Chapter CXXIX

51 16 0
                                    

Chapter CXXIX: We are From Magica Academy

---

SI lucy ay hindi pinansin ang mga tao na nakatingin sa kaniya nang sandaling siya ay lumabas nang kanilang apartment, kaagad niyang isinara ang pinto nito. Samantala si Shawn naman ay tumuloy sa loob nang bakuran nang kanilang land lady, nang makita nga siya nito ay kaagad siya nitong tinanong kung saan ang lakad niya.

Ang kaniyang sinagot naman sa ginang ay papasyal lamang sila nang kaniyang kasama, dahil nais nito na malibot ang kanilang lugar. Nang marinig naman iyun nang ginang ay magiliw itong nagsalita, at sinabi kay Shawn na mag-iingat sila.

Ang ginang nga ay napatingin sa pinto nang silid nang mga ito, dahil kitang kita mula sa kaniyang pwesto ang tinutuluyan nang mga ito. Nakita niya ang paglabas nang kasama nitong babae, at naka-ayos nga ito nang panlakad katulad nang bata na nauna nang magpaalam sa kaniya.

Samantala sa likod naman nang ginang ay lumabas ang isang dalaga, ang dalagang ito ay ang dalaga na lumapit kanina kay Shawn. Nang makita nga nito si Shawn ay kaagad itong lumabas nang kaniyang kwarto, nang kaniyang marinig ang pagpapa-alam nito sa kaniyang ina ay hindi siya kaagad nag-aksaya nang oras para lamang makita ito.

Ang ginang nga ay napalingon sa kinaroroonan nang anak, sa tingin niya ay natipuhan nang kaniyang anak ang batang iyun. Hindi niya alam sa kaniyang anak kung bakit ba ganito ito, sa tuwing nakakakita nang mga gwapong kabataan. Lalong lalo na sa gaya nang bago nilang border.

Samantala sila Shawn ay nagtungo muna sa baranggay hall upang mag-paalam sa kapitan, dahil kanilang nais na libutin ang mga lugar na kung saan ay naramdaman nila ang mga bakas nang mga halimaw. Nang marinig nga ni Kapitan ang nais na pag-lilibot nang dalawa, sinabihan pa nga niya ang mga ito na magsama nang kaniyang mga tauhan subalit tinanggihan siya nang mga ito.

Mas mapapadali daw kasi ang kanilang gagawing pag-mamatyag sa himpapawid, at kapag sila ay nagsama pa nang mga sebilyan ay tiyak na mararamdaman sila kaagad nang kalaban. Nang marinig naman iyun ni Gregg ay naintindihan naman niya ang sinabi nang mga ito.

Magiging sagabal nga lamang sila kung magkataon na maka-ingkwentro nang mga ito ang mga nilalang na iyun, mapanganib para sa katulad nila na mga normal na tao.

Samantala si Zack ay kasalukuyan na naglalakad patungo sa baranggay Hall para kausapin ang kapitan, nais sana nito na mag-paalam dito na maghahanap nang trabaho sa bayan. Mahigpit kasi ang kanilang kapitan dahil sa sunod sunod na biktima nang pagpatay sa kanilang lugar, iniisip lamang nito ang kapakanan nang kaniyang mga kabaranggay.

Habang siya nga ay patungo sa baranggay Hall, ay nagulat siya nang kaniyang makita sa labas nang baranggay hall ang mga bago niyang kapitbahay. Nagtaka siya dahil ang mga suot nang dalawa ay tila ba mayroong mahalagang lakad ang dalawa, napansin niya na parang nanggaling ang dalawa sa loob nang baranggay hall.

Marahil ay kagaya niya ay nagpaalam din ang dalawang ito, subalit hindi niya alam kung bakit aalis ang mga ito. Samantala sila Shawn at Lucy naman ay kapwa na nagpapalinga linga sa paligid, tininingnan nila kung mayroon bang tao sa paligid.

Dahil ayaw nila na mayroong makakita sa kanila na lumipad, dahil hindi masyadong kilala sa lugar na ito ang mga katulad nila. Nang sandal nga na wala nang tao sa paligid ay dali dali silang naglakad patungo sa isang malawak na lote na mayroong mga naglalakihang mga puno.

