Chapter L

118 27 0
                                    

Chapter L: The Start Of Sports Festival

---

LUMIPAS ang dalawang lingo mula ng maganap ang labanan sa pagitan nila Shawn at Lucy, ay marami ang nagbago sa loob ng Special Class. Sila Markus, Jarvis, Grey, Jay-ar at Akari ay sama-sama na nagsasanay sa ilalim ng pagtuturo ni Caleb sa mga ito.

Habang sila Lucy At Shawn naman ay dumaan sa ilalim ng pagsasanay ni Yoki, hindi nga makapaniwala ang mga kaklase nila na si yoki na mismo ang magsasanay sa dalawang iyun, si Yoki naman ay napilitan lamang na sanayin ang dalawang bata dahil sa pagtatalo ng dalawang Z rankers.

Naiinis siya sa mga ito dahil palagi itong nasa kaniyang opisina para lamang mag-bangayan, kaya naman siya na mismo ang umaksyon at inako ang responsibilidad sa dalawang bata na ito. Sa kaniyang palagay ay masyado pang maaga para maging personal na estudyante ang mga batang ito ng mga tanyag na Z rankers.

Malayo pa ang agwat ng mga ito, at natitiyak niya na hindi magiging maganda ang tingin ng lahat sa dalawang bata kapag nangyari iyun. Lalong lalo na ang pag-pupumilit ni Ariana na personal na maging estudyante ang batang si Lucy.

Alam niya na nakuha ni Lucy ang atensyon ni Ariana dahil sa ipinakita nitong lakas sa pakikipag-laban, at sa isang kagaya ni Ariana ay hindi basta basta ang kaniyang hinihiling kay Rev. Samantala ang naganap na laban nila Shawn at lucy ay nakarating na sa magkapatid na washinton. Hindi nga makapaniwala ang mga ito na magiging ganito katindi ang naganap na laban sa pagitan ng dalawang ito.

Samantala ang mga nakakataas nga ay naghahanda na sa nalalapit na Sport's Festival, ang Sport's Festival ay kanilang napag-pasyahan na ganapin ito ng isang buong buwan. Ang lahat naman ay naghanay na ng mga sunod sunod na aktibidad sa buwan ng Nobyembre.

Sa lumipas na dalawang lingo ang lahat ng estudyante ay nagpalakas ng husto, at ang iba pa sa kanila ay nakaranas ng mahihirap na pagsasanay mula sa kani-kanilang mga guro. Samantala sa kasalukuyan ay nagtitipon tipon ngayon ang mga estudyante sa Gymnasium ng Academy.

Ang Gymnasium nga ay halos mapuno na dahil sa dami ng mga estudyante na naroroon, ang dahilan kung bakit narororoon ang mga ito ay dahil sa mahalagang anunsyo na sasabihin ng mga naka-assign bilang Proctor ng magaganap na Event.

Habang nag-aabang nga ang libo-libong estudyante ay lumabas mula sa entablado si Sebastian na kasalukuyang mayroong hawak na mikropono. Makikita sa labi nito ang isang malawak na ngiti at base sa ekspresyon nito ay mayroon itong magandang ibabalita sa mga estudyante ng Magica Academy.

Samantala sa likuran ni Sebastian ay sumusunod ang isang kilalang indibidwal sa lahat ng mga naroroon, at ito ay walang iba kundi si Yoki ang Principal ng Magica Academy at Ang guro ng mga pinaka-malalakas na estudyante ng Magica Academy.

Kagaya ni Sebastian ay makikitaan din ito ng malawak na ngiti, subalit kung ang ngiti ni Sebastian ay mababatid kaagad ng karamihan bilang magandang balita. Ang tingin naman ng mga ito sa ngiti ni Yoki ay kabaligtaran.

Dahil hindi nila nakikita na ngumi-ngiti ito ng bukal sa loob, at tanging ang kaya nitong ipakitang ngiti ay ang ngiti ng isang indibidwal na may masamang binabalak. Sa madaling salita ay masama ang pakiramdam ng mga ito sa tuwing makikita ng nakangiti si Yoki.

Samantala sila Shawn at ang kaniyang mga kaibigan ay kapwa nasa loob ng gymnasium at sila ay kasalukuyang nasa harapan ng lahat, hindi man nila gusting humarap sa lahat ng naroroon subalit kailangan dahil sila ang ipapakilala nila Sebastian at Yoki sa lahat ng naroroon.

Hindi niya alam kung bakit kailangan pa nilang tumayo sa harapan ng lahat ng estudyante ng Magica Academy, samantala ang mga miyembro naman ng Special Class ay kapwa nakatayo din sa harapan ng mga naroroon. Ang mga ito ay naka-pwesto sa ibaba ng entablado kung saan naroroon ang kanilang Guro na si Yoki at ang Guro na si Sebastian, at ang mga 1st year na kabilang sa kanilang grupo.

Naipaliwanag na sa kanila ng kanilang Class President ang iaanunsyo ng kanilang guro, at ito ay patungkol sa pag-uumpisa ngayong araw ng Sport's Festival at ang Sport's Festival na ito ay iba sa mga naunang pagdiriwang ng akademya. Dahil sa taong ito ay gaganapin ang Sport's Festival ng isang Buong Buwan.

Sa Loob ng Isang buwan ay marami ang event na magaganap, at isa na doon ang labanan ng mga estudyante at ang pinaka-layunin ng mga ito ay ang maging bagong kampion sa taong ito. Napatingin nga ang bawat miyembro ng Special Class ng dumating na ang kinikilalang kampion ng nakaraang taon at ito ay si Tetsuya.

Ang nakatatandang kapatid ni Akari na ngayon ay naglalakad papunta sa harapan ng lahat ng mga estudyante na naroroon. Ang mga nakakita nga kay Tetsuya ay kaagad na naglabas ng kani-kanilang presensya. Ang mga ito ay ang mga indibidwal na pinabagsak ni Tetsuya noong nakaraang taon.

Ang mga ito ay nakakaramdam padin ng pagka-inis sa binatang ito, hindi parin nila matanggap na nagawa silang matalo ng isang bata na nasa edad na tatlungpu pa lamang. Samantala sila Yoki at Sebastian ay kaagad na ipinakilala ang kasalukuyang kampion ng Sport's Festival at ito ay si Tetsuya Nishimiya.

Samantala si Akari ay napayuko ng tingin ng kaniyang marinig ang pangalan ng kaniyang kapatid, hanggang ngayon ay hindi parin niya magawang tumingin dito. Wala siyang lakas ng loob para harapin ito. Mas nanaisin niya na may maipakitang kahanga-hanga rito para sa muling pagkakataon ay magawa niyang tumingin dito ng diretsyo.

Samantala si Tetsuya naman ay napalingon sa kinaroroonan ng grupo nila Shawn at mula nga sa grupong iyun ay napansin niya ang kaniyang nakababatang kapatid na nakayuko lamang. Sa kaniyang palagay ay nakakaramdam padin ito ng pagkahiya sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit siya naging ganun sa harap ng kaniyang kapatid nung araw na paparating ang mga ito sa akademya, ang kaniyang paraan ng pagtingin dito ay ang tingin ng puno ng pangungutya. At mukhang dahil sa ginawa niyang iyun ay nagkaroon ng pag-aalinlangan ngayon ang kaniyang kapatid.

Subalit nitong mga nakaraan ay natutuwa siya dahil sa pag-iimprove nito, at noong malaman niya na nagawa nitong pabagsakin ng walang kahirap hirap ang kamag-aral nito noong miyembro pa lamang ito ng Class 1 A.

At isa pa ay naging miyembro na din ito ng Special Class, na lalo niyang ikinatuwa para dito. Subalit sa kaniyang nakikita ngayon sa kaniyang kapatid ay naroroon padin ang ekpresyon na iyun ng kaniyang kapatid. Malungkot ito iyun ang kaniyang tanging alam sa ngayon.

Ang loob nga ng Gymnasium ay nag-ingay ng magsimula ng ianunsyo nila Yoki at Sebastian ang pagsisimula ng Sport's Festival ngayong taon. Ang mga estudyante nga ay makikitang tuwang tuwa habang ang iba naman ay makikitang seryoso sa kanilang kinatatayuan. At kapwa ang ilan sa mga ito ay nakatuon ang tingin sa kinaroroonan ng mga bata na nakatayo sa gitna ng entablado.

Nang mabatid naman ni Yoki ang mga tingin ng ibang estudyante na naroroon sa grupo nila shawn ay makikita itong ngumiti at humarap sa kinaroroonan nila Shawn. Ang lahat nga ng estudyante ay nagulat ng bigla na lamang utusan ni Yoki ang buong Special Class na maglabas ng kani-kanilang tinataglay na Aura.

Ang lahat ay nagkaroon ng samut-saring reaksyon ang ilan ay namangha at ang ilan ay nakaramdam ng matinding takot dahil ang lahat ng miyembro ng Special Class ay kapwa naglalabas ng napakalakas na enerhiya. At maging sila Sebastian at Tetsuya ay nakaramdam din ng pagkabahala.

Dahil halos lahat ng miyembro ng Special Class ay nagtataglay ng ranggong B hanggang A, at ang dalawang amy ranggong C ay nalalapit ng makatapak sa susunod na ranggo. Samantala si Sebastian ay kaagad na nakabawi sa kaniyang pagkagulat.

Hindi niya akalain na ito ang binabalak na pag-sisimula ni Yoki ng Sport's Festival ngayong taon at ginawa niya ang paninidak sa mga mag-aaral ng Magica Academy sa pamamagitang ng pagpapalabas ng napakabigat na aura ng kaniyang mga estudyante na nagmula sa iisang Section ang Special Class na kinabibilangan ng batang nagtataglay ng pambihirang Asul na Apoy....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon