Chapter XCIII

74 18 0
                                    

Chapter XCIII: Initiation Of Action

---

ANG buong paligid ay yumayanig dahil sa mabilis na pagyabag ng mga paa ng mga diyablo, ang mga puno sa kagubatan kung saan sa gitna nito nakatayo ang paaralan ay nakakaranas ng sunod sunod na pagyanig.

Ang nangyayari sa kasalukuyan sa lugar na iyun ay hindi inasahan ng mga nilalang na naninirahan sa kagubatang iyun, ang mga ibon, unggoy at iba pang hayop na naninirahan doon ay tuluyan ng umalis upang hindi madamay sa nagaganap na labanan.

Mayroon nang ibang mga hayop ang makikitang patay na dahil sa pagkakatapak ng mga diyablo, at dahil sa nangyari sa mga hayop na ito ay kaya naman dali daling lumikas ang iba pang hayop na naroroon. Samantala ang labanan naman sa pagitan ng hukbo ng mga diyablo at nila Rev, Elena at Sebastian, ay kasalukuyan na dumedepensa ang mga ito.

Sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Rev ay gumawa siya ng malalaking kamay na gawa mismo sa kaniyang nagliliyab na apoy, habang sila Sebastian at Elena naman ay gumawa na din ng aksyon at sa pamamagitan ng kanilang enerhiya ay gumawa sila ng mga malalaking barikada para sumalag sa mga paparating na atake ng mga kalaban.

Samantala ang mga diyablo naman ay medyo humanga sa paraan na ginawa ng tatlong hangal na nasa kanilang harapan, sapagkat dumedepensa ang mga ito kahit na tatlo lamang ang mga ito. Hindi nila inasahan na mas may ihahangal pa ang mga ito sa kanilang mga mata, sapagkat kung nasa tamang pag-iisip ang mga ito ay hindi isusugal ng mga ito ang kanilang buhay para lamang protektahan ang kanilang paaralan.

Samantala sa likod naman ng hukbo ng mga diyablo ay makikita naman ang isang indibidwal na animo’y ay nakaupo lamang sa ere, habang ito ay kasalukuyan na umiinom ng isang basong alak. Ang nilalang na ito ay may wangis ng isang tao subalit sa kabila ng pagkakaroon nito ng itsura ng isang tao, ay hindi padin nawawala ang dalawang naglalakihang sungay nito.

Ang indibidwal na ito ay isang diyablo at sa kasalukuyan ay ito ang tumatayong pinuno ng hukbong ito, isa siya sa apat na Demon General na ipinadala upang pamunuan ang pagsalakay sa kampo ng mga kalaban. At magandang oportunidad na din ngayong araw nila salakayin ang paaralang ito, sapagkat sa kasalukuyan ay nakatanggap sila ng impormasyon na sa paaralang ito nanunuluyan ang kanilang matagal nang hinahanap.

Walang iba kundi ang nawawalang anak ng kanilang panginoong Lucifer, samantala ang Demn General ay kasalukuyan na pinagmamasdan ang bawat pagkilos ng tatlong kalaban. At natutuwa siya sapagkat nagagawa ng tatlong ito na sabayan ang mga mahihinang atake na ginagawa ng kaniyang mga alagad, ngayon lamang siya nakakita ng ganito kasigasig na mga tao.

Mukhang ang pagkakaroon ng mga taong ito ng kapangyarihan ang nagiging dahilan kung bakit ang mga ito ay nagkaroon ng ganito kataas na kumpyansa sa kanilang sarili, kung hinayaan na lamang na mawala ang mundo ng mga tao ay sana matagal nang natapos ang paghihirap ng mga ito.

Ang Demon General na ito ay naiisip na lamang ng kung ano-anong bagay, at iyun ay puro pagtataka lamang sa mga bagay bagay. At habang kaniyang iniisip ang mga iyun ay nakatuon padin ang atensyon nito sa kanilang mga kalaban.

Samantala kasalukuyan naman na kumikilos na ang mga estudyante ng akademya, ang buong grupo nila Yoki na pinangungunahan ngayon nila Alicia, Elton at Edrian. Habang nakasunod naman sa mga ito ang grupo ni Shawn at kasunod naman nila ang iba pang mga estudyante na sumama sa labanan na ito.

Kasalukuyan naman na makikita sa mukha ni Shawn ang pagka-seryoso, kaniyang inaalala ang kaniyang kailangang gawin sa laban na ito. Hindi niya alam kung magagawa ba niya iyun ng siya lamang mag-isa, sapagkat sa kasalukuyan ay napakarami nilang kasama at ang hanapin ang anak ng kalaban sa ganito kadaming indibidwal ay mukhang imposible na magawa niya lamang ng mag-isa.

