Chapter XCVII

72 17 0
                                    

Chapter XCVII: Long Lost Demon Princess

---

ANG buong paligid nila Shawn at Lucy ay bumibigat sa kanilang pakiramdam, sapagkat mula ng sila na lamang ang mayroog kamalayan ay para bang mayroong pwersa ang pumipilit sa kanilang gumalaw at magpakita.

Samantala si Rev naman ay kasalukuyan na huminto sa kaniyang walang humpay na pag-atake sa kalaban at kaniya lamang pinagmasdan ang grupo ng kaniyang nakababatang kapatid na kasalukuyan ay nakatayo lamang, nang maapatingin nga si Rev sa pwesto na iyun ay kaniyang napansin ang dalawang bata na tanging nakakakilos.

Nagulat nga si Rev ng kaniyang makilala ang dalawang ito at iyun ay ang dalawang 1st year student na sila Lucy at Shawn, hindi makapaniwala si Rev na ang mahika na mayroon ang kaniyang kalaban ay hindi tinablan ang dalawang bata.

Alam niya na mayroong kakaibang kakayahan ang batang si Shawn na burahin ang epekto ng mahika ng kaniyang mga nakakalaban subalit hindi niya inasahan na ganito pala katindi ang kakayahan ng kapangyarihan ng batang ito, sapagkat nagawang labanan ng kakayahan nito na burahin ang epekto ng mahika ng kalaban na ito.

Ang kakayahan ni Shawn na ito ay ganito pal aka-epektibo sa mga ganitong sitwasyon, samantala si Rev naman ay biglang nagtaka kung paanong pati ang batang si Lucy ay nagawa ding makontra ang mahika ng kalaban.

Sa kaniyang palagay ay hindi naman ito ngayon nababalutan ng kakaibang itim na enerhiya na nagmumula kay Shawn, kaya naman ang kaniyang inasahan ay maaapektuhan ito ng mahika ng kalaban subalit sa kaniyang nakikita sa kasalukuyan ay mayroong kakaibang kakayahan ang mayroon ang batang ito.

Mukhang hindi lamang ang pagkakaroon nito ng aura ng isang diyablo ang kakaiba mula dito, mukhang ang batang ito mismo ay mayroon pang mga itinatagong kakayahan katulad ng batang si Shawn. Samantala si Lucy naman ay napalingon sa kinaroroonan ni Shawn at makikita sa mukha nito ang pagtataka, dahil hindi niya alam kung paano siya nakakagalaw sa sitwasyon na ito.

At isa pa ay mayroon siyang nararamdaman na kung anong enerhiya ang mabilis na dumadaloy sa kaniyang katawan, at nagsimula ito nang maramdamn niya ang enerhiya ng kalaban para bang mayroong uri ng enerhiya ang nagkokonekta sa enerhiyang dumadaloy sa kaniyang mga ugat.

Hindi niya alam kung bakit niya nararanasan ngayon ito, subalit isa lamang ang kaniyang naiisip sa ngayon. At iyun ay may kinalaman ang diyablong iyun sa mga nangyayari sa kaniya ngayon at ang ginagawang iyun ng kalaban ay hindi niya nagugustuhan sa ngayon, kaya naman tiningnan niya si Shawn at inalam mula sa ekspresyon nito kung mayroon ba itong alam sa kasalukuyang nagaganap.

At nangamba si Lucy dahil hindi niya nakikita mula sa mukha ni Shawn ang kaniyang inaasahan na sagot mula dito, kaya naman napatingin si Lucy sa kalaban at doon na nga lamang nataranta si Lucy dahil ang kalaban ay nakatingin sa kaniya at base sa ekspresyon na nakikita niya sa mukha nito.

Ay mukhang may binabalak ito sa kaniya na hindi maganda, kaya naman inihanda ni Lucy ang kaniyang sarili sa mga susunod na mangyayari. Dahil ang kalaban na nasa kanilang harapan ay mayroong kakaibang kapangyarihan na tinataglay, at kapag hindi siya nag-ingat sapagkat ang kalabang ito ay hindi basta bastang makaharap.

Samantala si Shawn naman ay napatingin sa kalaban ni Rev at laking pagtataka niya dahil nakatingin sa kanilang direksyon ang isang ito, at napagtanto niya kung kanino ito nakatingin at iyun ay sa pwesto ni Lucy.

Si Shawn ay nagtaka kung bakit tiningnan ng diyablong ito ang kaniyang kaibigan na si Lucy, habang siya ay naguguluhan kung bakit ay bigla niyang naalala ang sinabi sa kaniya ni Hades. At iyun ay ang paraan upang matukoy kung sino ang nawawalang anak ni Lucifer, at hindi niya pinag-hihinalaan ang kaibigan niyang ito.

Dahil itinuturing na niya ito bilang isang malapit na kaibigan at isang magaling na katunggali, kaya naman hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin kung ang kaibigan niyang ito ang pakay ng mga diyablo.

“Huwag naman sanang siya!” bulong ni Shawn sa kaniyang isipan at sa kasalukuyan ay makikitang inihahanda niya ang kaniyang sarili sa mga susunod na mangyayari, samantala sa loob naman ng katawan ni Shawn ay makikita si Hades na seryosong pinanonood ang nangyayari kay Shawn.

Hindi niya inakala na magagawang labanan ni Shawn ang epekto ng kapangyarihan ni Dyrott, at sa kasalukuyan ay batid na niya na napansin na din ni Dyrott ang tinataglay na kapangyarihan ni Shawn. At iyun ay ang kaniyang kapangyarihan, sa kaniyang pagkakaalala ay isa si Dyrott sa mga diyablo na nakalaban na niya noong unang panahon pa lamang.

At mukhang hanggang sa ngayon ay buhay parin ito at naghahasik parin ito ng lagim sa buong mundo, at sa kaniyang palagay ay naglilingkod parin ito ng tapat kay Lucifer at base sa kaniyang pagkaka-kilala sa isang ito.

Ay si Dyrott ang klase ng diyablo na hindi basta basta sumusunod sa kahit na sinong diyablo na magbigay ng utos dito, at sa halip na sundin nito ang utos ay gagawa pa mismo ito ng paraan para masira ang misyon na ini-utos dito.

Kaya naman kaniyang natitiyak na kikilos ang isang ito sa kaniyang sariling kagustuhan, kaya naman naalarma si Hades dahil sa presensya ng isang ito. Dahil ang diyablong ito ang isa sa mga pinaka-mapanganib na Demon General na kaniyang nakaharap.

Samantala kasalukuyan naman na makikita si Dyrott na nakatingin lamang sa batang babae na kasama ng batang lalake na nagtataglay ng kapangyarihan ni Hades, sa kaniyang palagay ang batang babae na iyun ang kaniyang hinahanap.

Dahil nakita na niya ang kaniyang pakay dito, ay mukhang magiging malaking problema naman kung hahanayan niyang buhay ang mga kasama nito. At kung kaniya namang kukuhanin ang batang ito ay tiyak na pipilitin siyang pigilan ng mga ito.

Nag-isip isip si Dyrott ng mga bagay na kailangan niyang gawin, subalit kaniyang naalala ang kaniyang dapat na gawin at iyun ay ang makuha ang matagal ng nawawalang prinsesa ng mga diyablo. Subalit bago ang lahat ay nais niyang gawin muna ang lahat ng gusto niya, at iyun ay paslangin ang lahat ng mga naroroon at bumalik sa mundo ng mga diyablo upang iharap ang kanilang nawawalang prinsesa.

Samantala si Rev naman ay naalarma dahil sa biglang pagbabago ng presensya ng kaniyang kalaban at kaniyang napansin ang nakatuon na ang atensyon nito sa dalawang bata, mukhang mayroong binabalak ang isang ito at hindi niya hahayaan na magawang makalapit nito sa dalawang batang ito.

Samantala sa loob naman ng kalooban ni Dylan ay makikita si Dylan na nakatayo sa harapan ni Perses, sa kasalukuyan ay sinasabi ni Perses ang lahat ng bagay patungkol sa kalaban na makakalaban ng kaniyang tagapagmana. At makikita nga na gulat na gulat si Dylan sa mga impormasyon na sinasabi sa kaniya ni Perses.

Ang diyablo na nasa harapan ng lahat ay walang pag-aalinlangan na papaslangin ang lahat ng naroroon para lamang makuha ang pakay nito, noong una ay hindi naniniwala si Dylan sa sinasabi nito subalit ng ipakita sa kaniya ni Perses ang kasalukuyang nangyayari ay nagulat siya dahil sila Shawn at Lucy lamang ang tanging nakakakilos sa pagkakataong ito.

At mas nagulat pa si Dylan ng sabihin ni Perses na mukhang alam ni Shawn kung ano ang kasalukuyang pakay ng mga diyablo, at iyun ay ang hanapin ang matagal nang nawawalang prinsesa ng mga diyablo. Nang marinig ni Dylan ang sinabi ni Perses ay napuno siya ng pagtataka, kung ang pakay ng mga diyablo ay mahanap ang kanilang prinsesa ay ibig sabihin ay isa sa kanilang mga kasama ang pakay ng mga ito.

Isa mga mga mag-aaral ng akademya ang nawawalang prinsesa ng mga diyablo, samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nakatanggap ng mensahe mula kay Hades at iyun ay ang pagbabago sa plano. At ang bagong paraan para kaniyang matukoy kung sino ang nawawalang anak ni Lucifer ay kung sino ang aatakehin ng diyablo na kasalukuyan ay nakatingin ng masama sa kanilang kinaroroonan….

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon