Chapter LXIII

80 19 0
                                    

Chapter LXIII: The Elites

---

ANG lahat ng mga estudyante ng Magica Academy ay kasalukuyang naghahanda para pumunta kung saan nagaganap ang ikalawang araw ng paligsahan, ang lugar na pag-gaganapan ng ikalawang araw ng laban ay hindi magaganap sa istadyum kung saan naglaban ang seksyon ng Class 3 A at seksyon ng Class 4 B.

Ang lugar na paggaganapan ng ikalawang laban ay magaganap sa isang malaking pasilidad sa loob ng akademya, ang pasisilidad na ito ay isa sa mga malalaking pasilidad na itinayo, at ito ay nakatayo mismo sa lugar kung saan ang mga estudyante na bahagi lamang ng Elite Class ang tanging nakakakita ng lugar na ito.

Ang lahat nga ng estudyante na dumarating sa lugar na iyun ay kasalukuyang namamangha dahil sa laki ng lugar, tila ba ito ay isang napakalaking istadyum na mas malaki ng limang beses kaysa sa istadyum kung saan naglalaban laban ang mga normal na estudyante ng Magica Academy.

Sa kasalukuyan ay nasa libo-libo nang manonood ang dumarating sa battle stadium na pagmamay-ari ng isa sa mga pinakakilalang tao sa buong akademya. Ang mismong tumatayong principal ng Magica Elite Academy.

Ang mga estudyante nga na naroroon ay napapansin ang mga ibang tao na mukhang kanina pa naroroon, ang mga tao na ito ay kung titingnan ay nasa edad na limangpu hanggang labing-walong taong gulang na. ang mga senior students ng Magica Academy ang mga estudyante na nauna sa kanilang nag-aral ng mahika mula sa Magica Academy. Na ngayon nga ay mga tinatawag na Elites Student ng akademya.

Samantala sa gitna ng istadyum ay makikita ang dalawang grupo ng seksyon na mag-haharap harap ngayon araw, at karamihan sa mga ito ay mga kilala na dahil ang mga ito ay minsan ng naging guro ng mga estudyante na ngayon nga ay nanonood.

Samantala kasalukuyan na nasa loob ng battle stadium ang bong seksyon na kinabibilangan ni Shawn, si Shawn nga ay kasalukuyang kasama ang kaniyang mga kaibigan na sila Akari, Grey, Jay-ar, Lucy, Jarvis at Markus. Sa kasalukuyan ay nag-uusap usap ang magkakaibigan patungkol sa mga laban na kanilang haharapin.

Pinag-uusapan ng mga ito ang dapat nilang gawin at iyun ay ang ipakita sa lahat ang buo nilang lakas, si Grey nga ay sumasang-ayon sa mga kuwitsyon ni Shawn habang si Jay-ar naman ay seryoso habang pinag-mamasdan ang paligid.

Mas pinag-tutuunan ni Jay-ar ang kaniyang kapaligiran kaysa makipag-usap kila Shawn at Grey, mas kailangan niyang pag-aralan ang paligid para magamit niya ito sa kaniyang pakikipag-laban mamaya. Samantala sila Akari at Lucy naman ay seryoso na nag-uusap si Akari nga ay medyo hindi makapaniwala na lalaban siya ngayong araw sa lugar na ganito.

Hindi niya akalain na marami ang manonood ng laban kung saan ay isa siya sa mga kalahok sa labanan na ito. Kahit na marami ang gumulo sa kaniyang isip dahil sa kaniyyang kapatid kahapon ay mukhang kailangan niyang mag pokus sa kaniyang sariling laban mamaya.

Samantala si Lucy naman ay punong-puno ng enerhiya ngayon, sobra siyang natutuwa dahil may mga malalakas na tao ang ngayon ay nasa kaniyang paligid, natitiyak niya na kahit isa lamang sa mga naroroon ay mahihirapan niyang talunin. Subalit kahit ganun ay hindi siya pwede na magpabaya. Dahil wala siyang balak na masayang ang lahat ng oras na inilaan sa kanila ng kanilang guro na si Yoki. Sa ilang lingo na kasama niya si Shawn sa pagsasanay sa ilalim ng pangangalaga ni Yoki ay naramdaman ni Lucy na mas lalo siyang lumakas at ganun din si Shawn. Subalit kahit ganun ay tuloy parin siya sa kaniyang ginagawang pagsasanay, dahil ayaw niyang magpahuli sa lakas na mayroon ang kaniyang itinuturing na karibal. At ito ay si Shawn.

Samantala sa paglipas ilang minuto ay wala pa din ang grupo na makakalaban ng grupo nila Shawn, ang mga kasama na lalaban na mula sa Special Class ay nasa bilang na labinglima lamang at ang mga ito ay sila Caleb, Xanthus, Sabrina, Lucretia, Minerva, Morgana, Serene, Victoria, Shawn, Lucy, Grey, Aries Jay, Akari, Markus at Jarvis.

Ang mga kasama nila ay halos puro babae, subalit ang mga ito ay mga hindi basta basta dapat na maliitin. Sapagkat ang mga ito ay isa sa mga malalakas na miyembro ng kanilang seksyon at higit sa lahat ang mga ito ay isa mga pinakamalakas na miyembro ng kanilang seksyon.

At higit sa lahat si Yoki ang nag-ayos ng line-up na ito ng mga lalaban, dahil may ibang pinagkaka-abalahan ang mga ito. Kaya naman si Yoki ang pumili at isinama sa mga lalaban ang kaniyang mga bagong estudyante.

Tiwala si Yoki sa labing-lima na ito dahil ang mga ito ay may sapat na kakayahan para makipag-sabayan sa mga malalakas na miyembro ng Elite Class. Samantala lumipas ang ilang minuto ay mayroong grupo ng mga estudyante ang paparating sa loob ng battle Stadium.

Samantala ang mga estudyante na malapit sa entrance ay makikitang gulat na gulat habang nakatingin sa grupo na dumating. Ang mga ito ay kilala nang lahat dahil ang mga ito ay mga malalayang nakaka-labas pasok sa loob ng Magica Academy. Ang grupo na ito ay kinabibilangan ng labing limang miyembro, at sa labing lima na ito nga ay may tatlong mukha ang kilala ng lahat ng naroroon.

At ito ay ang nakababatang kapatid ni Rev Blaziwart, walang iba kundi si Alicia Blaziwart. Samantala sa likod naman nito ay makikita rin sila Elton Windcaster at si Edrian Washinton. Na kapwa naglalabas ng napakalakas na enerhiya na siyang nagbibigay ng matinding kilabot sa mga estudyante na naroroon.

Samantala si Shawn ay nagulat ng kaniyang maramdaman ang aura ng kaniyang kuya, naramdaman niya ang enerhiya ng kaniyang kuya edrian at kabilang ito sa grupo na paparating ang grupo na kanilang makakalaban.

Samantala sila Caleb naman ay naalarma ng maramdaman ang enerhiya ng mga dumating na kalaban, hindi inaasahan ni Caleb na ang mga ito ang kanilang makakalaban. Ang mga malalakas na miyembro ng Elite Class.

Sila Alicia, Edrian, Elton, Christa, Jerren, Cyrus, Alexa, Quinn, Secre, Dylan, Byakuya, Lysander, Takuya, Kaoru, at Tomoe. Ang labing limang miyembro ng Elite Class ay nandito na.

Samantala sila Alicia, Elton at Edrian ay nakatingin ngayon sa kinaroroonan ng kanilang mga makakalaban at makikita na naging seryoso si Edrian ng makita niya ang kaniyang estudyante na si Shawn.

Kung ganun ay kaniyang makakalaban ang kaniyang estudyante, mukhang sinadya ng pagkakataon na magkaharap sila sa isang laban. Ang kanilang grupo nga ay mabilis na naglakad papalapit sa kanilang pwesto. Habang ang mga ito ay nakatingin sa kanilang mga makakalaban.

Samantala mayroong isang lumapit kay Edrian at ito ay si Secre, si Secre ay may Violet na buhok at pulang mga mata ang babaeng ito ay nasa edad na labing pitong gulang at nasa ikatlong taon na bilang miyembro ng Elite Class.

"May mga bagong estudyante ang Special Class?, Ang Balita ko malalakas daw ang mga iyan!" sabi ni Secre habang ito ay nakatingin sa pwesto kung saan naroroon ang grupo nila Shawn. Samantala hindi naman pinansin ni Edrian ang sinabi na iyun ni Secre bagkus nga ay mas itinuon na lamang niya ang kaniyang atensyon sa magaganap na laban.

Samantala si Elton ay naalala ang mga sinabi sa kanila ng kanilang guro, at ito ay ang pakikipag-laban din ng mga ito sa kani-kanilang estudyante sa hinaharap. At mukhang sa pagkakataon na ito nga ay nagkatotoo na kaagad ang sinabi ng kanilang guro, dahil sa ngayon ay nasa kaniyang harapan ang minsan na rin niyang naging estudyante....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon