Chapter CXX

64 18 0
                                    

Chapter CXX: Struggle

---

NANG marinig nang lahat ang sinabi nang Demon King ay nabahala ang mga ito, dahil sa masamang balita. Hindi sila makapaniwala sa muling pagbabalik nang nilalang na naging banta sa kanilang lahi, ang mga lalake na diyablo nga ay kapwa may iisang reaksyon sa sinabing iyun nang hari.

Dahil ang nilalang na pumaslang sa kanilang mga kaanak ay muling nagbalik sa pamamagitan nang isang mortal, at ang mortal na iyun ay kayang kaya na gamitin nang maayos ang taglay nitong kapangyarihan. Habang naalarma ang mga iyun dahil sa pagbabalik nang nilalang na iyun, ay sinabi naman ng Demon ang isa pang balita.

At iyun ay ang kasalukuyang lokasyon kung saan naroroon ang mahal na prinsesa, nang mabanggit nga ito ng Demon king ay natahimik ang buong paligid at tila ba interesado ang mga ito na marinig nang malinaw ang sasabihin nang kanilang hari.

Si Satan nga ay makikitang nakangiti habang bibigkasin na nito kung nasaan na sa kasalukuyan ang kanilang prinsesa, samantala sa loob naman nang palasyo ay makikita ang totoong Demon King. Kasalukuyan itong nakatali at mayroong kakaibang kwintas ang nakasuot sa kaniyang Leeg, ang kwintas na ito ay isinuot sa kaniya nang kaniyang nakababatang kapatid.

Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito, si Astaroth ang kasalukuyang nagpapaliwanag ngayon sa labas. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito, hindi niya magawang makagalaw at makasigaw man lamang.

Mukhang ang dahilan kung bakit hindi siya makagalaw at makapagsalita ay ang kwintas na ibinigay nito sa kaniya, subalit hindi niya akalain na gagawin ito sa kaniya nang kaniyang kapatid at ang masama pa ay nang hawakan siya nito ay kaagad itong nagpalit nang anyo at lumabas bilang sya.

Samantala sa labas naman ay makikitang gulat na gulat ang lahat nang banggitin ng Demon King na ang nawawalang prinsesa ay nasa mundo lamang nang mga tao, at nagkukubli bilang isang God's Children. Nang banggitin iyun nang Demon King ay bahagyang nagtaka ang Limang Demon General sa sinabi nang Demon king, Parang wala silang binanggit dito patungkol kung paano ito nagkubli bilang isang god's children.

Ang alam lamang nito ay nagtagpuan nila ito, subalit hindi nila ito nakuha dahil sa malakas na kalaban. Sila Grisha ay inihanda ang kanilang mga sandata dahil naghihinala sila, si Varies nga ay kaagad na umalis doon at kaagad na nagtungo sa silid nang hari.

Sapagkat natanggap niya kanina ang report nang mga gwardya nang hari, na ang nakababatang kapatid nang hari ay nagbalik. At sabi nang hari ay mananatili na muna si Astaroth sa kaniyang silid. Dahil doon ay naalarma sila dahil malaki ang posibilidad na ang Hari na nagsasalita ngayon sa labas ay hindi ang totoong hari.

Nang makita nga niya ang pintuan nang silid nang hari ay kaagad siyang lumapit dito, ang dalawang bantay naman ay napansin niya na hindi man lamang gumagalaw nang makita siya. Naalarma si Varies dahil bigla na lamang siyang inatake nang isa sa mga bantay nang hari, kaya naman dali dali niyang inugot ang kaniyang sandata.

At sinalag ang atake nito gamit ang kaniyang Demonic Puppet, kaniyang naalala na hindi pa pala kumakain nang sariwang lamang nang diyablo ang kaniyang puppet at mukhang tamang tama ang mga traydor na ito bilang maging pagkain nang kaniyang sandata.

Ang isa namang gwardya ay makikitang naalarma dahil sa paglabas nang kaniyang puppet, samantala sa labas naman nang silid ay narinig ni Satan ang mga ingay na nagaganap sa labas. Mukhang mayroong naglalaban sa labas, mukhang ang kaniyang mga heneral ay nakatunog sa kung ano ang totoong nagaganap.

Mukhang mayroong naramdaman na kakaiba ang kaniyang mga heneral at ang mga ito kaagad nang paraan, tumagal lamang ang ingay sa labas nang ilang Segundo at sa wakas ay natapos na din ang laban sa laban.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon