Chapter XIV

188 34 3
                                    

Chapter XIV: The Day Has Come

---

LUMIPAS ang ilang araw ay umugong ang naganap na munting labanan sa pagitan ng apat na mga bata. Ang mga guro ng Toril Elementary School at Magica Academy ay nagkaroon ng magandang pag-uusap para sa madaliang pag-lipat ng limang estudyante.

Kasama na sa limang ito, si Jay-ar na nagawang pabagsakin ni Shawn sa pamamagitan lamang ng isang atake. Kumalat naman ang balita sa lahat ng mag-aaral ng Toril Elementary school ang tungkol sa limang mga mapapalad na mapa-bilang sa mga magiging taga pagligtas ng sang-katauhan.

Sila Akari at Lucy ay madalas kinaki-usap ng mga kapwa nilang kamag-aral, si Akari ay puno parin ng pag-mamalaki sa kaniyang sarili habang nakikipag-kwentuhan sa kaniyang mga ka-klase. Habang si Lucy naman ay nakakaramdam ng pagka-hiya dahil ngayon ay harap harapan siyang kinaki-usap ng mga dating hindi naman siya kinaka-usap noon.

Samantala sa loob naman ng klase kung saan naroroon sila Jay-ar, Grey at Shawn ay makikita ang kumpulan ng mga kaklaseng babae at lalake kila Shawn at Grey. Samantala sa isang gilid naman ay naroroon si Jay-ar na pikon na pikon habang naka-titig sa mga nagkukumpulang mga ka-klase niya kila Shawn at Grey.

Alam niya ang dahilan kung bakit walang lumalapit sa kaniya. dahil takot ang mga ito sa kaniya. alam niya na ito ang mangyayari. Dahil siya ang pinaka-kilalang bully sa Toril Elementary at dahil sa ngayon ay nagkaroon siya ng kapangyarihan ay mas lalo siyang lalayuan ng mga ito.

Nakaramdam ng pagka-inis sa sarili si jay-ar at nai-kuyom na lamang ang kamao sa giling ng silid, nag-iisa, walang kaibigan.

Samantala si Shawn naman ay medyo na-iinis sa mga kaklase niyang mga nangungulit sa kaniya. hindi siya kumikibo sa mga ito at tanging ang katabi lamang nito na si Grey ang nakikipag-usap sa mga ito. Kaya naman kesa pansinin ang mga ito ay inalala niya ang mga sinabi ng mga guro ng magica academy.

Nais na ng mga ito na mapabilang siya sa eskwelahan na iyun sa lalong madaling panahon. Magandang opurtunidad iyun para sa kaniya. dahil nakuha na niya kaagad ang atensyon ng mga guro ng magica Academy. At upang maging magandang imahe para sa kaniyang kuya Edrian.

Lumipas ang ilang araw ay ipinatawag silang lima sa labas ng paaralan ng Toril Elementary School. Makikita ang kalituhan ng limang bata habang ang mga guro ng Toril Elementary School ay naglalakad kasama ang tatlong indibidwal na pamilyar sa kanila.

Dahil ang mga ito ay sila Sebastian, Edrian at Elena. Makikita na nakikipag-usap ang mga sa Principal ng Toril Elementary School. Sa palagay ng lima ang pinag-uusapan ng mga ito ay patungkol sa kanilang pagpasok sa Magica Academy.

Nang makalapit ang mga ito sa kanila ay makikita naman na nakangiti sa kanila si Elena, napansin ni Shawn kung kanino dapat ang ngiti na iyun. Tiningnan niya si Grey na tumugon sa ngiti ng kaniyang master.

Nakaramdam ng kaunting tuwa si Shawn para kila Grey at Elena dahil sa maiksing panahon ay naging malapit ang mga ito sa isat-isa. At turingan ng guro at ng estudyante. Dahil sa kaniyang guro na si Edrian ay nagkaroon siya ng mga kaalaman patungkol sa mga tamang pag-kontrol ng kaniyang enerhiya.

Mabilis niya itong natutunan dahil sa maayos na pagtuturo nito. Alam na niya na ang mga susunod na kaganapan sa kaniyang buhay ay mas lalong mag-iiba dahil sa pag-pasok niya sa Academia kung saan naroon ang mga batang katulad niya ay nalalapit na ang kaniyang itinaghana na misyon at ito ay puksain ang mga diyablo.

"Mga Bata!, kamusta kayo?" tanong sa kanila ng kanilang principal na ngayon ay makikitahan ng ngiti sa labi. Ang limang bata ay makikitaan ng pag-galang dito. Medyo nagtaka naman ang principal ng Mapansin niya na ginalang siya ng isa sa limang bata.

Ito ang kauna-unahang beses niya na maranasang igalang ng batang ito. Sa lumipas na tatlong taon nito sa elementarya ang batang ito ay laman lagi guidance office, dahil nasangkot ito muli sa gulo. O hindi kaya ay mayroong nag-sumbong na estudyante na kaniyang binubully.

