Chapter XCI

80 20 0
                                    

Chapter XCI: The Arrival Of The Demons

---

ANG lahat ng lugar kung saan nakatayo ang paaralan ng magica academy ay kasalukuyan na sinasalakay ng malalaking hukbo ng mga diyablo, ang bawat akademya ay napupuno ng sunod sunod na malalakas na pagsabog sa bawat sulok nito.

Ang apat na akademya ay kapwa na nakakaranas ng ganitong krisis sa kasalukuyan, samantala ang mga indibidwal naman na mayroong kakayahan na makipaglaban ay kasalukuyan na walang takot na nilalabanan ang mga umaatake sa kanilang paaralan.

Sa pamamagitan ng kani-kanilang taglay na kapangyarihan ay kanilang nilalabanan ang bawat atake na pinakakawalan ng mga kalaban, subalit sa kabila ng lahat ay balewala lamang sa mga kalaban ang kanilang mga pag-atake.
.
Sapagkat ang katawan ng mga ito ay napaka-kapal at hindi basta basta tinatablan ng kanilang mga kapangyarihan, ang mga matatapang na indibidwal nga na ito ay nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa dahil sa kasalukuyang nagaganap.

Paano nila malalabanan ang ganito kalalakas na kalaban kung ang kanilang mga pag-atake ay hindi man lamang tumatalab sa mga kalaban, sa pagkakataon na ito ay natitiyak nila na matatalo sila kapag hindi pa lumitaw ang simbolo ng kanilang paaralan.

Ang natatanging indibidwal na maituturing na pinaka-malakas na indibidwal sa kanilang paaralan, samantala sa paaralan naman kung saan naroroon sila Alicia ay makikita ang pagkabigla ng mga estudyante sa loob ng Battle Stadium.

Sapagkat bigla na lamang sinigaw ni Alicia ang isang masamang balita, at iyun ay ang pagsalakay ng mga kalaban sa kanilang paaralan. Ang mga estudyante nga na nakarinig ng mga sinabing iyun ni Alicia, dahil ang pagbibiro ng ganung klase ng salita ay hindi ginagawa nito.

At kung totoo man ang sinabi ni Alicia ay mukhang konektado ang sinasabing ito ni Alicia sa bigla na lamang na pag-alis ng dalawang Z ranker sa loob ng battle stadium, samantala si Yoki naman ay kinotuban sa sinabing ito ng dalaga.

Mukhang konektado ang sinabi nito sa biglang pagbabago ng presensya ng dalawa niyang kasama kanina, sapagkat bigla na lamang siyang iniwan ng dalawang iyun ng wala man lamang paalam.

At kung totoo man ang sinasabi ni Alicia ay nasa mahirap silang sitwasyon sa ngayon, kaya naman kaagad na kumilos si Yoki at sa pamamagitan ng kaniyang pagpapalabas ng kaniyang nakakasindak na enerhiya ay nakuha niya ang atensyon ng lahat.

“Maghanda ang lahat sa paglikas!, Ang mga kayang makipaglaban maghanda na kayo dahil lalabanan natin ang mga diyablo!” malakas na sigaw ni Yoki na ikina-seryoso naman ng ibang estudyante na naroroon.
.
Habang ang iba naman ay kaagad na tumayo na para umalis, habang ang iba naman ay nanatili sa kanilang kinaroroonan at seryoso na nakatingin sa kapwa nila na hindi umalis sa kanilang kinatatayuan.

Samantala ang grupo naman ni Shawn ay makikitang seryoso dahil sa sinabi kanina ni Alicia, habang ang kanilang guro ay sinabihan na lumikas na ang iba at manatili ang mga handing makipaglaban.

Ang buong grupo ni Shawn ay nagkatinginan sa isat-isa at mukhang iisa lamang ang tumatakbo sa isipan nilang lahat, at iyun ay ang makipaglaban sa mga paparating na kalaban.

Samantala sila Alicia, Elton, Edrian at Dylan ay kasalukuyan na lumapit sa kinaroroonan ni Yoki, kaagad nga na ipinaliwanag ni Alicia ang kaniyang natanggap mula sa nakatataas at ng marinig nga ni Yoki ang sinabi ng mga ito ay nabigyan ng kasagutan ang kaniyang hinala.

Gumawa na ng pagkilos sila Ariana at Rev at sa kasalukyan na tumungo na sa kani-kanilang paroroonan para harapin ang mga kalaban, dahil dito ay kaagad niyang ipinatawag ang lahat ng kaniyang estudyante.

Ang buong grupo nga ni Shawn ay kaagad na lumapit sa kinaroroonan nila Yoki, habang ang iba namang miyembro ng Special Class ay nagmamadaling tumungo sa Battle Stadium.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon