Chapter XLIII

100 29 0
                                    

Chapter XLIII: The Black Mist

---

SA isang pasilidad sa loob ng akademya kung saan naroroon ang pribadong training ground ng mga kabilang sa Special Class ay nagkakaroon ng mainit na laban sa pagitan ng isang sampung taon gulang na bata at ng isang Artificial Intelligence Robot na gawa ng mga mahuhusay na scientist na nagpasya na magkaroon ng kasunduan sa akademya para sa espisyal na pagsasanay ng mga estudyante.

At ang resulta ng kasunduan na iyun ay mayroong advance na AI Robot na kayang tumbasan at lampasan ang kakayahan ng kahit na sino na kalaban nito, at sa kasalukuyang nagaganap na laban nga ng batang nagtatagalay ng asul na apoy at ng robot ay mas lalong umi-init dahil sa mabibilis na palitan ng mga atake sa isat-isa.

At sa kasalukuyang sitwasyon nga ay mapapansin ang hiningingal ng si Shawn habang sa kaniyang harapan ay nakatayo ng matuwid ang robot na kaniyang kalaban at tila ba pinag-mamasdan lamang siya nito at hinahantay ang kaniyang susunod na gagawin.

Si Shawn nga ay nakakaramdam na ng kaunting pagkapagod dahil sa matagal na paggamit niya ng kaniyang enerhiya habang gamit ang Aura Skin, ang pagdaloy ng enerhiya nito sa kaniyang katawan ay napaka-bilis na kumonsumo ng kaniyang lakas kapag nagtagal.

Ito pala ang pakiramdam na nahihirapan ito ang unang beses niyang makaramdam nito, simula ng siya ay magkamit ng kapangyarihan. Hindi niya inasahan na mahihirapan siya na kalabanin ang makina na nasa kaniyang harapan.

Talagang habang tumatagal ito sa pakikipag-laban ay mas lalo itong bumibilis at lumalakas, ang kasalukuyan nitong lakas ay katulad ng kaniyang kundisyon kanina. para siyang nakikipag-laban sa kaniyang sarili dahil bawat galaw niya ay nanagawang tumbasan ng makina na ito ng mas matindi pa. at higit sa lahat ang makina na ito ay hindi makakaramdam ng pagka-pagod kaya naman sa pagkakataon na ito ay kapag hindi siya naka-isip ng magandang plano upang pabagsakin ang robot na ito. Ay magagawa siya nitong matalo.

Si Shawn nga ay napangiti na lamang habang nai-isip ang kaniyang kasalukuyang sitwasyon, nagmistula siyang kagaya ng kaniyang sarili noong siya ay wala pang kapangyarihan na tinataglay. Isang mahina at duwag na bata at nilalayuan ng lahat dahil ayaw ng mga ito na madamay sa gulo na kaniyang nararanasan.

Malungkot siya sa karanasan niya na iyun, sa murang edad ay nalasap na niya ang isa sa madilim at malungkot na parte ng buhay ng isang bata. at ito ang hinding hindi niya malilimutan na karanasan niya. Dahil para sa kaniya ito ang dahilan kung bakit siya ang napili na mabiyayaan ng kapangyarihan.

Samantala ang katawan ni Shawn ay bigla na lamang bumalik sa normal ng mawala ang epekto ng Aura Skin sa kaniyang katawan, naabot na nito ang limitasyon na mayroon siya ngayon. Samantala sila Markus at Jarvis nga ay naalarma dahil sa biglang paghinto ng pagdaloy ng Aura Skin sa katawan ng kanilang kaibigan.

Ang dalawa nga ay nagmadali na balutin ng kani-kanilang Aura Skin ang kanilang katawan, nang makumpleto na nila ang tatlong porsyento ng Aura Skin ay mabilis na lumipad ang mga ito patungo kay Shawn.

Samantala ang Robot naman ay napansin ang pagkilos ng dalawang bata, ang robot nga ay humarap kaagad sa dalawa at kaagad na humanda ng pag-atake. Sila Markus nga ay kaagad na inihanda ang kanilang sarili. Dahil kapag nakalapit pa sila rito ay mas mahihirapan sila sa hakbang na kanilang gagawin.

Samantala si Caleb naman ay naalarma dahil sa pag-sugod nila Markus at Jarvis, sa kasalukuyang lakas na mayroon ang dalawa na ito ay balewala lamang sila sa AI robot na ito. si Markus nga ay binalutan ng elemento ng lupa ang kaniyang mga kamao, habang ang kaniyang katawan ay nababalutan ng Brown Aura Skin na kaniyang taglay.

Habang si Jarvis naman ay nababalutan ng kaniyang Orange Aura Skin habang ang kaniyang Orange Flame ay kasalukuyang naglalagablab sa kaniyang mga kamay at paa. Ang robot nga ay nagsimula ng kumilos at ito nga ay mabilis na umabante na ikinagulat ng dalawa.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon