Chapter CXXVIII: Fight To Survive
---
SA loob nang isang apartment ay makikita si Zack na patungo sa palikuran para maligo, hindi na siya nag-abala pa na pagmasdan ang bangkay nang bata na kasalukuyan na dinudumog sa labas. Nasanay na ito sa ganitong eksena, sapagkat matagal na siyang nakakakita nang ganitong mga tagpo.
Nasanay na siya na makakita nang mga magulang na naghihinagpis, dahil nawalan ang mga ito nang kanilang mga mahal sa buhay. Dahil maaga pa lamang ay nawalay na siya sa kaniyang mga magulang, dahil ang mga ito ay namatay dahil sa pagsalakay nang mga halimaw.
At nang maganap nga iyun ay mismong sa harapan pa niya mismo pinatay nang mga ito ang kaniyang mga magulang, kaya lamang siya nabuhay ay dahil hinayaan lamang siya nang isa sa mga iyun. Dahil doon ay hindi niya malilimutan ang mga halimaw na pumatay sa kaniyang mga magulang, kaya naman tinatak niya sa kaniyang isipan na ipaghiganti ang mga ito.
Nang umabot na siya sa edad na sampu ay doon nagising ang kaniyang natatagong kakayahan, at ang kaniyang kakayahan ay ang makabuo nang mga metal. Ang kaniyang buong kakayahan ay hindi pa niya alam, sapagkat hindi alam nang lahat ang kaniyang taglay na abilidad.
Hindi nga niya alam kung paano siya nagkaroon nito, subalit ang kaniyang napapansin sa tuwing matatamaan ang mga halimaw na iyun nang metal na mula sa kaniyang ginawang palaso ay nasasaktan ang mga ito. Kaya naman mula noon ay palihim na siyang kumikilos at lumalaban sa mga halimaw, na katulad sa mga pumaslang sa kaniyang mga magulang.
Sa tinagal tagal na niya bilang isang tagong mandirigma, ay nagawa na rin niya ang makapagligtas nang buhay. Kaya lamang nang siya ay mapadpad sa lugar na ito ay hindi niya inasahan na ganito kabangis ang mga halimaw na naririto, ang kaniya lamang alam sa lugar na ito ay napakatahimik rito.
Subalit isang araw ay bigla na lamang may isang batang babae ang natagpuang patay sa isang abandonadong bahay, at ang bangkay nito ay katulad na katulad sa sinapit nang mga batang naging biktima nang mga halimaw na kaniyang hinahanap sa ngayon.
Sa tinagal tagal na niya bilang isang tagong mandirigma, ay nagawa na rin niya ang makapagligtas nang buhay. Kaya lamang nang siya ay mapadpad sa lugar na ito ay hindi niya inasahan na ganito kabangis ang mga halimaw na naririto, ang kaniya lamang alam sa lugar na ito ay napakatahimik rito.
Subalit isang araw ay bigla na lamang may isang batang babae ang natagpuang patay sa isang abandonadong bahay, at ang bangkay nito ay katulad na katulad sa sinapit nang mga batang naging biktima nang mga halimaw na kaniyang hinahanap sa ngayon.
Hindi niya masukat akalain na ang mga nilalang na iyun ay ginagawang pagkain ang mga taong naninirahan sa lugar na ito, si Zack ay ilang buwan pa lamang na naninirahan sa lugar na ito at sa tinagal na niya sa lugar na ito ay ngayon lamang siya nakasagupa nang mga aktibong mga halimaw.
Habang kaniyang inaalala ang mga naganap sa kaniyang buhay, ay natapos na siya sa kaniyang pagligo sa palikuran. Paglabas niya nanag palikuran ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang tuwalya, pagkakuha nga noon ay dali-dali na siyang nagtungo sa kaniyang kwarto para magbihis.
Samantala sila Shawn at Lucy ay kasalukuyan na naghahanda para umalis, sapagkat sila ay maglilibot sa paligid para maghanap nang mga bakas nang mga diyablo. At kanilang pinag-isipan kung paano nila iyun gagawin, subalit bago sila umalis ay kailangan muna nila na magpaalam sa may-ari nang kanilang inuupahan.
Dahil hindi nila gusto na mag-alala ito sa kanila kapag sila ay ginabi na sa paghahanap, nang matapos sila sa paghahanda ay nauna nang lumabas si Shawn sa kanilang silid. At kaagad itong nagtungo sa kanilang land lady para mag-paalam, habang si Lucy naman ay susunod na lamang kapag tinawag na siya ni Shawn mula sa labas.
Nang lumabas nga si Shawn ay kaagad itong napansin ng mga kapitbahay nila, lalo na ang mga boardmates nilang babae. Dahil ang pormahan nang damit nang batang lalake ay parang may mahalaga itong lakad. Sa kanilang palagay ay mukhang aalis ito, at magtutungo kay Aling Marites ang kanilang Land lady.
Habang si Shawn ay naglalakad patungo sa ibaba ay napapatingin siya sa mga tao na nasa paligid, napansin niya mula sa mga ito ang mga pinag-uusapan nang mga ito. At iyun ay ang patungkol kanina sa anak nang kanilang kapitbahay, nang maalala ni Shawn ang itsura nang batang biktima ay naikuyom niya ang kaniyang kamao.
Hindi na niya muna pinakinggan ang mga pinag-uusapan nang mga nasa paligid niya, dahil iyun naman ang kanilang gagawin maya maya. Samantala si Lucy naman ay lumabas na nang kanilang silid at dala dala niya ang susi nang kanilang silid, ang mga kapitbahay naman nila ay napatingin sa suot suot ni Lucy.
Isa itong kulay pulang blouse na bagay na bagay sa kulay nang kaniyang buhok, ang mga babae nga na nakakita sa suot ni Lucy ay nakaramdam nang paghanga dito. Sapagkat mayroon itong magandang taste sa mga damit...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...