Samantala si Grey naman ay napansin ang masyadong seryosong ekspresyon ng kaniyang kaibigan na si Shawn, mukhang mayroon itong malalim na iniisip at mukhang dahil iyun sa kasalukuyan na nagaganap. Mababatid niya kung ito ay seryoso dahil sa pagsalakay ng mga kalaban, subalit ang kasalukuyang ekspresyon nito sa kasalukuyan ay mukhang mas malalim pa kaysa sa kasalukuyang problema na kasalukuyan nila kakaharapin.

Sa kaniyang palagay ay mayroong naalala ang kaibigan niyang ito na tiyak na dahilan kung bakit ito ngayon masyadong seryoso, samantala sila Akari at Lucy naman ay napatingin sa pwesto ni Shawn at nakita nila ang napaka-seryoso nitong ekspresyon.

Sa kanilang palagay ay normal lamang na maging seryoso sa pagkakataon na ito, sapagkat ang kanilang kakaharapin sa kasalukuyan ay ang totoong labanan. Kaya naman katulad ni Shawn ay mas pinili nila na maging seryoso din, dahil kapag nakalabas na sila sa paaralang ito ay hindi na sila pwedeng umatras pa.

Samantala sila Alicia, Elton, Edrian at Dylan ay kasalukuyan na magkaka-konekta sa kanilang isipan, ang apat na ito ay nagkakaroon ng pag-uusap patungkol sa kanilang gagawin mamaya. Nag-iisip ang mga ito ng kanilang mga gagamiting taktika sa pakikipag-laban sa mga diyablo, si Dylan nga ay hindi makapaniwala na siya ay makikipag-tulungan sa tatlong ito.

Ang isang gaya niya na malayo sa kapwa niya estudyante ay ngayon ito nakiki-sama sa grupo nila Alicia, ang isa sa mga kilalang indibidwal sa akademya ay kasalakuyan na niyang nakakasama. Samantala ang mga estudyante na kasama sa laban ay kasalukuyan na lumilipad kasunod nila Alicia, Elton at Edrian, ang mga ito ay buo ang kumpyansa na mapagta-tagumpayan nila ang laban na ito.

At sa pamamagitan ng kanilang pagtutulungan laban sa mga kalaban ay kanilang natiityak na sila ang magwawagi sa labanan na magaganap, samantala ang mga opisyal naman na nasa loob ng opisina ay kasalukuyan na minomonitor ang kasalukuyang nagaganap na laban sa labas ng akademya.

Sa kasalukuyan ay nakikita nila ang kasalukuyan na nagaganap sa labas ng akademya, sa pamamagitan ng panonood nila sa telebisyon na naka-konekta sa mga CCTV camera na nasa labas ng akademwa. At kahit na medyo malabo ang kuha ng CCTV sa labas ng akademya ay malinaw naman nilang nabatid ang sitwasyon ng tatlong indibidwal na nauna doon.

Kaya naman mas kailangan nang makarating ng susunod na grupo para maging backup nila Rev, Elena at Sebastian, dahil kapag nakarating na ang grupo nila Yoki ay natitiyak nila na magiging malaking labanan ang magaganap sa pagitan ng dalawang panig.

Samantala sila Rev, Sebastian at Elena ay kasalukuyan na makikitang hingal na hingal habang ang kani-kanilang enerhiya ay unti-unti nang humihina, si Elena at Sebastian ay huminto sa kanilang ginagawa dahil sa panghihina.

Sapagkat kani-kanina lamang ay kanilang sinalo ang mga malayuang atake ng mga kalaban, at ang mga atake ng mga ito ay tumama sa kanilang ginawang barikada ng enerhiya na walang kahirap-hirap na winasak ng mga kalaban.

Hindi makapaniwala sila Elena na mararanasan nila na sumalo ng ganun kalalakas na mga atake, sa kanilang palagay nga ay nagpipigil lamang ang mga ito dahil ang mga atake ng mga ito ay bigla na lamang naglalaho kapag ang atake ng mga ito ay malapit ng tumama sa kanilang pang huling barikada.

Para bang pinaglalaruan lamang sila ng mga ito at kanilang natitiyak na kapag ang mga ito ay nag-seryoso ay tiyak na mapapahamak sila, at kapang nangyari ay ay tiyak na mapapahamak din si Rev dahil ang ganito kadaming kalaban ay hindi kakayanin ng isang tao kahit na ikaw pa mismo ang pinaka-malakas na tao sa buong mundo….

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon