Chapter LXXIX: How To Fight
---
ANG buong battle stadium ay kasalukuyan na nababalutan ng makapal na usok, subalit sa kabila ng pagkakaroon ng makapal na usok sa buong paligid ay malinaw parin na napapanood ito ng lahat ng mga tao na naroroon. At ang mga ito nga ay hindi makapaniwala sa kanilang napapanood ngayon, sapagkat ang ganitong uri ng labanan na nagaganap ay magagawa lamang ng mga malalakas na indibidwal na katulad ng mga nasa loob ng battle stadium.
Ang mga manonood ay hindi makapaniwala na ang limang 1st year student na kabilang sa Special Class ay magagawang mapabilang sa labanan na katulad nito, at sa kasalukuyan ay napapabilib silang lahat sa kakayahan na mayroon ang mga ito. Ang tatlong kabilang sa limang bagong estudyante na iyun ay kasalukuyan na nakikipag-sabayan sa kani-kanilang kalaban na kabilang sa pinaka-malakas na seksyon sa buong akademya.
At ang tatlong ito ay sila Shawn, Akari at Jay-ar na kasalukuyan nga ay matapang na lumalaban sa kanilang mga katunggali, samantala sa kasalukuyan ay makikita na naglalaban sila Alicia at Claeb. Sa kabila ng pagbabago ng presensya ng labanan sa kanilang paligid ay kapwa ang dalawang ito ay hindi nag-abala na isipin kung kanino nagmumula ang presensya na kanilang naramdaman.
Si Alicia ay kasalukuyan na iniisip kung kanino ang enerhiya na kaniyang nararamdaman, subalit ang pinagmumulan ng presensya na iyun ay malapit lamang sa kaniyang kasama na si Dylan. At sa kaniyang palagay ay kakayanin ito ni Dylan dahil alam niya ang kakayahan nito, at ang nagtataglay ng ganun kalakas na kapangyarihan ay hindi basta basta mapapabagsak.
Samantala sa pwesto kung saan naroroon si Edrian ay kasalukuyan niyang kinakapalan ang yelo na kaniyang ginamit para mapahinto sa pagkilos ang kaniyang dalawang kalaban, dahil ang kaniyang naunang ginawang bloke ng yelo na ipinanghuli kay Lucy ay nagawa nitong sirain. At sa kabutihang palad ay agad niya itong nahuli dahil sa kaniyang mabilis na pag-alam, dahil kung sakali man na hindi niya ito nahuli ay tiyak na mahihirapan siya na kalabanin ito.
Dahil ayun sa impormasyon na binigay sa kaniya ni Alicia ay mayroong malakas na pisikalidad ang batang ito, dahil nagawa nitong kalabanin si Shawn na kasalukuyang nakakagamit na nang sampung porsyento ng kapangyarihan ng Aura Skin.
At kung sakali man na gamitin sa kaniya ng batang ito ang lakas na iyun ay natitiyak niya na mahihirapan siyang kalabanin ito, dahil hindi siya magaling sa mga harapang labanan kaya naman natitiyak niya na ang batang ito ang magkakaroon ng kalamangan kung mangyari man ito.
Samantala si Lucy naman ay nakaramdam ng pagka-inis dahil nagawa nanaman siyang mahuli ng kanilang kalaban, hindi siya makapaniwala na nagawang basahin ni Edrian ang kaniyang ginawang aksyon kanina. Dahil ang mahika na ginagamit nito ay mas mabilis pa sa kaniyang inaasahan, hindi maikukumpara ang husay nito sa pag-gamit ng elemento nito kaysa kay Grey.
At sa kaniyang palagay sa ngayon ay pinaghihinaan na nang loob si Grey dahil sa lakas ng kapangyarihan na mayroon ang kanilang kalaban, alam na niya na hindi pa sapat ang kakayahan nito para tapatan ang kapangyarihan ni Edrian.
Samantala si Grey naman ay kasalukuyan na tahimik lamang sa kaniyang kinalalagyan, makikita itong nakayuko at kung ito ay titingnan mula sa malayo ay mukhang pinanghihinaan na ito ng loob. Subalit sa kabila ng pagkakaroon nito ng madilim na ekspresyon ay hindi alam ng mga kasama nito na mayroon na itong naihandang plano. At ang kailangan na lamang niyang gawin sa ngayon ay ang makausap si Lucy nang hindi naririnig ni Lucy.
Alam ni Grey na ang kaniyang kaibigan na si Lucy ay mayroong kakayahan na makipag-usap gamit lamang ang isipan, at sa kaniyang pagkaka-alam ay si Shawn pa lamang ang tao na nakakausap din nito sa pamamagitan lamang ng isipan.
Ang kaniyang naisip na plano ay kaniyang nabuo simula ng magawang makawala ni Lucy sa mahika na ginawa ni Edrian, nagawa nitong makawala dahil sa taglay nitong pisikal na lakas na madali lamang na nawasak ang bloke ng yelo na nakabalot sa katawan nito kanina. At nagawa iyun ni Lucy sa pamamagitan din ng pag-gamit nito nang elemento ng kidlat na mas lalo pang nagpalakas sa taglay nitong lakas.
At kung sakali man na magawa itong muli ni Lucy sa kaniyang naisip na plano ay gagawin na rin niya ang kaniyang parte sa planong ito, at iyun ay ang kontrahin ang mahika ng kaniyang kalaban sa pamamagitan ng kaniyang bagong technique na kaniyang pinag-aralan ng maigi habang siya ay nagsasanay sa pag-gamit ng aura skin.
Ang technique na iyun ay natitiyak niya na makakatulong sa pagkakataon na ito, at kailangan niya lamang magawa ang kaniyang binabalak sa pamamagitan ng pagpapanggap na siya ay nawalan na ng pag-asa sa pagkakataon na ito.
Samantala sa isang tabi naman ay makikita si Byakuya na kasalukuyang pinanonood ang mga nangyayari sa kaniyang paligid, ang kaniyang kasalukuyang ekspresyon ay hindi makapaniwala sa kaniyang mga nakikita. Ang kaniyang ekspektasyon sa labanan na ito ay nilampasan na nang kasalukuyang nagaganap, ang labanan sa pagitan ng dalawang seksyon ay mas lalong tumitindi habang ito ay tumatagal.
At hindi siya makapaniwala na sa labanan na ito ay masasaksihan niya na makipaglaban ang isa niyang kamag-aral at iyun ay walang iba kundi si Dylan, na sa kaniyang pagkaka-alam ay matagal na itong palagiang umaatras sa kala-gitnaan ng isang importanteng laban.
Mukhang sa pagkakataon na ito ay kaniyang makikita ang totoong kapangyarihan na mayroon ito, ang kapangyarihan nito na gamitin ang kaniyang asido sa pakikipag-laban. Ang uri ng kapangyarihan na mayroon si Dylan ay sadyang kakaiba at nais niyang makita kung paano makipag-laban ang isang Acid Magic User na kagaya ni Dylan.
Samantala sa kinaroroonan naman nila Shawn at Dylan ay kasalukuyan na sinugod ng mga ito ang isat-isa, ang mga kamay ni Dylan ay kasalukuyan na nababalutan ng kaniyang malalagkit na asido at kaniyang direktang aatakehin ang kaniyang kalaban gamit ang kaniyang mga kamay. Ito ang kaniyang binabalak na gawin para seryosohin siya ng kaniyang kalaban, dahil nais niyang makumpirma kung tama ba ang kaniyang hinala tungkol sa kapangyarihan na tinataglay ng batang ito.
Samantaka si Shawn naman ay kasalukuyan na pasugod din sa kaniyang kalaban, wala siyang balak na mag-aksaya ng panahon sa isang ito. Kinakailangan niyang pabagsakin ang isang ito kaagad dahil ang kapangyarihan na mayroon ito ay sadyang napaka-delikado kung hahayaan niya magtagal ito sa loob ng labanan na ito.
Kaya naman aatakehin niya ito gamit ang kaniyang nagliliyab na kamao na napapalutan ng kaniyang nagliliyab na itim na apoy, kaniyang susunugin ang asido nito gamit ang kaniyang itim na apoy. Gagamitin niya ang abilidad na mayroon ang kaniyang itim na apoy at iyun ay ang higupin ang mahika nito at ang enerhiya na ginamit ng kaniyang kalaban ay mapupunta mismo sa kaniya, ito lamang ang kaniyang naisip na paraan para labanan ang isang ito, ang gamitin ang kakayahan ng black mist laban mismo sa isang ito.
Kaya naman ang kailangan niya na lamang gawin ay huwag mahawakan ang asido na iyun ng kalaban at magawang mapabagsak ang kaniyang kalaban sa mabilis na laban lamang.
Samantala sa loob naman ng katawan ng dalawang bata ay makikita ang dalawang magkaibang nilalang na kapwa nakangiti habang pinanonood ang laban na kanilang napapanood sa kasalukuyan. Hindi makapaniwala ang dalawang nilalang na iro dahil sa lumipas na ilang libong taon ng sila ay huling nagkaharap ay sa muling pagkakataon ay nagkaharap sila sa pamamagitan ng kani-kanilang tagapagmana…..
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...