Nagtungo sila doon at doon pinili na lumipad, samantala si Zack naman ay sinundan ang dalawa. At nagtaka siya dahil nagtungo ang mga ito sa isang malaking lote na mayroong mga nakatanim na mga puno, hindi niya alam kung ano ang gagawin nang mga ito subalit dahil sa kuryusidad ay sinundan niya ang mga ito.

Nang makalapit na siya sa bakanteng lote na iyun ay nagtaka siya kung bakit bigla na lamang nawala ang dalawang iyun, at nagulat siya nang bigla na lamang may dalawang kamay ng humablot sa kaniyang likuran.

At nanlaki ang kaniyang mga mata nang kaniyang mapagtanto na umaangat na ang kaniyang katawan sa lupa, hindi niya magawa na magpumiglas sa pagkakahawak nang mga kamay na iyun sa kaniya. dahil natitiyak niya na mapapahamak siya kapag ginawa niya iyun, sapagkat wala siyang kakayahan na makalutang sa ere.

Samantala ang may hawak naman kay Zack ay walang iba kundi si Shawn, kanina pa kasi niya napapansin na sinusundan sila nang isang ito. Sa kaniyang palagay ay hindi nito alam na nasasagap niya ang enerhiya nito, si Lucy naman ay tinitingnan ang binata na hawak ngayon ni Shawn.

Napansin niya na tila ba hindi ito makapag-pumiglas kay Shawn, para bang mayroon itong iniiwasan na mangyari. Napatingin nga siya kay Shawn at sinabi rito na bitawan ang binatilyo, samantala si Zack naman ay hindi nagulat nang sabihin iyun nang isang babae.

Kaya naman nasambit na lamang niya na hindi niya kayang lumipad, nang marinig naman iyun ni Shawn ay nagulat siya. Dahil kung hindi kaagad nagsalita ang lalakeng ito ay malamang ay binitawan na niya ito, kung ganun ay wala itong kakayahan na makalipad.

Kaya pala napakababa lamang nang antas nang enerhiya na tinataglay nito, ang enerhiya na tinataglay lamang nito ay nasa ranggong F. ang pinaka-mababang ranggo. Dahil doon ay dahan dahan silang bumaba, at nang makatapak na nga sila sa lupa ay doon na nagpumiglas ang binata.

Nang makawala ito sa pagkakahawak ni Shawn ay kaagad itong lumayo sa kanila, at makikita sa mukha nito ang kaba. Si Shawn naman ay sinabihan na kumalma ito at makinig, si Zack naman ay tumingin lamang sa batang lalake na humablot sa kaniya kanina.

Si Shawn ay mayroong kinuha sa kaniyang bulsa, at iyun ay ang Simbolo nang Magica Academya. Nang makita ni Zack ay nagtaka siyaa kung ano ang hawak nito, kaya naman tinanong niya ito kung ano ba ang bagay na ipinapakita nito sa kaniya.

Sila Shawn at Lucy naman ay nagtaka dahil mukhang walang alam ang binatilyong nasa kanilang harapan, tungkol sa simbolo nang kanilang akademya. Kaya naman si Lucy ay kaagad na nagsalita para magpakilala.

"Ako si Lucy at ito naman ang kaibigan ko si Shawn!, nagmula kami sa akademya kung saan nag-aaral ang mga katulad mo na mayroong taglay na kapangyarihan". Sabi ni Lucy at itinuro ang kasama nitong si Shawn na ngayon ay makikitang seryoso.

"Narito kami sa probinsyang ito para mag-imbistiga tungkol sa sunod sunod na patayan na nagaganap, at sa aming palagay ay ang makakagawa lamang nang karumal dumal na krimen na iyun ay ang mga diyablo" sabi naman ni Shawn at walang mababakas na pagbibiro sa kaniyang mukha nang sabihin niya iyun.

Si Zack naman ay naguguluhan sa sinasabi nang dalawang bata na nasa kaniyang harapan, dahil ang sinasabi nang dalawa ay nagmula ang mga ito sa isang paaralan kung saan nag-aaral sila tungkol sa kani-kanilang kapangyarihan. Wala siyang alam patungkol sa paaralang iyun, hindi niya alam na mayroong palang ganuong lugar na umiiral sa mundong ito....

(A/N: Minsan namamali ang Name ni Zack, nagiging Jack! Pa Comment nalang kung saang part. and sana nagustuhan ninyo yung chapter Salamat)

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon