Chapter LXXV: The Battle Between The Participants
---
ANG loob ng Stadium ay napuno nang ingay ng sunod sunod na malalakas na pagsabog, ang mga manonood ay makikitang gulat na gulat sa kanilang sasaksihan.
Dahil kasalukuyan na walang humpay na inaatake nang bata na nagmula sa Special Class ang isa sa miyembro ng Elite Class, at ang miyembro ng Elite Class na ito ay si Quinn na kilala sa taglay nito kakayan na gumamit Mirror Magic.
Sila Ariana, Rev at Yoki ay makikita na hindi makapaniwala sa atake na pinakakawalan ng batang si Jay-ar, ang bawat mga pag-atake na pinakakawalan nito ay napakabilis at halos linya na lamang ng taglay nitong enerhiya ang makikita sa loob ng istadyum.
Ang bilis ng mga pag-atake nito ay maihahalintulad sa normal na bilis ng isang Aura Skin User, hindi inakala ng tatlong ito na makakakita sila ng isang bata na mayroong kakayahan na makakilos ng mabilis. Si Yoki ay napapangiti na lamang sa kaniyang kina-uupuan habang pinag-mamasdan ang kasalukuyang nagaganap sa loob ng stadium.
Kasalukuyan na makikita ang sunod sunod na pag-atake ni Jay-ar sa kaniyang kalaban na si Quinn, samantala si Quinn naman ay kasalukuyan na makikita na napapalibutan ng kaniyang mga salamin. Ang mga salamin na kaniyang pinalabas kanina.
Hindi siya makapaniwala sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon, ang mga pag-atake ng kaniyang kalaban ay napaka-bilis at napakalakas. At ang ganito kalakas na mga pag-atake ay hindi kakayanin na gawan ng repleka ng kaniyang mga salamin.
Sa kasalukuyan niyang sitwasyon ay hindi magtatagal ay mawawasak ng kaniyang kalaban ang kaniyang mga ginawang barrier, ang kaniyang mga pinalabas na mga salamin ay hindi sapat para salagin ang bawat atake ng kaniyang kalaban.
Nang unang umatake sa kaniya ang kaniyang kalaban ay naramdaman niya ang malakas na enerhiya na nagmumula sa matalim na enerhiya na iaatake nito sa kaniya kanina, at ang tanging naging reaksyon niya lamang kanina para salagin ang atake na iyun ng kaniyang kalaban ay palabasin ang isa sa kaniyang mga salamin ng enerhiya.
At nagulat siya nung sandaling tamaan ng batang iyun ang salamin na kaniyang pinalabas ay halos wala man lamang na lumabas mula sa kaniyang inilabas na salamin, hindi nagawang makapaglabas ng kaniyang salamin ng perpektong repleka ng kaniyang kalaban dahil masyado itong mabilis. At sa kasalukuyan ay nasa gitna lamang siya ng kaniyang ginawang mga barrier, at pinag-hahandaan ang kaniyang mga susunod na gagawin.
Habang sa labas ng kaniyang ginawang barrier ay isa-isang winawasak ng kaniyang kalaban ang kaniyang mga salamin ng walang kahirap-hirap.
Samantala ang ibang kalahok naman na nasa loob ng istadyum ay nagsimula na ring kumilos, dahil ang labanan na nagaganap ngayon ay hindi labanan sa pagitan ng isa sa isa. Kundi ang labanan na nagaganap ay laban ng lahat sa isat-isa, ang laban na ito ay isang labanan na ang tanging matitira sa bandang huli ay nag-iisa lamang.
Samantala si Shawn ay kasalukuyang nakatayo sa gitna ng battle stadium habang ito ay kasalukuyang pinanonood ang kaniyang mga kasama na nagsimula nang kumilos at sumugod sa kanilang mga kalaban, sa kasalukuyan ay nakikita niya si Akari na umatake kay Elton habang si Markus naman ay umatake na kay Jerren at ito nga ay kaagad na naunang umatake gamit ang isang malawakang pag-atake, namangha nga siya ng kaniyang makita na walang kahirap hirap para dito ang pagpapalabas ng ganun kalakas na enerhiya.
Masasabi niya sa kasalukuyang antas ng lakas na mayroon ngayon si Markus, ay sa kaniyang palagay ay nasa pinaka-magandang estado ito ngayon para lumaban. Dahil sa kanilang lahat ay ito ang pang-apat na pinaka-malakas na miyembro sa kanilang grupo.
Samantala ang buong paligid naman ay mabilis na nababalutan ng puting usok, si Shawn ay kaagad napansin na may kakaiba sa usok na mabilis na kumakalat ngayon. Sapagkat pamilyar siya sa usok na ito dahil ang usok na ito ay ang usok na nagmumula sa kanilang pinuno na si Caleb, at sa kaniyang pagkaka-alam ay kapag nakalanghap ang kahit na sino kahit kaunting usok lamang na ito ay kaagad na mahuhulog sa isang ilusyon.
At kapag nahulog sa isang ilusyon ang target nito ay tiyak na matatalo na ito, dahil sa pagkakalat ni Caleb ng kaniyang puting usok ay kaagad na binalutan ni Shawn ang kaniyang sarili ng kaniyang aura. Samantala nang makita naman ng isa sa mga kalaban ang aura na inilabas ni Shawn ay naalerto ito, dahil ang kaniyang nakita na aura na inilabas ng batang si Shawn ay Aura ng isang Aura Skin User.
At ang isa sa mga kalaban na nakakita nito ay si Dylan na kasalukuyan ay nasa harapan ng batang si Shawn na kasalukuyan ay nakatayo lamang at tila pinanonood ang mga kasama nito na sumugod na sa kaniyang mga kasama.
Si Dylan ay hindi makapaniwala na ang batang ito ay mayroong kakayahan na gumamit ng aura skin, sa kaniyang pagkaka-alam ang batang ito mismo ay isang sampung taong gulang pa lamang. At wala pa itong kalahating taon sa loob ng akademya subalit nagawa na kaagad nitong mapabilang sa Special Class ilang oras lamang noong dumating ito sa akademya.
At mukhang alam na ngayon ni Dylan kung anong dahilan kung paano iyun nangyari, at dahil iyun sa tinatagong kakayahan ng batang ito. Si Dylan ay hindi na nagdalawang isip pa at kaagad na inilabas ang kaniyang presensya, kaya naman napatingin sa kaniyang direksyon ang batang si Shawn. Subalit nagulat si Dylan sapagkat nang sandaling tumingin ito sa kaniya ay hindi ang mata ng isang inosenteng bata ang kaniyang nakita.
Kundi ang mata ng isang uri ng nilalang na hindi niya inasahan na makikita niya mismo sa mata ng isang sampung taong gulang na bata, samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nakatingin sa isa sa mga kalaban. Sa kaniyang palagay ay siya ang puntirya ng isang ito, subalit sa kabila ng paglalabas nito ng mataas na uri ng enerhiya ay nagtataka siya dahil hindi man lamang siya nakaramdam ng kaba.
Hindi katulad kanina nang malaman niya na isa sa kaniyang makakalaban ang kaniyang kuya na si Edrian, ang kaniyang pakiramdam sa kasalukuyan ay kalmado lamang. At kahit na mayroong nakatayo ngayon sa kaniyang harapan na kalaban ay hindi siya nakakaramdam ng kahit na kaunting kaba.
Bagkus nga ay may kung ano mula sa loob niya ang mas nagbibigay sa kaniya ng rason para mas lalong kumalma, mukhang ang misteryosong nilalang na nasa kaloob-looban ng kaniyang katawan ay tinatanggap ang kaniyang paki-usap at iyun ay ang maka-usap ng harapan ang nilalang na nagbigay sa kaniya ng kapangyarihan.
Nararamdaman niya sa kaniyang buong katawan ang malakas na enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan, at ang nararamdaman niyang enerhiya na ito ay mismong nagmumula sa loob mismo ng kaniyang katawan. Ang parte ng kaniyang kalooban na halos madilim ang lahat, subalit kahit na madilim sa parte na iyun ng kaniyang kalooban ay mayroong naramdaman si Shawn sa loob nito. At ang kaniyang naramdaman mismo ay mayroong nilalang ang maingat siyang pinagmamasdan ng mga sandaling iyun.
Kahit hindi niya ito nakikita ay nararamdaman niya na naroroon lamang ito at pinanonood ang kaniyang bawat gagawin, tila ba hinahantay talaga siya nito at sa kaniyang palagay ay mayroon muna siyang gawin upang maka-usap niya ng harap-harapan ang nilalang na ito.
Samantala mula naman sa kinaroroonan ng mga malalakas na pagsabog kanina, ay kasalukuyang makikita si Jay-ar na nakatayo habang bumabawi ng paghinga dahil sa walang humpay na pag-atake nito kanina. Sa kasalukuyan ay makikita ang malaking pinsala na ginawa ni Jay-ar sa mga salamin na pinalabas ng kalaban nito na si Quinn.
Si Quinn ay makikita na halos walang tinamong sugat, subalit makikita sa kaniyang mukha ang pagka-inis dahil sa kaniyang kasalukuyang sitwasyon. Hindi niya kasi inasahan na magagawang mawasak ng ganun ganun na lamang ang kaniyang mga salamin, hindi niya inasahan na isa palang Lightning user ang tatalo sa kaniyang pinagmamalaking Mirror Magic na noon ay isa lamang Light Magic na ang tanging kakayahan lamang sa isang laban ay ang maging supporta lamang.
Hindi niya inasahan na ang kaniyang pinaghirapang pamamaraan ng Mirror Magic ay basta basta lamang masisira ng isang sampung taong gulang na bata, na wala pang sapat na karanasan na makipaglaban sa mga totoong kalaban at iyun ay ang pwersa ng kadiliman ang mga diyablo na naghahasik parin ng lagim hanggang ngayon sa buong mundo….
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...