Chapter LX: Dellio Vs Tetsuya
----
ANG laban sa pagitan nila Dellio at Tetsuya ay nagsimula na, pinangunahan ito ng kanilang mga kasamahan na sinubukan ang kakayahan ng bawat isa. Ang mga kasamahan ni Tetsuya ay tumilapon dahil sa pagsabog na nilikha ng dalawa nitong mga kalaban.
Ang mga manonood nga ay hindi na nabigla sa kaganapan na iyun, dahil karamihan sa mga estudyante na naroroon ay nakita na ang ganung tatkita ng magkapatid na Jonas at Drake na mula sa Class 4 B. ang magkapatid na ito ay kilala bilang ang pinaka-mahusay na tactician sa kanilang seksyon.
At kapag magkasama ang dalawang ito sa isang laban ay nakakagawa kaagad ang mga ito ng mga perpektong ideya kung paano nila tatalunin ang kanilang mga kalaban. Kanina nga ay mabilis na gumawa ng harang si Jonas para hindi makita ng dalawa nilang kalaban ang kanilang susunod na gagawin.
At si Drake ay palihim na pinadalot ang boltahe ng kidlat sa ginawang harang na iyun ng kaniyang kapatid at dahil ng pagsabog na nagpalipad papalayo sa kanilang mga kalaban. Ang magkapatid nga ay makikitang nakangiti habang nakikita nilang bumabagsak ang kanilang kalaban.
Subalit ang ngiti sa kanilang labi ay naglaho dahil ang dalawang pinatalsik nila ay nagawang tumayo na parang walang tinamong mga pinsala sa kanilang ginawang pasabog, ang magkapatid nga ay muling napangisi dahil mukhang masisiyahan sila sa dalawang ito.
Samantala sila Dellio at Tetsuya ay kasalukuyan lamang na nakatayo at pinagmamasdan ang kilos ng kanilang mga kasama, si Dellio ay walang balak na maki-alam sa magkapatid na sila Jonas at Drake. Ang dalawa ay mayroong laban na kakaharapin at ito ay ang dalawang miyembro ng seksyon na kinabibilangan ni Tetsuya.
Sa kaniyang palagay nga ay hindi dapat magpabaya ang magkapatid dahil ang dalawang kasama ni Tetsuya ay tiyak na may itinatago na kakayahan at kapag nagpabaya ang mga ito ay baka matulad ang mga ito kila Ellie at Reiji.
Samantala si Yoki ay makikitang nakangiti habang nakatingin sa mga naglalaban, nakangiti siya dahil sa nagtagumpay siya sa kaniyang binabalak. Inayos na niya ang muling paghaharap ng dalawang nakilala dahil sa naganap na labanan noong nakaraang taon. At sa mga sumusunod na laban ay hahayaan na niya ang dalawa niyang assistant na bumunot.
Dahil katulad ng marami ay nais niya ding masaksihan ang laban sa pagitan nila Dellio at Tetsuya sa pangalawang pagkakataon. Samantala sa loob naman ng ospisina ng mga nakatataas ay makikita ang mga ito na gulat na gulat ng dumating sa kanila ang listahan ng mga maglalaban laban sa unang araw ng Nobyemre.
At dahil ito sa dalawang pangalan na kilala na nilang lahat, hindi sila makapaniwala na ito ang ginawang desisyon ng kasalukuyang principal ng Magica Academy. Noong una nga nang magkaroon ng pagpupulong ay nagulat sila ng kusang mag presinta ito bilang maging isang referee ng araw na iyun.
Pero hindi nila inakala na gagawa ito ng ganung klase ng desisyon, ang isa nga sa mga nakakataas ay huminga nalang ng malamin at pinangunahan na huwag silang mag-alala sa mga maaaring mangyari. Dahil kasalukuyang naroroon ang dalawang Z ranker na naatasan na magbantay sa lugar na iyun.
At natitiyak nito na madali lamang masusulusyunan ang problema, kung magakakaroon man nito, samantala si Shawn ay tahimik na pinanonood ang laban na nagaganap sa dalawang panig. Sa kasalukuyan ay nagsimula ng laban ang dalawang panig, at ang laban ay sa pagitan ng apat na nagpasimula ng labanan.
Hindi nga makapaniwala si Shawn sa kakayahan na mayroon ang apat na ito, ang dalawa na nagmula sa Class 4 B ay mayroong magaling na taktika sa pakikipag-laban. Ang bawat galaw ng mga ito ay napaka-kalkulado dahil ang bawat atake na ginagawa ng mga kalaban nito ay nababalewala lamang.
Samantala namangha naman si Shawn tibay na mayroon ang dalawang nagmula sa Class 3 A, dahil nagagawang makatayo ng mga ito kahit paulit-ulit na tumitilapon ang mga ito. At higit sa lahat ay hindi makikitaan ng ibang emosyon ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...