Chapter XX

135 29 0
                                    

Chapter XX: Meet The Z Rankers

---

ANG limang bata ay tuwang tuwa ng malaman na ang anim na nag-abang sa kanila ay ang anim na nangunguna sa anim na paaralan ng Magica Academy sa buong pilipinas. Isang pambihirang pangyayari na magsama-sama sa iisang lugar ang anim na Z rank na ito.

Ang isa sa anim ay kaagad na nilapitan ang mga bata. Ang isang ito ay isang lalake na mayroong pilak na buhok at asul at pilak na mga mata. Seryoso itong tumingin sa mga bata subalit kaagad na nagbago ang ekspresyon nito at ito ay malawak na ngumiti sa mga ito.

"Kamusta kayo mga bata!, ako nga pala si Silver Novacrone, isang Metal User masaya ako na Makilala kayo". Pagpapakila nito sa mga bata. At pinakita niya ang kaniyang kaliwang kamao sa mga ito, at ang kamao nito ay mabilis na naging isang uri ng matigas na metal.

Namangha ang mga bata dahil sa pagpapakita ni Silver ng kaunting bahagi ng kaniyang kakayahan. Nang Makita naman ng isa sa anim ang pagpapakitang gilas ng kasama nilang ito ay kaagad na lumapit ang mga ito sa mga bata at ipinakita rin ang simpleng bahagi lamang ng kanilang kapangyarihan.

May isa sa mga ito ang may Healing Ability, at ito ang babaeng gumamot kanina kay Jay-ar. Mayroon naman isa sa mga ito ang may abilidad na magpalabas ng maka-mandag na lason sa kaniyang katawan. At may isa rin sa kanila lightning user, at isang earth user o kayang lumikha o komontrol ng kalupaan.

Samantala naiwan naman sa likod ng lima ang isang lalake na mayroong pulang mga buhok at pulang mga mata, ito ay si Rev Blaziwart na kasalukuyang nakikipag-usap kay Edrian. Direkta itong nangungu-musta rito para sa kaniyang nakababatang kapatid.

Nabalitaan niya ang sinapit ni Alicia at bilang nakatatanda nitong kapatid ay hindi man lamang niya madalaw ito. Masyado siyang abala sa mga Gawain niya bilang isang Z ranker. Ang kaniyang mga misyon bilang isang God's Children ay sadyang seryosong mga usapin laban sa mga high rank devils.

Napansin naman ni Shawn ang pakikipag-usap ng kaniyang kuya Edrian. Ang pakikipag-usap nito sa isang Z ranker, nagkaroon siya ng interest sa bagay na kaugnayan ng pag-uusap ng mga ito. Sila Lucy, Akari at Grey ay natutuwa sa magiliw na pag-papakilala sa kanila ng limang ito.

Habang si Jay-ar naman ay makikita na nakabusangot, habang nakatingin sa limang ito. Pero sa ayaw niya o gusto ay wala siyang magagawa kundi ang ngumiti sa harapan ng mga ito. Nakakahiya ang naganap sa kaniya kanina. At mas nakakahiya kung may magalit sa kaniya na isang Z ranker.

Natitiyak niya na katapusan na niya kung mangyari man iyun. Ang limang Z rankers ay mabilis na umatras pabalik sa dati nilang pwesto ng maramdaman ang presensya ni Rev sa kanilang likod. Nang mapansin naman ng limang bata ang pagbabago ng presensya ng paligid ay biglang nakaramdam ng kaba ang mga ito.

Ang nakabusangot na si Jay-ar ay makikitaan na ng takot sa kaniyang mga mata habang nakatingin rito. Habang ang dalawang batang babae naman ay parang tinakasan ng kaluluwa ng Makita nila ang madilim na ekspresyon ng pang anim na Z ranker.

Si Grey naman ay makikita ang gulat sa kaniyang mukha habang si Shawn naman ay seryoso na nakatingin sa isang ito at tahimik na pinakikiramdaman ang kalidad ng aura nito. At namangha siya sa taas ng kalidad ng aura nito.

Napakataas ng kalidad nito, at nakakapangilabot ang tinataglay na enerhiya. Hindi ito maikukumpara sa isang hamak na S ranker lamang. Nakaramdam ng pagkasabik si Shawn dahil sa pinapamalas na aura ng isang ito. Seryoso ito sa ipinapakita nitong aura sa harapan nila.

Samantala makikita naman sa mukha ni Sebastian ang isang ngiti. Alam niya ang pagiging seryoso ng isang Blaziwart. At kahit anong bagay ay hindi ito basta basta makikitaan ng kahinaan sa harapan ng lahat. Ito ang aura ng isang Z ranker, at sa impormasyon na kaniyang nalalaman kaya ito ngayon naririto sa akademya ay upang personal na imbistigahan ang kaso ng kaniyang nakababatang kapatid.

At mahanap kung anong klase ng diyablo ang nakagawang tumalo sa kapatid nito, na kaunting panahon na lamang ay nalalapit ng tumapak sa S Rank. Ang kapatid nito na si Alicia Blaziwart.

Habang ang limang bata naman ay patuloy na pinapakitaan ng aura ng isang Z ranker ay makikita naman sa mukha ni Edrian ang isang ngisi. Gusto na niyang matawa dahil sa huling sinabi ni Rev sa kaniya. magiging mabait daw ito ngayon sa mga bata. Subalit nakikita niya ngayon sa mukha nito ang tensyon at hindi nito napigilan na ilabas ang nakakakilabot nitong aura.

Na ngayon ay nagagawang sindakin ang mga bata. Ang kuya ng kaniyang kaibigan ay hindi masyadong malapit sa mga bata. Kaya naman hindi ito marunong magpakita ng mahinahon na ekspresyon sa mga ito. At hindi rin nito basta basta kaya na ibaba ang tagay nitong aura.

Tumagal pa ng ilang minuto na nakatayo lamang sa harapan ng mga bata si Rev ay napailing na si Edrian. Hindi pa handa ang isang ito na makipag-usap sa mga bata. Mas sanay ito palagi sa mga pagsasanay at puro labanan lamang. Naglakad si Edrian palapit sa mga bata at siya ay nagsalita.

"Mga bata, ito nga pala si Rev Blaziwart ang mismong Z rank ng paaralang ito" sabi ni Edrian habang itinu-turo si Rev Blaziwart na hanggang ngayon nga ay nakatayo lamang sa harapan ng lima habang ito ay nakatingin lamang sa harapan nito.

"Isa nga pala siyang Fire User, pero hindi porket isa siyang fire user ay hanggang duon lamang iyon, dahil sa kanilang lahat siya ang pinaka-malakas na Z ranker sa kasaysayan" paliwanag ni Edrian na ikinagulat ng limang bata.

Lalong lalo na si Shawn, habang nakatingin sa lalake na hanggang ngayon ay nababalutan ng pula nitong aura, habang ito ay may madilim na ekspresyon sa kaniyang mukha.

"Hahaha!" biglang maririnig naman sa likod ni Zev ang tawa ng isang babae. Ang babaeng tumawa ay ang babae na may kakayahan na gumamot. Mabilis nga na napalingon si Rev sa babaeng ito at kaagad na nagtanong.

"Anong tinatawa tawa mo dyan!, Ariana?" tanong ni Rev dito at masamang tiningnan ito.

"Oh!, pasensya na natutuwa lamang ako, na may ganiyang ka palang ekspresyon Rev. nakaka-panibago lang" magiliw na sabi ni Ariana habang nakangiti na nakatingin rito.

Ang babaeng ito ay si Ariana Prestcote, at sa lahat ng mga misyon ay palaging nagkakasama ang dalawang ito sa isang misyon. At natatawa si Ariana dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niya ang ekspresyon na ito ng binata.

Binalik ni Rev ang kaniyang atensyon sa mga bata at kahit nakakaramdam siya ng tensyon at kaba ay nagsimula na itong magsalita sa mga ito.

"Ito ang unang araw ninyo sa paaralang ito, kayo ang mga bagong aasahan ng buong mundo. Mag-aaral kayo dito para matuto at para maging malakas. Bumuo kayo ng mga samahan at sabay sabay na maging malakas. Upang balang araw ay iligtas din ninyo ang buong mundo laban sa mga diyablo". Mahabang sinabi ni Rev habang ang limang bata naman ay nakaramdam ng kakaibang apoy sa kanilang mga puso.

Parang nakaramdam sila ng enerhiya sa mga salitang binitawan nito sa kanila. Si Shawn nga ay mas lalong tumaas ang kaniyang determinasyon na mas lalong lumakas pa. hindi niya sasayangin ang pagkakataon niya sa loob ng akademya.

Ganun din ang naiisip ng iba pa. ang kanilang pag-pasok sa paaralan na ito ay isang malaking pagbabago sa kanilang nakasanayan na buhay. At bilang isang God's Children ay may iisang misyon ang naka-atang sa kanilang lahat. At ito ay iligtas ang mundo sa nalalapit nitong pagkawasak sa kamay ng mga diyablo na sinasakop ang sangkatauhan...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon