Chapter CXXIV: The Arrival at Province
---
ANG sasakyan na sinasakyan nila Lucy at Shawn ay kasalukuyan na malapit na sa dulong bahagi nang probinsya nang Tarlac, sa kasalukuyan nga ay nakaupo lamang sila Shawn habang sila ay nakatingin sa harapan kung saan naroroon ang Driver nang bus. Napapatingin si Shawn sa mga pasehero na bumababa sa magkakasunod na Bus Stop na kanilang nahihintuan, marahil ay hanggang doon lamang ang lokasyon nang babaan nang ibang mga pasahero.
Samantala ang Driver naman nang Bus ay napatingin sa salamin na nasa kaniyang kanan, nakikita niya mula sa salamin na nakatingin sa kaniya ang batang lalake. Hindi niya alam kung bakit ito nakatingin sa kaniyang pwesto, subalit kaniyang naisip na baka pinagmamasdan lamang nito ang kanilang dinaraanan.
Sa kasalukuyan ay mayroon pa siyang dalawangpung pasahero, at sa kaniyang palagay ay ang lahat nang mga ito ay bababa mismo sa terminal nang Bus sa Nueva Ecija. Hindi na lamang nito pinag-tuunan nang pansin ang batang iyun, at itinuon ang atensyon sa paghahatid sa kaniyang mga pasahero.
Lumipas pa ang isang oras at sa wakas ay nakapasok na sila sa Border nang Nueva Ecija, kasalukuyan nang patungo sa pinaka-malaking bayan nang probinsya ang Bus na kanilang sinasakyan. Sapagkat naroroon ang Terminal na bababaan nang mga Pasahero.
Samantala sila Lucy at Shawn ay napaseryoso nang mayroon silang maramdaman na hindi tama, simula nang makapasok sila ay may naramdaman silang dalawa na malakas na Killing Intent sa buong paligid. Sa kanilang palagay ay napakarami nang mga nilalang na kanilang mga makakaharap, para mag-iwan ang mga ito nang mga ganito kasariwang mga bakas.
Ang kalsada na dinaraanan nang sasakyan ay unti-unti na ring napapahinto dahil medyo traffic na dahil sa dami nang mga sasakyan, ang mga pasahero naman ay napapatingin na nga lamang sa bintana dahil pamilyar na ang mga ito sa kanilang paligid. Dahil ang mga ito ay matagal nang nakatira sa lugar na ito, at ito ay ang bayan kung saan ay dito namamasyal ang mga tao at dito rin makikita ang mga paaralan na pinaka-kilala sa kanilang probinsya.
Sa paglipas nang ilang minuto ay sa wakas ay muling lumuwag ang kalsada, kaya naman ang Bus na kanilang sinasakyan ay madali na ulit na nakakadaan. Ang Bus nga ay kaagad na lumiko at kaagad na bumungad sa kanila ang iba pang mga Bus na nakaparada sa lugar na iyun, sa wakas ay nakadating na ang kanilang sinasakyan sa Terminal nang Bus.
Ang mga pasahero nga ay kaagad na nagsitayuan at isa isang lumabas nang Bus, sila Lucy at Shawn ay hindi nakipag-siksikan at hinantay na lamang na makalabas na ang lahat. Nang makalabas na ang lahat ay doon na nila kinuha ang kanilang mga bagahe, naglakad na sila papalabas nang sasakyan, at nginitian ang Bus driver na naghatid sa kanila kaaagad naman itong ngumiti sa kanila pabalik.
Lumabas na ang dalawa sa Bus at katulad kanina ay napaseryoso sila Shawn dahil sa presensya na kanilang nararamdaman, mayroong bakas nang Diyablo sa paligid. At napakalakas nito na wari nila ay nasa paligid lamang, samantala sa isang masukal na eskinita ay mayroong katawan nang isang batang babae ang nangangamoy na.
Ang batang iyun ay wala nang buhay at ang katawan nito ay mayroong napakaraming sugat, mahahalatang hindi isang tao ang gumawa nang krimen na iyun sapagkat mayroong parte nang katawan nito ang nawawala. Ang Bangkay nang batang babae ay kaagad naman na natagpuan nang isang binatilyo, ang binatilyo ay nanlumo na lamang nang kaniyang makita ang patay na katawan nang bata.
Sa muling pagkakataon ay wala siyang nagawa para pigilan ang nilalang na iyun, ang nilalang na pumapatay sa mga bata. Samantala ang binatilyo ay kaagad na napalingon sa isang direksyon dahil mayroon siyang naramdaman na paparating, hindi nito nagugustuhan ang presensya nang mga paparating na iyun.
Sapagkat nagtataglay nang kaparehong presensya nang nilalang na kaniyang hinahabol ang isa sa kanila, samantala sila Shawn ay kasalukuyan na lumilipad at pinakikiramdaman ang kanilang paligid. Ang mga tao nga na nakakita nang kanilang biglaang paglipad habang mayroong mga dalang bagahe ay nagulat, ang mga nakasabay naman nang dalawang bata ay kaagad na nagsalita at sinabi sa mga taong nagulat.
Na ang dalawang bata na lumipad ay mga nagmula sa Magica Academy, nang marinig naman iyun nang mga taong nasa terminal ay hindi makapaniwala ang mga ito. Mayroong mga nabahala dahil sa pagdating nang dalawang bata, at mayroon din naman na natuwa dahil sa wakas ay mayroon nang nagtungo sa kanilang lugar para puksain ang kung anong salot ang nasa kanilang lugar.
Sapagkat sa kasalukuyan ay may labing dalawa nang biktima ang halimaw, at kapag nagpatuloy pa ang pag-atake nang halimaw ay tiyak na mas dadami pa ang biktima nito. Samantala ang binatilyo ay kaagad na naghanap nang kaniyang pagtataguan, dahil nararamdaman niya na papalapit na ang mga ito sa kaniyang kinaroroonan.
Samantala sila Shawn at Lucy ay napalingon sa isag direksyon at mas lumakas ang bakas nang diyablo sa bahaging iyun, kaagad silang lumipad patungo roon at napahinto sila nang kanilang makita ang bangkay nang isang batang babae.
Ang batang babae na iyun ay mayroong mga malalaking butas sa katawan at ang ilang parte nang katawan nito ay nawawala, at nararamdaman nila mula rito ang amoy nang diyablo. Kaya naman malaki ang kanilang hinala na ang gumawa nang karumal dumal na bagay na ito ay isang Diyablo, si Lucy ay nakaramdam nang lungkot dahil kita niya sa dilat pang mata nang bata ang matinding hirap na dinanas nito.
Si Shawn naman ay napalingon sa isang gilid, sapagkat mayroon siyang nararamdaman na mahinang aura sa paligid. Parang nagmumula ito sa isang gaya nila subalit ang enerhiya na mayroon ito ay sadyang napakahina, marahil ay nauna nitong nakita ang bangkay nang bata na kanilang nakita.
Kaagad naman na sinabihan ni Shawn si Lucy na kailangan nilang umalis sa lugar na iyun, at ipaalam ang naganap na karumal dumal sa lugar na iyun. Samantala ang binatilyo naman na nagtatago sa isang gilid ay makikita ang binata na nakahinga nang maluwag dahil umalis kaagad ang mga iyun.
Kung napansin siya nang mga iyun ay tiyak na malalagay siya sa alanganin, lalo na dahil ang mga batang iyun ay mas malakas sa kaniya. Sapagkat nakita niya ang mga ito na nagagawang makalipad, umalis na kaagad doon ang binatilyo dahil ayaw niya na siya ang mapagbintangan nang mga tao na makakakita sa bangkay nang bata.
Samantala sila Lucy at Shawn ay bumalik sa Terminal nang Bus, at makikita sa kanilang mukha ang inis. Ang mga tao naman ay napansin ang inis sa mukha nang dalawang bata na kababalik lamang. Ang pinaka-napansin nang mga tao na naroroon ay ang reaksyon nang mukha nang mga ito, ang isa nga sa mga tao na naroroon sa Terminal ay tila alam na kung bakit ganun ang reaksyon nang dalawang iyun.
Sapagkat nakakita ang dalawang bata na iyun nang bangkay nang isang biktima, at natitiyak nito na isa nanamang biktima nang halimaw ang bangkay na naroroon sa lugar kung saan nagtungo ang mga batang iyun kanina hindi nila alam kung hanggang kailan mangyayari ang mga ito.
Sana ay mayroong magbalik nang tahimik na pamumuhay sa kanilang lugar, at mukhang ang makakagawa lamang nito ay ang dalawang bata na dumating sa kanilang lugar....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...