Chapter XXXVIII: Rising Strength
---
ANG buong paligid ni Lucy ay makikita na nababalutan ng mabigat na enerhiya, samantala ang lalake na kalaban nito na kasalukuyan ay nakadapa sa sahig ay bigla na lamang naging likido. Samantala sampung hakbang ang layo mula sa kinatatayuan ni Lucy ay lumitaw ang lalake na kalaban ni Lucy.
Makikita naman sa mukha ng lalake ang hindi maipinta nitong mukha, dahil sa kasalukuyan ay hindi siya makapaniwala na magagawang labanan ng babaeng ito ang kaniyang pag-atake. At higit sa lahat ay nagawa lamang ito ng babae sa pamamagitan lamang ng aura nito.
Kaya naman nababahala siya ngayon dahil isang malakas na kalaban ang kaniyang makakaharap, kaya naman pinalabas niya ang tubig sa kaniyang mga kamay at kaagad na naging hugis ito ng patalim. Ang lalake nga ay mabilis na sinugod si Lucy gamit ang mga matatalim nitong mga braso.
Si Lucy nga ay mabilis na inilagan ang atake na iyun ng kaniyang kalaban, sa pamamagitan nga ng kaniyang pulidong mga galaw ay nagawa niyang iwasan ang bawat pag-wasiwas nito. Habang ginagawa nga iyun ni Lucy ay mababakas sa mukha niya ang pagiging kalmado.
Makikita naman ang inis na inis na ekspresyon ng kaniyang kalaban kaya naman mas binilisan pa nito ang pag-wasiwas. Hanggang sa magkaroon ng pagkakataon si Lucy at kaagad na sinipa sa mukha ang kaniyang kalaban.
Napatilapon nga ito dahil sa lakas ng pagkaka-sipa ni Lucy dito, samantala si Lucy ay kaagad na binalutan ng kaniyang aura ang kaniyang kaliwang kamao at sa isang iglap ay nasa harapan na siya ng kaniyang kalaban.
Ang lalake naman ay nataranta ng makita na nasa kaniyang harapan na ang kaniyang kalaban, napatingin nga siya sa kamao nito na ngayon nga papalapit na sa kaniyang mukha. Samantala si Lucy naman ay naalerto ng maramdaman na may mali sa palibot ng kaniyang kalaban. At sa kanila ngang kinaroroonan ay bigla na lamang may mga nagsi-labasan na likido.
Ang lalake nga ay makikitaan na ngayon ng ngiti sa kaniyang labi ng magawa niyang mahuli ang kaniyang kalaban, sa pamamagitan ng mga galamay na gawa niya ay pinuluputan nito ang buong katawan ni Lucy. At ang lalake nga ay inihanda ang kaniyang mga matatalim na braso upang atakehin si Lucy.
Samantala si Lucy ay ginamit na ang kaniyang taglay na elemento, ang lalake nga ay nagulat dahil nakawala ang kaniyang kalaban sa pamamagitan lamang ng paglalabas nito ng kakaibang liwanag. Ang kamao nito na kanina ay nababalutan ng aura nito ay nababalutan na ngayon ng magka-halong itim at pula na tila ba kuryente na dumadaloy sa mga palad nito.
Ang lalake nga ay nagulat ng bigla na lamang mawala sa kaniyang harapan ang kaniyang kalaban, at lumipas nga ang ilang sigundo ay nakaramdam siya ng malakas na pagtama sa kaniyang batok, at siya ay bigla na lamang nawalan ng malay.
Samantala nakita ng lahat ang mabilis na pagtapos ni Lucy ng kaniyang laban sa lalake na gumagamit ng elemento ng tubig, si Jay-ar nga ay makikitang nakangiti habang ito ay nakatingin sa kinaroroonan ni Lucy. Natutuwa siya dahil nagawa nito na mapagsak ang kalaban nito sa maiksing oras lamang.
Medyo nahuli lamang ito sa pagkilos dahil alam niya na ang ugali nito, at iyun ay ang alamin ang kakayahan ng mga kalaban nito. Sa harapan nga ni Jay-ar ay makikita si Scarlet na napasimangot ng makita ang walang kahirap-hirap na pagtalo ng isa sa tatlo pang kasamahan ng lalake na nasa kaniyang harapan sa kaniyang mga kaibigan.
Hindi niya matatanggap ang nagiging resulta ng labanan na ito, kaya naman ibabaling niya ang inis sa kaniyang makakalaban. Si Jay-ar nga ay nakita ang pagbalot ng itim na kidlat sa mga kamay nito, sa ikalawang pagkakataon nga ay makikita niya itong muli. At alam na niya ang epekto nito kapag direkta itong tumama sa kaniyang katawan.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...