Chapter LXXXII:The God Of Darkness
---
ANG buong paligid ay bigla na lamang tumahimik ng sandaling huminto ang lahat ng kalahok sa kani-kanilang mga pag-atake, ang dahilan kung bakit huminto ang mga ito ay dahil sa biglang paglitaw ng kakaibang presensya mula sa kinaroroonan nila Shawn at Dylan kanina.
Sila Alicia at Caleb ay nag-alala sa kanilang kasamahan na sila Shawn at Dylan, lalo na si Alicia dahil siya ang mananagot kapag may nangyaring masama sa labanan na ito. Dahil natitiyak niya na sa kasalukuyan ay nagkakaroon ng magandang laban sa pwestong iyun, kung saan ay nararamdaman nila ang malakas na enerhiya na kanilang nararamdaman.
Samantala sa kinaroroonan naman nila Edrian, Grey at Lucy, ay kasalukuyan na nagpupumilit ang dalawang bata na makawala sa puder ni Edrian. Sila Grey at Lucy ay napag-usapan na ang kanilang gagawin, at nagawa ni Grey na kumonekta sa isipan ni Lucy sa pamamagitan ng kaniyang pagsasanay sa kaniyang pag-iisip ay nagawa niyang maka-usap mula sa kaniyang isipan si Lucy.
Noong una nga ay hindi makapaniwala si Lucy ng kaniyang marinig ang boses ni Grey sa kaniyang isipan, kaya naman napalingon ito sa kinaroroonan ni Grey at nakita niya ito na nakatingin sa kaniya ng seryoso. At doon ay kaniyang nakompirma na mayroon ding kakayahan na makipag-usapan sa isipan lamang nito.
Hindi inasahan ni Lucy na may ganito na palang kakayahan si Grey, kaya naman nagkaroon na kaagad siya ng ediya kung paano sila hindi mapapansin ng kanilang kalaban. At ang resulta ng kanilang pagpa-plano ay ang kasalukuyan nilang ginagawa na pag-pupumiglas sa napakatigas na yelo na nakabalot sa kanilang katawan.
Ang yelo na bumabalot sa kanilang katawan ay mabilis na nagkakaroon ng mga maliliit na lamat, at dahil iyun sa paggawa ni Grey ng kaniyang elemento ng yelo sa loob mismo ng yelo na inilabas ng kaniyang kalaban. Sa pamamagitan ng sarili nitong kapangyarihan ay gumawa siya ng paraan kung paano kumawala sa kamay ng isang kalaban, at iyun ay ang gamitin ang kung anong mayroon siya para magawang makawala.
Habang si Lucy naman ay buong lakas na inilabas ang kaniyang pwersa, ang buo nga niyang katawan ay nabalutan ng pula at itim na aura at ang kaniyang elemento ng kidlat. Si Edrian naman ay naalarma dahil sa biglang pagkilos ng dalawa niyang kalaban, napatingin siya sa kasalukuyang nakawala nang si Grey na ngayon ay nababalutan ng malamig nitong aura at mukhang magpapakawala na ito ng atake sa ngayon.
Samantala sa likod naman ni Edrian ay bigla na lamang lumitaw ang pigura ni Lucy na kasalukuyang nababalutan ng pula at itim nitong enerhiya, si Edrian ay kaagad na napa-atras ng kaniyang maramdaman ang presensya ni Lucy sa kaniyang likuran.
Nang siya nga ay maka-atras ay nakita niya si Lucy na pasugod na sa kaniya, kaya naman mabilis na umilag si Edrian sa atake na iyun ni Lucy. Mula sa kinatatayuan ni Edrian ay nagkaroon ng malakas na pagsabog, dahil iyun sa malakas na impact ng atake ni Lucy na tumama sa sahig ng istadyum.
Samantala si Grey naman ay hindi nag-aksaya ng pagkakataon, at inasinta ang kasalukuyang kinaroroonan ni Edrian. Si Grey nga ay mabilis na nag-ipon ng enerhiya at maya maya nga ay mayroong lumabas na imahe ng kanyon sa kaniyang tabi.
Kaagad na hinawakan ni Grey ang kanyon na iyun, at nang kaniyang hawakan nga ang kanyon na iyun ay kaagad na may naipong enerhiya sa bunganga ng kanyon na ito. Mabilis na naipon ang enerhiya na iyun at kaagad na pinindot ni Grey ang gatilyo ng kanyon na iyun.
“BANG!”
maririnig ang malakas na pagsabog dahil sa pagpapakawala ni Grey ng Ice Cannon, ang ibang mga kalahok nga ay napatingin sa kinaroroonan nila Edrian, Grey at Lucy. Ang kani-kanila ngang kasamahan na nakapansin ng sunod-sunod na pagsabog na iyun ay nag-alala sa sitwasyon ng kanilang mga kasama subalit nawala kaagad ang pag-aalala na iyun ng biglang lumitaw sa ere ang pigura ni Edrian.
Makikita naman sa mukha ni Edrian ang pagkagulat dahil sa bilis ng mga nangyari, hindi inasahan ni Edrian na mabilis na makakagawa ng counter attack ang mga batang ito. Mayroong team work ang dalawang ito na hindi niya inakala na mayroon pala ang mga ito.
Hindi din makapaniwala si Edrian sa tinataglay na lakas ni Lucy, ang pisikal na lakas na mayroon ito ay hindi normal para sa isang God’s Children. Ang pagkakaroon nito ng Crimson Aura ay isang malaking misteryo para sa kanilang lahat, at ang impormasyon na ipinagbigay alam sa kaniya ni Elton, noong ito ay sinugod ni Shawn sa Clinic dahil nagkaroon umano ito ng lagnat.
At duon ay naganap umano ang misteryosong paglabas ng kakaibang marka sa buong katawan nito, at ang presensya na naramdaman ni Elton ng panahon na iyun kay Lucy ay inakala niya na nagmumula ang presensya na iyun sa isang diyablo. At ang tanging nakapag-pahinahon lamang dito ay walang iba kundi ang mga kaibigan nito, subalit kung nagkataon na wala doon ang buong grupo nito Shawn ay binalak na noon ni Elton na atakehin si Lucy habang wala pa itong malay.
Ito ang sinabi sa kaniya ni Elton noong sandali na sila ay nagkaroon ng oras para magkausap, naguluhan si Edrian noong una niyang marinig ang mga impormasyon na sinabi noon ni Elton subalit naniwala na siya noong sabihin sa kaniya ni Alicia ang naganap na laban nila Shawn at Lucy sa pasilidad ng Special Class.
Sa kaniyang narinig mula kay Alicia ay binigay nila Shawn at Lucy ang kanilang buong lakas na mayroon ang dalawang ito, at iyun ang kaniyang ipinagtaka hindi niya alam na mayroong kakayahan na makipag-sabayan ang isang ito sa kapangyarihan na taglay ni Shawn.
Dahil noong unang maglaban ang dalawang ito ay madali lamang na natalo ni Shawn ang batang ito, subalit ang makalaban ng sabayan sa isang indibidwal na nakakagamit na ng sampung porsyento kapangyarihan ng Aura Skin.
At ang ganun antas ng lakas na mayroon si Shawn ng mga sandaling iyun ay hindi basta basta magagawang pantayan ang lakas at bilis na tinataglay ni Shawn, ang batang si Lucy ay nagtataglay ng napaka-misteryosong kapangyarihan at habang tumatagal ay mas lalo pa itong lumalakas at kapag hindi nila kaagad nalaman kung saan nagmula si Lucy ay mananatiling misteryo ang buong pagkatao nito.
Samantala sa lugar naman kung saan kasalukuyang magkaharap si Shawn at si Hades ay makikita ang hindi makapaniwalang ekspresyon sa mukha ng dalawa, si Shawn ay makikitang gulat na gulat dahil nakikita niya kasalukuyan ang imahe ng isang nilalang na nasa likuran ni Hades.
Habang si Hades naman ay mayroong gulat na ekspresyon dahil hindi niya inasahan na magagawang makita ng batang ito sa kasalukuyan ang kaniyang alaga na Mythical Beast, at ang Mythical na ito ay walang iba kundi ang Cerberus na kilala bilang ang Three Headed Dog.
Hindi niya inasahan na maagang makikita ng kaniyang tagapagmana ang kaniyang pinaka-mamahal na alaga, samantala si Shawn naman ay pinilit na huminahon huminga siya ng malalim at maya maya pa ay lumingon na siya sa kinaroroonan ni Hades.
“Ikinagagalak ko po na makita kang muli!, kagalang galang na Diyos ng Kadiliman at Hari ng Karimlan! Ang Diyos na si Hades?” magalang na salita ni Shawn na kaagad naman na tinanggap ni Hades.
Hindi siya makapaniwala na babatiin siya ng batang ito sa ganuong uri ng pananalita, masyado iyung makaluma para sa kasalukuyan nitong edad. Subalit ganun pa man ay ikinagagalak niya na iginagalang siya ng batang ito, dahil sa paggalang na ito ay mas lalo niyang nagustuhan ang kaniyang tagapagmana.
Kaagad naman na sinagot ni Hades ang pagbibigay galang na iyun sa kaniya ni Shawn, at kagaya ng sinabi ni Shawn kanina ay kaniyang tinawag ang buong pangalan nito at sinabi kung ano talaga ang kaniyang saloobin dito.
Si Shawn naman ay hindi makapaniwala na naiintindihan siya ng nilalang na ito, mukhang ang isang ito ay mabilis lamang niyang makakasundo. Samantala ang nilalang naman na nasa likod ni Hades ay kasalukuyan na nakatingin sa kaniyang susunod na magiging amo.
Hindi siya makapaniwala na magagawa siya kaagad na makita ng batang ito, mukhang ang pagkakaroon nila ng koneksyon sa kanilang nararamdaman ang naging sanhi kung bakit ngayon ay nakikita siya nito sa kasalukuyan. At sa kasalukuyan ay nararamdaman niya ang kasalukuyan na nararamdaman nito at iyun ay ang pakiramdaman ng kasiyahan, kasiyahan dahil sa pagkakataon na ito ay nakita na nitong muli ang nilalang na dahilan ng pagkakaroon nito ng panibagong buhay at iyun ay ang maging isang tagapagligtas ng sanlibutan….
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...