Chapter LXVI: Battle Of The Flames
---
ANG maraming manonood ay nabaling ang atensyon sa kinaroroonan ng dalawang tao na nagtataglay ng elwmento ng apoy, at ang mga ito ay sila Shawn at Secre. Sa kasalukuyan ay nababalutan ng nature enerhiya ng buong katawan ni Secre at ang nature energy nga na ito ay gumawa ng nagliliyab na kasuotan na kasalukuyan na bumabalot sa katawan ni Secre.
Samantala si Shawn naman ay binabalutan ng kaniyang asul na aura, at ang aura na ito ay mas tumingkad dahil sa kaniyang pag-gamit ng aura skin. Sa kasalukuyan ay hindi pa niya balak ilabas ang kaniyang buong lakas, subalit dahil sa pagpapakita ng kaniyang kalaban ng taglay nitong kapangyarihan ay mukhang mapipilitan siya ns ipakita ang tunay niyang lakas.
Samantala si Secre ay kasalukuyang pinapadaloy ang kaniyang enerhiya sa kaniyang buong katawan sa pamamagitan ng paghigop ng natural na enerhiya mula sa nagliliyab na baluti sa kaniyang katawan, makikita sa mukha ni Secre ang kaniyang matamis na ngiti habang nakatingin sa bata na kaniyang kalaban.
Napapa-isip siya kung gaano ka espisyal ito, dahil bihira lamang ang tulad nito na sa murang edad lamang ay nagawa ng umakyat ang ranggo sa A rank na halos ang karamihan ng mga estudyante ay inabot ng ilang taon bago maabot ang ranggo na iyun.
Ang katulad ni Shawn ay isang bata na gumawa na nang mga pambihirang bagay, dahil ang batang ito ay nagtataglay ng elemento na inakala ng lahat na isang alamat lamang subalit nandito siya. Nandito siya para ipakita sa lahat na hindi isang alamat ang tungkol sa taglay nitong kapangyarihan.
"Hoy! Ikaw, hindi ko alam inasahan na magtataglay ka ng ganiyan kalakas na kapangyarihan sa maiksing panahon lamang!, pero ipapakita ko sayo na hindi madaraan sa pagmamadali ang lahat ng bagay!, dahil ang tunay na kapangyarihan ay makakamit lamang kapag naabot mo na ang sundulan ng iyong kapangyarihan!" mahabang sinabi iyun ni Secre habang ang mga salita na iyun ay kaniyang isinigaw kay Shawn.
Samantala si Shawn naman ay naging seryoso dahil sa sinabi na iyun ng kaniyang kalaban, hindi man niya masyadong naintindihan ang sinabi nito. Subalit nagkaroon naman siya ng malinaw na ediya sa ipinupunto nito.
"Kung ganun ang bilis ko palang lumakas kung ganun?" tanong ni Shawn sa kaniyang sarili at nang ini-angat niya ang kaniyang kaliwang kamay ay kasabay noon ay ang paglabas ng kaniyang elemento. Ang lahat nga ng estudyante na nakakita ng kaniyang elemento, ang ilan ay nagulat at ang ilan naman ay naalarma.
Dahil ang apoy na lumabas sa kaniyang kamay ay ang apoy na hindi inaasahan na lumabas ni Shawn. Dahil ang apoy na lumabas sa kaniyang kamay ay ang apoy na lumalabas kapag ang kaniyang elemento ay pinalakas ng Black Mist.
Ang apoy na lumabas sa kaniyang ka ang Black Flame, ang pinalakas na klase ng apoy na inilalabas niya sa tuwing nasa ilalim ng impluwensya ng Black Mist ang kaniyang enerhiya. Samantala si Secre naman ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita.
Ang apoy na lumabas sa kamay ni Shawn ay hindi ang apoy na kaniyang alam na mayroon ito, paano na ang sinasabi ng lahat na ang batang ito ang Blue Flame user kung ang kasalukuyang apoy na ginagamit nito ay hindi mismo ang apoy na iyun.
Samantala si Grey at Edrian at ang kanilang mga kaibigan ay napatingin sa kasalukuyang pwesto ni Shawn, ang kani-kanila ngang mga kalaban ay napatingin din sa kanilang tinitingnan at nagulat ang mga ito ng makita ang kakaibang elemento na tinataglay ng batang lalake na kalaban ni Secre.
Samantala si Edrian naman ay naalarma dahil sa paglitaw ng itim na apoy na iyun, hindi niya alam kung ano ang nangyayari kay Shawn. At napansin niya sa mukha nito ang pagtataka at mukhang dahil hindi nito inaasahan ang nangyayari mismo sa kaniyang katawan.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...