Chapter LXVII

81 21 0
                                    

Chapter LXVII: Secre

---

ANG laban sa pagitan nila Shawn at Secre ay hindi pa rin nagkakaroon ng pagbabago, patuloy pa rin na umiiwas si Shawn sa mga pag-atake na ginagawa ni Secre. Habang si Secre naman ay makikitang naiinis na dahil hindi niya magawang mahuli ang kaniyang kalaban.

Napansin na niya na mayroong mali sa pag-gamit nito ng kaniyang elemento, parang ang itim na apoy na iyun ay hindi sinusunod ang batang si Shawn. At kasalukuyan ay pinipilit kontrolin ng batang iyun ang itim na apoy sa pamamagitan ng konsentrasyon, ito sana ang pagkakataon ni Secre para magawang mahuli si Shawn subalit hindi niya inasahan na malakas ang senses nito.

Nagagawa ng batang ito na umiwas sa kahit anong uri ng atake kapag naramdaman nito ang mga paparating na atake mula rito, hindi makapaniwala si Secre na may bata na ganito na kagaling. Pero hindi siya magpapasindak sa kakayahan na ito ng bata, at hanggat mayroon siyang pagkakataon ay sasamantalahin niya ito para magwagi sa laban na ito.

Samantala si Shawn naman ay makikitang inis na inis dahil hindi siya sinusunod ng kaniyang kapangyarihan, para bang mayroon itong sariling buhay na gusto lamang masunod ang ninanais nito. Kaya naman mas minabuti na ni Shawn na hayaan ang itim na apoy sa gusto nitong gawin pero hindi niya hahayaan na gawin nito ang kahit anon a makakasira sa buong paligid nito.

Kaya naman si Shawn ay pinakiramdaman ang kaniyang enerhiya at kasabay noon ay ang paglabas ng itim na usok sa kaniyang katawan, ang lahat nga ay nagulat dahil sa biglang paglitaw ng itim na usok sa katawan ng kalaban ni Secre na kanina pa abala sa pag-iwas sa mga pag-atake nito.

Hindi inaasahan ng mga manonood ang kanilang nakikita sa batang si Shawn, masyadong magaling ang batang ito para sa isang ordinaryong God’s Children lamang. Dahil ang kasalukuyang kinakalaban nito ay isa sa mga pinaka-malalakas na miyembro ng Elite Class at sa kasalukuyang ipinapakitang bilis nito, ay binabalewala lamang nito ang kakayahan ng isang nagmula sa Elite Class na ilang beses nang nagkaroon ng karanasan na makipag-laban sa mga Diyablo.

Samantala si Edrian naman ay napansin ang biglang pagbabago ng daloy ng enerhiya ni Shawn sa buo nitong katawan, kaya naman kahit na nakikipag-laban siya ay tumingin pa rin siya sa kinaroroonan ni Shawn. At nagulat siya ng kaniyang makita ang itim na usok na muling bumalot sa katawan nito. Pero nagulat siya ng makita sa mukha ni Shawn ang isang ngiti, at mula nga sa kinaroroonan ni Shawn ay makikita ang mabilis na paglalaho ng mga nagliliyab na latigo na ginagamit ni Secre para umatake.

Samantala si Secre ay napahinto ng maramdaman niya ang biglang pagkabura ng kaniyang mga atake, ang nagliliyab na latigo ay bigla na lamang naglaho ng lumabas ang itim na usok sa katawan ni Shawn. Ang kaniyang mga nagliliyab na latigo na malapit dito ay bigla na lamang naglaho at tila ba ang natural na enerhiya na iyun ay hinigop ng itim na usok na lumabas mula sa katawan ni Shawn.

Samantala si Shawn naman ay umatras matapos niyang mapalabas ang Black Mist, makikita sa kaniyang labi ang ngiti habang ang mga nagliliyab na latigo ay papasugod sa kaniya. kaya naman kaagad niyang ikinalat sa kaniyang palibot ang itim na usok, kaya naman ng makalapit ang nagliliyab na latigo ng kaniyang kalaban sa black mist ay mabilis itong nahigop ng agad-agaran.

Tumingin siya sa naging reaksyon ng kaniyang kalaban at mas napangiti siya ng makita ang kaniyang inaasahan na reaksyon sa mukha nito. Dahil ang isa sa mga abilidad ng Black Mist ay Absorbtion at ang kahit anong klase ng enerhiya ang madikit dito ay kaagad na hihigopin ng black Mist at ang Enerhiya na hinigop nito ay mabilis na dadaloy sa katawan ng gumagamit nito. Nang mahigop nga ng black mist ang atake na iyun ng kaniyang kalaban ay nakaramdam si Shawn ng enerhiya na dumaloy sa kaniyang katawan. Ang enerhiya na iyun ay napaka-sarap sa pakiramdam na ngayon lamang niya naramdaman.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon