Chapter LXI: 1st Day Ended
---
ANG kasalukuyang sitwasyon sa loob ng istadyum ay mas lalo pang tumitindi, sa kasalukuyan ay makikita si Tetsuya na naghahanda ng kaniyang pag-atake. Samantala si Dellio ay nakaramdam ng takot ng makita niya ang kaniyang kalaban na nababalutan ng malakas na enerhiya.
Hindi niya inaasahan na madali lamang siyang tatalunin nito, ang lahat ng paraan ay kaniya nang ginawa laban dito subalit ang lahat ng iyun ay hindi sapat para mapabagsak ang kalaban nito. Si Dellio ay pinilit na ikilos ang kaniyang namamanghid na katawan. Kahit na masakit ang kaniyang mga tinamong sugat ay hindi na siya nagpakita pa ng natitirang kahinaan sa harapan ni Tetsuya.
Ang isang taon ng paghihirap ni Dellio ay nabalewala lamang dahil sa muli niyang pagkataon sa mga kamay ni Tetsuya, hindi man niya matanggap ang kaniyang kapalaran subalit mukhang ito na ang talagang nakatadhana sa kaniya.
Samantala nagulat naman ang lahat ng bigla na lamang napaluhod sa kaniyang kinatatayuan si Dellio, samantala ang mga kaibigan ni Dellio na mula sa kanilang seksyon ay hindi na nakapag-pigil pa at walang pag-aalinlangan na nilapitan ang kanilang kaibigan.
Subalit kahit na may mga lumapit kay Dellio ay patuloy padin sa pag-iipon ng enerhiya si Tetsuya, ang mga manonood nga ay nakaramdam ng pagkabahala dahil sa maaaring mangyari sa loob ng istadyum, samantala ang mga guro na naroroon ay inihanda ang kani-kanilang sarili kung sakali man na mayroong gawin na ipinag-babawal si Tetsuya.
Samantala si Yoki naman ay napag-pasyahan na dito na magtatapos ang laban sa pagitan nila Dellio at Tetsuya, si Yoki nga kasama ang dalawang binata ay naglakad ang mga ito patungo sa gitna kung saan ay nasa magkabilang pagitan ni Yoki sila Dellio at Tetsuya.
Si Tetsuya naman ay ngumiti na lamang at unti-unting kinansela ang kaniyang inihahandang atake, dahil sa pagharang ni Yoki sa gitna nilang dalawa ng kaniyang kalaban. Sa totoo lamang ay wala siyang pake-alam sa mga kaibigan ni Dellio at binabalak niya sana kanina na isama na ito sa kaniyang aatakihin subat mukhang nahulaan na ito kaagad ng mga guro na naroroon.
At kasunod noon ay ang pag-tayo ni Yoki sa kaniyang harapan kung saan ayy nakikita niya ang bumagsak ng katawan ng kaniyang kalaban. Kaya naman itinigil na lamang niya ang kaniyang binabalak na gawin.
Tumingin na lamang siya sa kaniyang dalawang kasamahan na sila Fablo at Rowena, ang mga ito ay makikitang mayroong mga sugat subalit hindi malala ang mga natamo ng mga ito ang mga ito ay mga simpleng sugat lamang dahil sa mga sinasalong atake ng mga ito mula sa magkapatid na Jonas at Drake.
Samantala si Yoki naman ay inanunsyo na kung sino ang nanalo sa ikatlong round, at ito ay walang iba kundi sila Rowena, Fablo at si Tetsuya. Ang tatlong estudyante na kapwa nagmula sa Class 3 A. samantala ang mga miyembro naman ng Class 3 A ay muling nagdiwang dahil nakakuha na sila ng kanilang ikalimang puntos.
Samantala ang buong Class 4 B ay makikitang nananahimik na sa isang tabi, kapwa ang mga ito ay mayroong iisang eskpresyon. Iniisip ng mga ito ang mga maaari pang maganap lalo nat wala na ang kanilang pinuno. Nagawang talunin ng Class 3 A ang lahat ng kani-kanilang ipinag-mamalaking indibidwal sa kanilang klase. Sa kasalukuyan ay mayroon pang sampung estudyante na mula Class 4 B ang hindi pa lumalaban, subalit ang mga ito ay mukhang pinanghinaan nan g loob dahil sa pagkatalo ng kanilang pinuno na si Dellio.
At nakita naman ng mga ito na balewala lamang na pinabagsak ng pinuno ng Class 3 A ang kanilang pinuno at ang dalawa na kinikilala bilang ang magkapatid na Tactician sila Jonas at Drake ay nagawang pabagsakin gamit lamang ang isang atake.
Ang lakas na taglay na mayroon ang Class 3 A sa kasalukuyan ay hindi masukat ng sampung natitira sa Class 4 B, mas iniisip na lamang nila sa ngayon ang maaaring mangyari kung magpapatuloy pa sila at ito ay tiyak na may mga malalakas pang miyembro mula sa klaseng kiinabibilangan ni tetsuya ay mas mamabutihin na lamang ng mag ito na sumuko.
Kahit na isang malaking kahihiyan sa kanilang pangkat ang desisyon na kanilang gagawin ay mukhang ito na lamang ang natatanging solusyon. Samantala si Yoki naman ay napansin ang usap-usapan na nagaganap sa seksyon ng Class 4 B. mukhang nag-uusap usap na ito patungkol sa susunod na laban. At mukhang sa kaniyang matalas na pandinig ay kapwa iisa ang desisyon ng mga ito.
At iyun ay ang sumuko na lamang sa pagkakataon na ito, naintindihan ni Yoki ang nagiging desisyon ng mga ito at iyun ay dahil maging ang kanilang pinuno ay nagawang matalo ng ganun ganun na lamang. Dahil sa mga naririnig na iyun ni Yoki ay nagkaroon na kaagad siya ng desisyon at ito ay para na din sa iba pang mga estudyante.
Itinaas ni Yoki ang kaniyang kaliwang kamay na ikina-agaw ng pansin ng nakararami, samantala sila Caleb ay nagulat ng mapagtanto ang senyales ng sign na ginawa ng kanilang guro. At alam na nila kung ano ang senyales na iyun.
At iyun ay ang senyales ng pag-dedeklara ng opisyal na pag-suko, ang mga estudyante nga na mula sa Class 4 B ay nagulat dahil sa pag-angat ni yoki ng kaliwa nitong kamay. At nagulat sila dahil ang kaliwa nitong palad ay mayroong senyales ng pag-aanunsyo ng pag-atras ng mga mula sa Class 4 B.
Samantala ang lahat naman ng miyembro ng Class 3 A ay hindi makapaniwala sa pag-suko ng kanilang mga kalaban, subalik kaagad na napagtanto ng mga ito na hindi na sapat ang pwersa na mayroon ang mga ito, ikinatuwa iyun ng marami na nagmula sa Class 3 A, subalit mayroon din ang nainis dahil nawalan sila ng pagkakataon upang ipakita ang taglay nitong talent.
Lumipas ang ilang minuto sa loob ng arena ay makikita ang kasalukuyang pigura ng dalawang tao, ang mga ito ay walang iba kundi si Alicia, at Elton. Ang dalawa ay kanina pa nag-hihintay sa kanilang kaibigan na si Edrian.
Nagkaroon ng usapan ang mga ito patungkol sa isang mahalagang misyon na gagawin ng mga ito sa mga susunod na buwan. Ang dalawang ito ay naiinip na dahil ang tagal na mula ng ito ay mag-paalam para ihatid ang mahal nitong estudyante. At mukhang nakalimutan nito na mayroon silang mahalagang gagawin.
Samantala kasalukuyan na nasa isang malawak na lugar sa loob ng akademya sila Shawn at Edrian, sa kasalukuyan ay nagkakaroon ang mga ito ng maiksing pag-sasanay. At hindi makapaniwala si Edrian sa laki ng agwat ng inilakas ni Shawn. Hindi inasahan ni Edrian na magkakaroon kaagad ng ganito kalakas na kapangyarihan si Shawn.
Mukhang sa maiksing panahon ay makakasama na ito sa mga sekretong misyon na ibinibigay ng mga nakakataas upang mag-ligtas ng mga taong nangangailangan ng tulong laban sa mga diyablo. Nang maalala nga ni Edrian ang patungkol sa mga sekretong misyon ay naalala niya ang pinag-usapan nila Edrian at Alicia kanina, at iyun tungkol sa mga plano nilang tatlong magka-kaibigan dahil kapag lumipas ang buwan ng nobyembre ay magiging abala na muli silang tatlo, upang manghuli ng buhay ng mga pagala-galang mga diyablo sa buong paligid.
Si Edrian nga ay nagmamadali na nagpaalam kay Shawn papaalis, si Shawn nga at napatingin na nga lamang sa kaniyang kuya na si Edrian. Natutuwa siya dahil naipakita niya dito ang ilan sa mga ipinagbago niya sa larangan ng pakikipag-laban.
Naalala bigla ni Shawn ang pag-aanunsyo kanina ni Yoki bago matapos ang seremonyas ng pagtatapos ng naunang laban, at ito ay ang pagbibigay alam ng dalawang seksyon na maglalaban laban. At nakaramdam ng pagkasabik ang lahat ng miyembro ng Special Class dahil sila ang susunod na lalaban bukas. At ang kanilang makaka-laban ay ang mga Elite Student's na dating miyembro ng Special Class bago makagraduate ang mga ito sa Magica Academy....
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...