mga mata. Ang babaeng ito ay pamilyar na pamilyar ang babaeng ito.
Makikita naman sa mukha ni Edrian ang pagka bigla. Nang maramdaman niya ang pag-dating ng isang kilala niyang tao. Dali dali siyang napatingin sa kumpulan ng mga estudyante at may nag-iisa na bukod tangi na estudyante ang may suot ng katulad ng uniporme niya.
Ang babae naman ay binalutan ng pulang aura ang kaniyang katawan. Kaya naman maging si Rev ay naramdaman ang aura ng babaeng kilala niya. Kaagad hinanap ni Rev ang aura ng kaniyang hinahanap at huminto ang kaniyang paningin sa isang babae. At ito ay walang iba kundi si Alicia Blaziwart. At higit sa lahat, ang tinataglay na aura nito ay nagbago na nagawa na nitong tumapak sa S rank....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...