Chapter XCVI

76 23 0
                                    

Chapter XCVI: Dyrott

---

SA lugar kung saan mayroong isang lalake ang nanonood sa isang silid ng isang magandang palabas, ay makikita sa mukha nito ang kakaibang saya. Sapagkat ang kaniyang kasalukuyang nasasaksihan ay ang laban sa pagitan ng isang Z ranker at ng isang Demon General.

Hindi ito makapaniwala na ang Dyrott na iyun pa ang mamumuno sa hukbong iyun, ang kaniyang akala ay wala itong balak na paglingkuran ang kasalukuyang Demon Lord na si Satan. Subalit sa kaniyang nakikita sa kasalukuyan ay kumikilos nito, ay mukhang nagtatrabaho na din ito para kay Satan.

Ang akala pa naman nito ay buo ang katapatan nito kay Lucifer subalit ngayon ay nakikita niya sa kaniyang napapanood ang mga ikini-kilos ni Dyrott, parang hindi ito ang kilala niyang heneral na walang pakealam sa mga pinagagawa ng iba. Bagkus ay kaniya pa itong sisirain para mas lalong maging kapanaa-panabik para sa kaniya ang mga pangyayari.

Ito ang kaniyang pagkaka-kilala kay Dyrott, at bilang isang Demon General na katulad nito ay hindi niya matatanggap na ang isang ito ay hindi kikilos sa sarili nitong disisyon. Dahil ang isang kagaya niya ay hindi dapat nagpapasa-ilalim ng isang mababang uri ng nilalang, kahit na ang nag-utos pa  nito ay isa sa pitong prinsipe ng impyerno.

Samantala sa limang lugar kung saan mayroong nagaganap na mga labanan ay kasalukuyan na makikita ang mga indibidwal na kasalukuyan na nagkakaroon ng mainit na laban, sa akademya kung saan nagtungo si Ariana ay kaniyang naabutan ang kaniyang akademya na kinabibilangan na aatakehin na sana ng isang indibidwal na nababalutan ng lilang enerhiya.

Nang kaniya ngang makita na aatakehin na nito ang akademya gamit ang bola ng enerhiya na inilalabas nito sa kaliwa nitong kamay, ay hindi nag-atubili si Ariana na sugurin ang kalaban.

Samantala nang mapansin naman nito ang kaniyang presensya ay walang kahirap hirap nitong iniwasan ang kaniyang ginawang pag-atake, napalingon si Ariana sa mukha ng nilalang na iyun at nanlaki ang kaniyang mata ng makita ang mukha ng isang babaeng diyablo.

Hindi niya inasahan na ang kalaban na ito ay isang babae pala, at hindi niya inakala na ang diyablong ito ay nagtataglay ng napakalakas na enerhiya. At base sa kakayahan nito na maramdaman ang kaniyang presensya sa kabila ng kaniyang pagtatago nito, ay sa tingin niya ay hindi basta basta ang isang ito.

Samantala sa ibang lugar naman kung saan nagaganap din ang pagsalakay ng mga diyablo at makikita ang pagdating ng mga indibidwal na inaasahan ng bawat estudyante ng akademya, at ito ay walang iba kundi ang mga Z ranker na simbolo ng kanilang paaralan. At nagbibigay patunay na ang mga ito ang pinaka-malakas na indibidwal sa buong akademya.

Samantala ang iba pang Z ranker sa kasalukuyan ay mayroong kaharap na mga malalakas na kalaban, at ang mga ito ay nagtataglay ng malakas na enerhiya katulad ni Dyrott. Ang mga ito ay kapwa nito na mga Demon General.

Sa lugar naman kung saan nagaganap ang labanan sa pagitan nila Rev at Dyrott ay kasalukuyan na nagsimula nang kumilos ang dalawa, si Dyrott ay kasalukuyan na sinasalag ang bawat atake na pinakakawalan ng kaniyang kalaban. Makikita sa kaniyang mukha ang kasiyahan habang inaatake siya ng kaniyang kalaban, sa ngayon ay nasasayahan si Dyrott dahil sa ekspresyon na mayroon ang kaharap niyang ito.

Sapagkat ang lalakeng ito ay kaniyang nakikitaan ng buhay sa mga mata nito, at ang sinisimbolo ng buhay sa mga mata nito ay ang pag-asa. At dahil dito ay mas nasisiyahan si Dyrott dahil ang mga ganitong tao ang mas gusto niyang pabagsakin, kaniyang ninanais na iparamdam rito ang kawalan ng pag-asa at paghihinagpis sa kakaharapin nitong pagkatalo sa laban na ito.

Samantala si Rev naman ay kasalukuyan na pina-uulanan ng kaniyang mga nagliliyab na kamao ang kaniyang kalaban, sa kasalukuyan ay kaniya nang ginagamit ang kaniyang buong lakas at hindi makapaniwala si Rev dahil sa bilis na tinataglay ng kaniyang kalaban.

Ang ganito kalakas na kalaban ay hindi niya inasahan na makakalaban niya mismo sa ganitong lugar, sa kaniyang palagay ay talagang pinag-handaan ng mga ito ang kanilang pagsalakay sa bawat akademya. Upang pahinain ang kanilang pwersa at mukhang ang kalaban niyang ito ay isa sa mga kasamahan ng sinasabi ng kaniyang nakababatang kapatid.

Ang lalake na nasa kaniyang harapan ay isang aktwal na Demon General, dahil ayon sa kaniyang nakababatang kapatid ang isang Demon General ay mayroong pag-uugali na maliitin ng husto ang mga nakakalaban nito. At sa kasalukuyan ay kaniyang nararamdaman ang pangmamaliit na iyun, dahil sa kasalukuyan ay ipinagmumukha nito na hindi siya kayang mapinsala ng kaniyang mga pag-atake.

Dahil dito ay nakaramdam ng pagka-inis dahil sa isang ito, subalit sa kabila ng kaniyang pagka-inis ay kaniyang mas pinipili na maging mahinahon at mag-pokus sa kaniyang susunod na gagawin. Habang nag-iisip nga si Rev ay kaniyang naramdaman ang presensya ng kaniyang nakababatang kapatid.

At siya nga ay bigla na lamang napalingon sa pwesto kung saan niya nararamdaman ang presensya nito, at hindi nga niya nagkamali sapagkat naroroon nga ang kaniyang kapatid habang kasama nito ang napaka-raming estudyante. Na mukhang handing handa na makipaglaban sa pagkakataon na ito, samantala sila Alicia naman ay kasalukuyan na nakikita ang isang nilalang sa kanilangg harapan.

Habang kanilang nakikita ang unti-unting pagbagsak ni Rev mula sa kamay ng kalaban nito, makikita sa mukha ni Alicia ang hindi makapaniwalang ekspresyon. Dahil ang kaniyang nakikita sa kaniyang harapan ay ang kaniyang kuya na natalo na ng kaniyang kasalukuyang kalaban.

Samantala si Rev naman ay biglang nakaramdam ng kakaiba dahil hindi man lamang siya nililingon ng kaniyang kapatid, at para bang sa kasalukuyan ay mayroon itong nakikita na hindi nito nakikita. At mukhang ang mga kasama rin nito ay nakikita din ang nakikita ng kaniyang nakababatang kapatid.

Samantala si Dyrott naman ay makikitang nakangiti habang kaniyang nakikita niya ang isang batang babae na nagagawang makakilos mula sa kaniyang mahika, sapagkat ang batang babae na ito ay malayang nakakakilos habang ang mga kasama nito ay kasalukuyan na nakakulong sa isang ilusyon na nagawa ng kaniyang mahika.

At ang kasalukuyang nakikita ng mga ito ay ang kani-kanilang kinakatakutan na makita, at iyun ay ang pagbagsak ng kanilang kinikilalang indibidwal. Samantala ibinalik ni Dyrott ang kaniyang atensyon sa batang babae na kaniyang nakikita, sa kaniyang palagay ay ito na ang batang kaniyang hinahanap hindi siya pwedeng magkamali.

Ito ang matagal ng nawawalang anak ng kaniyang panginoong Lucifer,  ang nawawalan prinsesa ng mga diyablo. Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nakatingin sa diyablo na kasalukuyan na kasalukuyan na nilalabanan ng totoong Rev Blaziwart.

Sa kasalukuyan ay alam niya na isang Ilusyon lamang ang nakikita ng lahat, at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan ay nagawa niyang burahin ang epekto ng kapangyarihan ng kanilang kalaban. Samantala si Shawn naman ay nabaling ang atensyon sa kasalukuyang nakakagalaw padin na si Lucy, hindi niya alam kung paano ito hindi naapektuhan ng mahika ng kalaban.

Nabahala si Shawn sapagkat ang kalaban ay kasalukuyan na nakatingin sa kinaroroonan ni Lucy, walang kaalam alam si Lucy sa maaring mangyari dahil sa paraan ng pagtingin ng mga ito sa kaniyang kaibigan.

Sa pamamaraan ng pagtingin ng mga ito ay para bang mayroong hinahantay ang mga ito, hindi alam ni Shawn kung bakit ganito basta ang kaniyang alam lamang sa kasalukuyan ay nakakaramdam siya ng matinding panganib sa kasalukuyang nilang sitwasyon.

Samantala si Dyrott naman ay kaagad na kinonpirma ang isang bagay, at kaniyang pinakiramdaman ang tinataglay na enerhiya ng batang iyun. At nagulat siya ng maramdaman ang enerhiya ng isa pang indibidwal malapit sa batang babae na iyun, at napatingin siya sa kasalukuyang lokasyon kung saan naroroon ang batang si Shawn.

Makikita ang gulat sa mukha ni Dyrott sapagkat pamilya ang enerhiya na inilalabas ng katawan nito, at iyun ay kaapareho ng enerhiya na inilalabas ng kaniyang kaibigan na si Baal. Ang kaniyang kaibigan na nakakuha ng kaunting kapangyarihan mula sa Diyos na nakalaban nito, at mukhang nasa kaniyang harapan na ang naging tagapagmana ng diyos na iyun.

Ang Diyos ng kadiliman at Hari ng karimlan, walang iba kundi si Hades ang kaisa-isahang diyos na naglakas loob na ipahiya ang kaniyang panginoon sa gitna ng malawakang digmaan ng mga diyos mula sa mas mataas na mundo…

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon