Chapter XXXV: Unknown Force
---
NAGULAT ang mga nurse ng bumangon mula sa pagkakahiga si Lucy habang ang buong katawan nito ay nababalutan ng Itim at Pulang Aura. Ang doctor nga ay napa-atras. Si Elton nga ay kaagad na kumilos at pinigilan ang pagkilos ni Lucy gamit ang kaniyang elemento ng hangin.
Ang apat na bata nga na nasa labas ay nagmamadali na pumasok sa loob ng clinic at kaagad na pinalabas ang mga nurse na ngayon nga ay mabilis na tumakbo papalabas. Sila Grey at Shawn nga ay kaagad na nilapitan si Lucy at gamit ang kani-kanilang aura ay nagawa nilang malapitan ito.
Samantala si Akari naman ay naging suporta ni Elton sa pag-pigil sa katawan ni Lucy gamit ang kani-kanilang elemento. Si Jay-ar naman ay nakakaramdam ng pagka-bahala dahil sa kakaibang nangyayari sa kanilang kaibigan.
Samantala ang mga nasa labas naman ng clinic ay naramdaman ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa loob nito. Ang ilan nga na mga miyembro ng Special Class ay nakuha ang atensyon dahil sa napaka-lakas na enerhiya na nagmumula sa loob ng clinic na iyun.
Sa labas naman ng akademya ay makikita sa malayo ang isang grupo ng mga diyablo na napansin ang kakaibang liwanag mula sa kalangitan, ang kanina lamang na kalangitan ay bigla na lamang binalot ng kakaibang pulang liwanag. Ang liwanag na ito naman ay naging kakila-kilabot para sa mga nakakita ng nagaganap sa kalangitan.
Sa loob naman ng clinic ay makikita na patuloy na nababalutan ng itim at pulang aura ang katawan ni Lucy, sa kasalukuyan ay nahihirapan si Elton na pigilan ang pag-kilos ni lucy. Tila ba mayroong kakaibang pwersa ang nagtutulak sa kaniya upang bitawan ito.
Samantala sila Shawn at Grey naman ay makikitang nahihirapan na sa pag-pigil sa mga kamay at paa ni Lucy, ang mga ito nga ay nakakaramdam ng kakaibang pwersa na nagmumula sa katawan nito. Maging si Shawn nga ay hindi alam ang nangyayari sa kaniyang kaibigan.
Sapagkat sa kasalukuyang kalagayan ni Lucy, ay mas malakas ito ng limang beses kesa noong makasama niya itong lumabas sa mga diyablo. Ang lakas nito ay napaka-bilis na tumataas, hindi niya alam kung saan nagmumula ang kapangyarihan na lumalabas sa katawan nito.
Samantala si Jay-ar naman ay makikita na hindi na inis na inis na sa nangyayari kay Lucy, hindi niya alam kung bakit ito nagkakaganito. Inilabas niya ang kaniyang dilaw na aura at lumipad sa harapan nito. Makikita nga na nagulat sila Elton, Akari, Grey at Shawn sa kilos na ginawa ni Jay-ar.
Sa ngayon ay seryoso na nakatingin si Jay-ar sa pulang mga mata ni Lucy, pinagmamasdan niya ang mga mata nito at isa lang ang tanging nakikita niya rito, at ito ay ang kawalan ng malay nito habang makikita sa mukha nito ang ekspresyon ng galit.
Hindi niya alam kung bakit ito nagkaka-ganito, hindi siya sanay na Makita na ganito ang kaisa-isahan babae na kaniyang naging kaibigan. Samantala sa loob naman ng katawan ni Lucy ay mayroong kakaibang nagaganap.
Ang daluyan ng enerhiya ni Lucy ay makikitang nadadaluyan ng kakaibang pulang enerhiya, ang enerhiyang ito ay kapareho ng pulang liwanag na lumitaw sa kalangitan. Ang pulang enerhiya na ito ay kakaiba dahil ang enerhiya na ito ay nagmumula kung saan nakatatak ang marka sa kaniyang likuran.
Ang lahat naman ng kaniyang ala-ala ay unti-unti ng bumabalik, ang mga senaryo na kaniyang nakita ay kaniya nang napagsama-sama. Ang bawat detalye nito at kung ano ang huling sinabi ng kaniyang ina bago siya nito iwan sa bahay ampunan.
At dahil sa pagbabalik ng kaniyang totoong ala-ala ay ang selyo na ginawa ng kaniyang ina ay unti-unti ng nawawala, ang kakaibang kapangyarihan na natatago sa kaniyang pagkatao. Ang kaniyang kamalayan ay nalalapit nang muli na bumalik.
Samantala sila Elton ay nakahinga ng maluwag ng kanilang maramdaman ang pagbabago aura na inilalabas ni Lucy, at sa kasalukuyan ay unti-unting nagkakaroon ng malay ito. Si Lucy nga ay nagtaka ng Makita niya sa kaniyang harapan ang kaniyang mga kaibigan.
Lalo na si Jay-ar na nakaharap pa rin sa kaniya, napa-atras nga siya dahil napaka-lapit nito sa kaniya. nang Makita naman nila Akari, Grey at Shawn ang reaksyon na ito ni Lucy ay natuwa sila dahil ngayon nga ay gising na ang kanilang kaibigan.
Samantala si Elton naman ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakita at naranasan, isang batang babae ang nakapag-pakawala ng kakaibang enerhiya sa kaniyang katawan upang ang lakas na mayroon siya ay umangat. At sa kasalukuyan nga ay nakatapak na sa ranggong B ang batang si Lucy.
Habang si Lucy naman ay napatingin sa kaniyang likuran, tumingin it okay Shawn at may imahe ng isang lalake ang lumitaw sa kaniyang isipan. At ito ang mukha ng lalake na sinasabi ng kaniyang ina na kaniyang ama.
Samantala si Rev naman ay nasa loob ng hospital kung saan ay kasama niya ang kaniyang kapatid, sa araw na ito nga ay ang araw na lalabas nan g tuluyan sa hospital ang dalaga. Makikita naman sa mukha ni Rev ang saya habang nakikita niya ang ngiti ng kaniyang nakababatang kapatid.
Sa kasalukuyan nga ay siya ang may dala ng mga gamit nito habang si Alicia ay nakikipag-asaran sa Nurse na siyang nagbantay rito. Maya maya pa nga ay nagyaya na itong umalis. Agad na nga lamang tumawag si Rev ng kanilang masasaktan at mabilis naman na may dumating na pulang kotse.
Napatingin si Alicia sa kotse na huminto sa kaniyang harapan, tumingin siya sa kaniyang kuya na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. nang mapansin ni Alicia na tama ang kaniyang naiisip ay pumasok na ito sa loob ng sasakyan.
Samantala sa loob ng kotse ay may isang lalake ang nagmamaneho nito, at ito pala ay si Edrian na siyang kasama ni Rev na dumating sa hospital, si Edrian nga ay kaagad na nakatanggap ng sapak kay Alicia dahil sa umano ay pang-gugulat ng binata. Si Rev nga ay natawa na lamang dahil ang dalawang ito ay talagang malapit sa isat-isa.
Nagsimula ang byahe papauwi sa tahanan ng mga Blaziwart, nang bigla na magsalita si Alicia, at ito ay ang patungkol sa Demon General na kaniyang nakalaban. Si Rev nga ay nagulat ng kaniyang marinig sa kaniyang kapatid ng sinabi nito.
Isang Demon General ang nakaharap ng kaniyang kapatid, at ang klase ng kalaban na ito ay isang napakalakas na kalaban. Kung kaniyang susukatin ang isang Demon General ay nasa ranggo na SSSS+ rank Devil. Na kung saan ay mas malakas pa ng sobra sorbra sa Diyablo na kaniyang nakalaban kahapon. Si Edrian nga ay hindi na nagulat sa sinabi na iyun ni Aliciaa dahil noong magsalita ito sa itaas ng isang school building kasama niya ay mula noon ay hindi na niya mapigilan na mag-alala. At ito ay sa buhay ng kaniyang alaga. Sa buhay ni Shawn na sa ngayon ay kilala bilang ang pinaka-batang B ranker.
Samantala isang araw ang lumipas ang magkakaibigan na sila Akari, Lucy, Shawn, Grey at Jay-ar ay magkakasama na kumakain sa cafeteria. Kasalukuyan silang nagmemeryenda ng mga sandaling iyun. Tila isang normal na araw subalit sa kanilang lima ay mayroong isa rito ang mayroong malalim na iniisip.
At ito ay si Lucy na kasalukuyang ini-isip kung paano niya magagamit ang bago niyang kapangyarihan, ang kakaibang pwersa na kaniya umanong pinakawalan kahapon lamang. Pero mas nagtataka siya sa isang bagay at ito ay bakit ang kaniyang ina ay nagkaroon ng relasyon sa isang Diyablo....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...