Chapter CXLV: Other Plan
---
LUMIPAS ang ilang minuto ay mula nang magsimula ang laban nila Baal at Shawn, ay ganuon parin ang sitwasyon sa pagitan nang kanilang laban. Kagaya kanina ay mabibilis ang bawat atake na pinakakawalan ni Shawn, habang si Baal naman ay makikitang sinasalag pa rin ang mga atake nito.
Samantala sa kinaroroonan nila Jack ay makikita ang pagkagulat sa mukha ni Jack nang kaniyang marinig ang sinabi sa kaniya ni Markus, sapagkat kaniya itong tinanong kung ano ang kasalukuyang kaganapan.
Hindi makapaniwala si Jack nang sabihin ni Markus na ang dalawa sa mga indibidwal na lumilipad sa himpapawid ay kanilang kalaban, sinabi sa kaniya ni Markus na ang dalawang iyun ay mga Diyablo.
nang kaniyang marinig na ang dalawa sa mga nasa himpapawid ay diyablo ay nakaramdam siya nang kaba, dahil sa pagkumbinsi sa kaniya nang batang lalake na nasa kaniyang harapan na umalis sa lugar na iyun. samantala si Lucy naman ay inalis ang atensyon kay Jack, bagkus ay kaniyang itinuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang kalaban.
Ang lalakeng diyablo naman na kaniyang kalaban ay mabilis na naiwasan, ang kaniyang ginagawa kanina na tanggapin ang mga atake nang prinsesa sa kaniya ay kaniya nang itinigil dahil habang patagal nang patagal niya iyun na ginagamit ay mas dumarami ang kaniyang nagagamit na enerhiya.
Hindi dapat siya magsayang nang maraming enerhiya, dahil kung hindi ay malalagot silang dalawa nang kaniyang kasama kay Prinsipe Astaroth. kapag sila ay nabigo sa ibinigay nitong misyon sa kanila.
Samantala ang babaeng diyablo na kasama nito ay kasalukuyan na lumayo na nang distansya sa dalawa nitong kalaban, makikita sa kaniyang mga mata ang pagkagulat. at mukhang ang dahilan nang kaniyang pagkagulat ay ang dalawang bata na kalaban niya, samantala si Jarvis naman ay makikitang napanganga nang kaniyang masaksihan ang atakeng ginawa kanina ni Jay-ar.
Hindi siya makapaniwala na magagawa nitong masugatan ang kanilang kalaban, at nagawa iyun ni Jay-ar sa loob lamang nang ilang sigundo. ang buong katawan ni Jay-ar ay animo'y naging malaking sibat nang kidlat sa sobrang bilis at lakas nang atake na ginawa nito.
at sa kasalukuyan ay makikita ang kanilang kalaban na napa-atras habang hawak nito ang kaliwang braso nito, na tinamaan ni Jay-ar kanina. si Jay-ar naman ay makikitang hingal na hingal matapos niyang magawa ang kaniyang atake kanina, kaniyang naramdaman na tumama ang kaniyang ginawang atake kanina.
makikita sa kaniyang mukha ang saya nang kaniyang maisip na nagawa niyang sugatan ang kaniyang kalaban, hindi niya napigilan na mapalingon mula sa kinaroroonan nang diyablong iyun. subalit nang kaniya itong lingunin ay nanlaki ang kaniyang mga mata nang kaniyang makita ang mabilis na paggaling nang sugat na natamo nito.
dahil sa kaniyang nakita ay nawala ang kasiyahan na kaniyang nararamdaman, at iyun ay napalitan kaagad nang takot at pangamba. dahil ang kanilang kalaban ay mayroong kakayahan na paghilumin ang kaniyang mga natamong sugat.
Samantala si Jarvis naman ay nanlaki din ang mga mata nang kaniyang makita ang mabilisan na paghilom nang sugat nang babaeng diyablo, at kaniyang napansin kaagad ang kakaibang presensya na nagmula sa babaeng iyun.
napatingin siya sa mukha nito at ganun na lamang ang kaniyang naramdaman na pagka-alarma dahil ang mga mapupulang mga mata nang babaeng diyablo ay nagliwanag na lamang bigla, at ang katawan nito ay kaagad na nabalutan nang malakas na enerhiya.
ang lalakeng diyablo naman na kasama ng babaeng iyun ay napalingon kung saan naroroon ang kasama nito, makikita sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil ang kaniyang kasama ay inilabas na ang taglay nitong enerhiya. dahil doon ay naalarma siya sapagkat mukhang hindi na nakapag-pigil pa ang babaeng ito sa mga kalaban nitong mga bata.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...