Mukhang sa pag-alis ng batang ito sa kaniyang paaralan na pina-mumunuan ay may isang estudyante ang nagpapakita ng pagbabago. May natutunan itong bagay na nagturo rito na hindi siya maaaring manatili bilang isang suwail at hanap ng gulo.

Lumipas ang ilang minuto ay naipa-liwanag nan g mga guro ang dahilan kung bakit sila ipinatawag sa labas ng paaralan ng Toril. Dahil ngayong araw ay papasok na sila sa Paaralan kung saan sila nararapat. Ito ay ang pagpasok nila sa Magica Academy.

Ang lima ay nanabik sa kanilang nalaman. Si Akari ay nasasabik nang makasama sa paaralang iyun ang kaniyang kapatid. Samantala sila Lucy at Jay-ar naman ay pareho ng ini-isip. Ito na ang pagkakataon nila para lumakas.

Si Jay-ar naman ay may gusting patunayan sa loob ng academy, gusto niyang patunayan na mayroon siyang ibubuga. Na kaya niyang makipag-sabayan sa dalawang tao na gusto niyang matalo. Magpapa-lakas siya sa paaralang ito.

Lumipas ang tatlong oras ang limang bata ay nakasakay sa isang itim na van, kasama nila sa loob ang tatlong nag-mula sa magica academy. Si Sebastian ang nagmamaneho. At si Edrian ang nasa tabi nito. Samantala kasama ng limang bata si Elena sa passenger seat. Katabi nito si Grey na ngayon ay tuwang tuwa na nakikipag-kwentuhan sa kaniyang guro.

Samantala sila Akari naman ay nanatiling tahimik sa isang gilid habang nakatingin sa labas, at pinanonood ang mga nadadaanang gusali. Samantala si Lucy naman ay kasalukuyang natutulog habang sa tabi niya ay naroroon si Shawn na nakatingin naman sa bintana at pinanonood rin ang mga gusaling dinaraan nila.

Habang ang kanilang sinasakyang sasakyan ay umaandar ay biglang may kasalubong na malaking sasakyan ang biglaang na lamang umagaw ng linya na kanilang dinadaanan. Kaagad itong naiwasan ni Sebastian dahilan upang ang mga nakasakay sa sasakyan ay magkadikit dikit.

Ang natutulog nga na si lucy ay hindi sinasadyang mapasandal sa balikat ni Shawn. Kaagad nagising si Lucy dahil sa lakas ng pagkaka-tama ng kaniyang ulo sa balikat ni Shawn. Iminulat ni Lucy ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang bata na makikitang nakatingin sa kaniya, habang siya ay nakasandal sa balikat nito.

Kaagad na inialis ni Lucy ang kaniyang ulo sa balikat nito, at bahagyang pinamulahan sa mga nangyari. Hindi daw niya iyun sinasadya, samantala nakita naman iyun ni Shawn kaya naman bahagya itong napangiti dahil sa reaksyon ni Lucy.

Ang Cute daw nito, habang pinag-mamasdan niya ito ay napansin naman niya ang nagaganap sa labas. Nakakita siya ng maitim na usok sa isang gusali. Nagtaka naman siya dahil sa nagaganap sa labas. Lumingon siya sa kaniyang kuya na si Edrian at nakatingin pala ito sa kaniya ng seryoso.

Alam niya na kaagad ang iniisip nito. Kaagad na pinahinto ni Edrian ang sasakyan at bumaba silang dalawa ni Shawn. Nagtaka naman ang apat na bata sa aksyon nila Edrian at Shawn. Si Elena naman ay napahawak nalang sa sintido niya at nagsalita.

"Kahit kailan!, ang hilig niya makialam" sabi ni Elena at makikita ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi. Habang ang dalawa naman ay kaagad lumipad patungo kung saan nakita ng mga ito ang itim na usok na nagmumula sa nasusunog na gusali.

"Sebastian!, Ihatid mo na ang mga bata! Kaming apat ang bahala sa mga diablong nang-gugulo" sabi nito kaya naman nagtaka ang tatlong bata sa sinabi nito. Silang apat. Ibig sabihin ay kasama ang dalawa sa kanila.

Si Jay-ar naman ay hindi na napigilan ang kaniyang sarili at nag-salita.

"Sasama ako!" matapang sa sabi nito habang nakatingin kay elena na ngayon ay nakatingin sa kaniya ng masama. Ang dalawang batang babae naman ay agad bumaba ng sasakyan at walang ano-ano'y lumipad ang mga ito pa-alis.

Nagulat naman si Sebastian dahil sa pag-alis ng mga ito, si Elena naman ay napatawa nalang dahil sa agad na pag-sunod ng dalawang babae sa kaniyang kapatid sa sa estudyante nito.

"Oh!, paano bay an. Hintayin mo nalang kami ah. HaHa" natatawang sabi nito at kaagad na lumipad at kasunod nito si Grey na makikita na nakangiti at handang handa ng lumaban sa diyablo. Habang si jay-ar naman ay nasa likod nito na nababalutan nan g dilaw na aura at mas-mabilis na lumipad sa pamamagitan ng kaniyang elemento ng kidlat....

: To Be Continued :

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon