Chapter LXXIII: The Big Three
---
ANG buong istadyum ay nabalot ng katahimikan ng magsimula na pumasok sa loob ng istadyum ang lahat ng mga kalahok, sa kasalukuyan ay nakatuon lamang ang kanilang atensyon sa mga kalahok na nasa loob ng istadyum.
Lalong lalo na sa tatlong indibwal na kilala bilang ang mga pinaka-malalakas na estudyante sa akademya, ang tatlong estudyante na nagawang pabagsakin ang kahit na sinong humadlang sa mga ito sa lahat ng labanan. Ang tatlong magkakaibigan na sila Alicia, Edrian at Elton ang tatlo na kilala din na miyembro ng bawat angkan na kabilang sa sampung pillar na bumubuo sa akademya.
Samantala ang ibang manonood naman ay napapatingin sa kinaroroonan ng limang 1st year student na kabilang sa ikalawang bahagi ng labanang ito, hindi parin makapaniwala ang mga manonood na ang limang ito ay kumpleto na lalaban sa bahaging ito. Nakakaramdam sila nang sobrang excitement dahil tiyak na magpapakitang gilas na ang mga ito sa kanilang lahat.
Natitiyak ng mga manonood na papatunayan ng limang ito na karapat-dapat ang mga ito na mapabilang sa Special Class, lalong lalo na dahil ang limang bata na ito ay tiyak na nagtataglay ng kakaibang kakayahan kaya ang mga ito ay maagang napabilang sa espesyal na grupong ito.
Lalong lalo na ang batang nagtataglay ng asul na apoy, malaki ang kanilang inaasahan mula rito at dapat ay makita nila sa round na ito ang tunay na abilidad ng pambihirang Blue Flame. Samantala makikita naman sa mukha ng apat na miyembro ng Elite Class ang pagka-badtrip dahil sa paraan ng pagtingin sa kanila ng mga bata na nakatingin sa kanila.
Lalo na si Jerren na kasalukuyan ay naiirita na sa masamang tingin sa kaniya ng batang nagngangalang Markus, nababasa niya sa mga mata nito ang nararamdaman nitong galit at batid niya kung bakit ito galit sa kaniya. Ayaw niya sanang bigyan ng pansin ang batang ito subalit sinasagad din ng batang ito ang kaniyang pasensya.
Kaya naman napag-desisyon na niya na siya na ang lalaban sa batang ito, at pagkatapos ay kaniyang isusunod si Edrian para ito pabagsakin. Malaki ang kaniyang galit sa isang iyun at sa pagkakataon na ito ay natitiyak niya na kaya na niyang talunin ito, lalong lalo na ngayon na hindi na elemento ng tubig ang ginagamit nito kundi elemento na nang yelo.
Malaki ang kaniyang kalamangan sa mga wide range attack, at batid niya na nangangapa pa lamang ito sa bago nitong kapangyarihan. At ito ay kaniyang sasadyain upang ipakita sa lahat ng manonood na nagawa niyang mapaluhod sa lupa ang lalakeng iyun.
Lumipas ang ilang minuto sa loob ng istadyum ay saw akas ay nagsimula ng magsalita ang announcer para muling ipakilala ang mga kalahok, naunang tinawag ang mga tumatayong pinuno ng bawat seksyon na sila Alicia at Caleb. At bilang mga namumuno sa dalawang pangkat ay matapang na tumayo ang dalawang ito sa unahan ng dalawang panig, hudyat na silang dalawa ang magpapasimula ng ikalawang bahagi ng labanan.
Samantala si Caleb ay makikitang seryoso na nakatingin sa kaniyang kaharap na si Alicia, kahit nga na makikita sa mukha ni Caleb ang pagiging seryoso ay nakikita naman sa kaniyang mga mata ang kaniyang kaba na nararamdaman. Dahil sa pagkakataon nga na ito ay nakaharap siya ngayon kay Alicia, ang mismong nakababatang kapatid ng kasalukuyang pinaka-malakas na Z ranker na nabubuhay sa mundo.
Ang makaharap ang isang kagaya ni Alicia ay isang napakalaki nang oportunidad kay Caleb at ang maging representante bilang ang pinuno ng Special class, habang kinakalaban ang seksyon na kibibilangan nito ay isa nang malaking karangalan.
Samantala si Alicia ay napapansin ang kabang nararamdaman ng pinuno ng Special Class, sanay na siya na may makaharap na mayroong kabang nararamdaman sa tuwing siya ang kaharap. At karamihan sa kaniyang mga nakakaharap ay binabalot kaagad ng takot kapag inilabas na niya ang kaniyang presenya, subalit ang isang ito ay kakaiba dahil sa kabila ng nararamdaman nitong kaba ay nakikita niya sa mukha nito na seryoso ito sa pagkakataon na ito.
Walang pag-aalinlangan sa puso ang lalakeng ito, bagkus ay nararamdaman niya na mukhang natutuwa pa ang isang ito na makaharap siya sa isang laban. Ngayon lamang siya may nakaharap na ganito mag-isip, mukhang ang guro ng seksyon na ito ay nagsanay ng mga estudyante sa pamamagitan ng ibang paraan kaysa sa mga nakaraang guro na humawag sa seksyon na ito.
Dahil ang pinunong ito na kaniyang kaharap ay handa sa kahit anong sitwasyon na kinakaharap nito, at walang pag-aalinlangan na lumaban kahit na alam nito na walang pag-asa na matalo nito ang kalaban nito. Ito ang kaniyang gusto na makita sa kaniyang nakakaharap, ang kalaban na walang pag-aalinangan at hindi makikitaan ng pagsuko kahit na mas malakas pa ang kaharap nito.
Samantala habang makikitaan ng paghanga si Alicia sa kaharap nito na si Caleb ay makikita naman na nakatingin sa kaniya ng masama ang kaniyang kaklase na si Byakuya, si Byakuya ay isa lamang sa mga may galit kay Alicia.
Sapagkat isa si Byakuya sa mga minsan nang ipinahiya ni Alicia sa harapan ng lahat nang una silang magkaharap sa isang laban, at napakadali lamang siya nitong pinabagsak. Hindi iyun matanggap ni Byakuya dahil nagawa siyang pabagsakin ng isa lamang babae.
Ang ganung uri ng kahihiyan ay hinding-hindi niya matatanggap kailanman, na magawa siyang matalo nang parang isang basura. Samantala kasalukuyan naman na makikita si Elton na nakatingin sa kaniyang dalawang naging estudyante na sila Akari at jay-ar.
Natutuwa siya na makita ang mga ito ngayon sa kaniyang harapan, hindi niya inasahan na makakaharap niya kaagad ang dalawang ito sa ganitong uri ng paligsahan. Masaya siya na mabilis na lumakas ang mga ito simula ng mapabilang ito sa Special Class, dahil sa maiksing panahon lamang ay nagkaroon na kaagad ng malaking pagbabago sa kanilang taglay na kapangyarihan.
Dahil sa kasalukuyan ay kaniyang nakikita ang kasalukuyang lakas ng taglay na enerhiya ng kaniyang itinuturing na pinaka-mahina sa limang ito, at ito ay walang iba kundi si Jay-ar na noong pumasok ito sa loob ng akademya ay nasa D rank lamang ang antas ng lakas at kakayahan na mayroon ito.
Subalit ngayon ay malinaw niyang nararamdaman ang kasalukuyang antas ng lakas at kakayahan nito, dahil sa kasalukuyan ay isa na itong B ranker at sa lakas na mayroon ito ngayon ay kayang kaya nito na makipagsabayan sa isang aktwal na A ranker.
Habang ang katabi naman nito na si Akari ay inasahan na niya na lalakas sa paglipas ng isang buwan, pero ang lumakas ito ng ganito kabilis ay hindi niya inasahan. Dahil sa kanilang lima ay ito ang pangatlo sa pinaka-malakas at base sa kasalukuyang lakas na taglay nito ay naabot na nito ang sukdulan ng isang B ranker.
Ang dalawang bata na ito ay nagpakita sa kaniya ng kakaibang talento, hindi man sila katulad nila Grey, Shawn at Lucy na nagtataglay ng mga pambihirang abilidad. Ay nabiyayaan naman sila ng kakaibang determinasyon para muling magpatuloy sa kabila ng pagkakaroon lamang ng normal na kapangyarihan.
Natutuwa siya na ang mga ito ay kasalukuyang nakatayo sa loob ng iisang stadium ng kasama siya, at ibig sabihin lamang nito ay maituturing nang malakas na indibidwal ang mga ito dahil nagawang makasama ng limang 1st year student ang tatlo sa pinakamalalakas na estudyante sa loob ng battle field.
Kasama silang tatlo na kinikilala ng lahat bilang ang The Big Three…
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...