Chapter XLV: Training Of The Students
---
LUMIPAS ang isang linggo ay marami ang nangyari sa loob ng akademya, ang bawat estudyante nga ay suma-ilalim sa ibat-ibang pagsasanay. May ilang mga nagsanay sa ilalim ng mga kilalang indibidwal sa loob ng akademya. At ang mga indibidwal na ito ay ang mga nakatatandang estudyante na may sapat ng kakayahan.
Ang isa nga sa mga estudyante na naghanap ng personal na tuturuan ay si Elton na kasalukuyang ngang sinasanay ang kaniyang mga estudyante na katulad niya ay nagtataglay ng elemento ng hangin. Si Elton nga ay nagbibigay ng hindi madaling pamamaraan ng pag-gamit ng enerhiya.
Isa nga sa kaniyang mga tinuturuan ay ang isa sa pinaka-talentadong Wind User na isang 3rd year student, ang batang ito ay isang babae na mayroong berdeng mga mata at mahabang itim na buhok. Ang babae nga na ito ay kasalukuyang nababalutan ng Berdeng Aura.
Ang batang babae nga ay makikita na nakatingin ng seryoso kay Elton habang ito ay nakahanda upang umatake, kasalukuyang nilalabanan ni Elton ang kaniyang mga estudyante at sa ngayon nga ay ang batang babae na ito naman ang susunod nitong makaka-harap.
Si Elton nga ay hinanda ang sarili dahil ang kaniyang estudyante ay kaagad siyang inatake gamit ang natural nitong bilis habang tanging gamit ang Aura Skin na tinataglay nito. Ang mga estudyante nga na nakakakita ng paglalaban ng dalawa ay namamangha sa kanilang nasasak-sihan, hindi nila maiwasan na mamangha sa tuwing naglalaban ang kanilang guro at kanilang kamag-aral na si Vaneza.
Si Vaneza ay isa sa mga matagal ng estudyante ni Elton at sa loob ng tatlong taon nito sa akademya ay nakatapak na ito sa ranggo ng isang A rank, sa kasalukuyan nga ay pareho silang may aura ng isang A rank, subalit sa larangan ng lakas at taglay na aura ay langit at lupa pa ang pagitan ng kanilang lakas.
Si Vaneza nga ay isa sa mga inaasahan na mawawagi sa nalalapit na paligsahan, dahil sa edad nito na katorse ay mayroon na itong kakayahan na makagamit ng Aura Skin na kung susukatin ay nasa labing isang porsyento na ito.
Ang palitan ng mga atake nga nila Elton at Vaneza ay natapos ng tumunog ang kanilang alarm na naghudyat na tapos na ang laban. ang pagsasanay nga ng mga nasa pangangalaga ni Elton ay muling nagpatuloy at ang lahat nga ng mga ito ay makikitaan ng malakas na determinasyon habang makikita sa mukha ng mga ito ang maaliwalas na mga ngiti.
Samantala ganito rin ang nangyayari ngayon kila Alicia, Edrian, Sebastian at Elena, sila ay mayroong mga sinasanay na estudyante dahil narin sa inutos sa kanila ng mga nakatataas, si Alicia nga at ang kaniyang mga estuydante ay kasaluyang nagkakaroon ng mainit na labanan.
Si Alicia laban sa Sampung mga bata na nagtataglay ng elemento ng apoy, kapwa ang mga ito ay nagtataglay ng pulang apoy katulad ng kaniyang at ang mga ito ay nagtataglay ng Aura ng isang B ranker. Balewala nga lamang na sinasalag ni Alicia ang bawat pag-atake ng mga ito at inihahagis ang mga ito sa ere.
Ang mga estudyante nga ni Alicia ay hindi makapaniwala sa pamamaraan ng pagsasanay sa kanila ni Alicia, pero nasanay na sila sa pamamaraan na ito. dahil sa pamamagitan ng ganitong pagsasanay ay mas napapabilis ang kanilang karanasan sa pakikipag-laban.
Si Alicia nga ay hindi nag-papabaya sa bawat kaniyang binibitawang atake, dahil ang sampu niyang estudyante ay mga nasa 2nd year at 3rd year level na. at kagaya niya ay nakakagamit na rin ang mga ito ng Aura Skin subalit mas pinag-tutuunan ng mga ito ang pisikal na aspeto at lakas ng taglay nilang elemento.
Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito ni Alicia ay mas masasanay ang kaniyang mga estudyante sa mga harapan na laban. at kung harapang pakikipag-laban ang pamamaraan na ginagamit ni Alicia sa pagsasanay sa kaniyang mga estudyante ay iba naman ang paraan ng pagtuturo ng magkapatid na Washinton.
Si Edrian at Elena ay magkasama ngayon sa istadyum na kanilang pagmamay-ari, habang kasama nila sa ang kani-kanilang bagong estudyante na halos lahat ay nagtataglay ng elemento ng tubig. Ang mga estudyante nga ay makikitang nahihirapan na kalabanin si Edrian dahil sa malakas nitong elemento.
Ang magkapatid na Washinton nga ay nagdala ng mga estuyante ng akademya sa loob ng kanilang sariling pamamahay. Ang dinala nga nilang estudyante ay nasa bilang na sampu lamang dahil sa takot ng ibang estudyante sa nakatatandang kapatid ni Edrian na si Elena.
Dahil sa malupit nitong pamamaraan ng pagsasanay, subalit sa kasalukuyan ay makikita si Elena na nag-eenjoy habang makikita ito na dumedepensa sa bawat pag-atake na ginagawa ng kaniyang mga sinasanay na mga bata.
Kasalukuyan na nababalutan ng kaniyang taglay na elemento si Elena habang ang tubig na nakabalot sa kaniyang katawan ay gumagawa ng mga tila tentacles na sinasalat ang bawat atake na gagawin ng limang bata na kaniyang sinasanay.
Habang si Edrian naman ay kasalukuyan na nababalutan ng kaniyang taglay na elemento, makikita naman sa kaniyang mga sinasanay na estudyante ang pagod. Dahil kanina pa sila hindi makatama sa kahit saang parte ng bukas na depensa ng kanilang guro.
Hindi nila magawang makalusot sa matinding depensa na mayroon si Edrian, ang kaniyang yelo ay kusang pinu-protektahan siya mula sa mga papalapit na atake ng limang bata. at isa pa ang problema ng mga ito ay sa tuwing makalalapit ang kanilang elemento sa elemento ng kanilang guro ay tumitigas ang mga ito at nagiging yelo.
Kaya naman mas lalo silang nakakaramdam ng pagod dahil dito, samantala si Sebastian naman ay makikitang nagsasanay ng nag-iisang estudyante at ang estudyante niyang ito ay ang bukod tanging estudyante na nakuha ang kaniyang atenyon.
At ito ay ang nakatatandang kapatid ni Akari, si Tetsuya na kasalukuyan ay makikitang seryoso habang ito ay nababalutan ng berdeng aura. Si Sebastian nga ay hindi makapaniwala sa itinaas ng improvement ng lakas ng kapangyarihan ng kaniyang estudyante.
Talaga ngang hindi siya nagkamali na piliin ito na kaniyang maging estudyante, samantala naipa-alam na niya rito ang patungkol sa nakababata nitong kapatid na si Akari. At gaya ng kaniyang inaasahan ay hindi man lamang ito nagpakita ng kahit anong emosyon ng banggitin niya ang tungkol sa pagpasok ng kapatid nito sa akademya.
Samantala sa loob naman ng training ground kung saan nagsasanay sila Grey, Lucy, Akari at Jay-ar ay makikita ang mga ito na hingal na hingal, at tila ba ang mga ito ay malalagutan ng hininga dahil sa bilis ng kanilang paghinga. Habang ang mga ito ay naka-salampak sa sahig habang binabawi ang kanilang lakas mula sa kanilang pagsasanay.
Sa loob ng isang linggo ay tanging 300 laps pa lamang ang kanilang nagagawa, at dahil sa mabagal na improvement ng mga ito ay napang-desisyunan ni Caleb na turuan na ang apat na ito na palakasin ang iba pang aspeto ng mga ito.
Sa loob nga ng isang linggo ay hindi lamang ang pagtakbo ang kanilang ginagawa, pati na rin ang pag-memeditate at pagkontrol ng pagdaloy ng kanilang enerhiya sa loob at labas ng kanilang katawan. Samantala sila Shawn, Markus at Jarvis nga ay nasa loob din ng Training Ground habang ang mga ito nga ay nagkakaroon ng mai-init na sagupaan ng taglay na elemento.
Napag-pasyahan ng mga ito na magsanay, at sa pagkakataon na ito ay kanilang kakalabanin ang isat-isa. Sila Markus at Jarvis nga ay nagkakatinginan na nga lamang habang si Shawn ay pinakikiramdam ang gagawing kilos ng kaniyang mga kaibigan.
Dahil ito ang kanilang magiging unang laban gamit ang kanilang kakayahan na gumamit ng Aura Skin laban sa isa ring aktwal na nakakagamit nito, at sa magaganap na laban nga ng mga ito ay tiyak na mayroon na madedehalo.
Sila Markus at Jarvis nga ay sabay na sumugod kay Shawn, na siya namang ina-asahan nito. Dahil nga sa pag-atake na iyun ng dalawa ay hindi na nag-atubili pa si Shawn at inilabas ang kaniyang taglay na elemento. At sa kaniya ngang kinatatayuan ay sumiklab ang kaniyang Asul na Apoy na ikina-agaw pansin ng iba pang naroroon...
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...