Chapter XLII

110 24 0
                                    

Chapter XLII: The Hardest Training

---

SILA Markus at Jarvis ay napatingin na lamang sa papalayo na si Shawn, ito nga ay patungo ngayon sa kinaroroonan ng isang robot. At ang robot na ito ay ang robot na nais na pabagsakin ni Shawn. Samantala si Caleb nga ay napatingin sa kinaroroonan ng batang si Shawn.

At kahit nga nagpapaliwanag siya ay hindi siya nagdalawang isip na puntahan ang controller ng Robot na balak atakehin ni Shawn. Samantala ang apat na bata naman ay nagtaka sa biglang paghinto sa pag-papaliwanag ni Caleb at bigla na lamang itong nagtungo sa pwesto kung saan nakalagay ang ibat-ibang uri ng kagamitan na hindi nila alam kung saan.

Samantala si Jay-ar ay napansin si Shawn na tumatakbo patungo sa isang malaking robot, napatingin nga si Jay-ar kay Caleb at napagtanto na iyun ang dahilan kung bakit may hinahanap ito ngayon. Samantala si Caleb ay nahanap na ang controller na kaniyang kailangan.

Kaagad niya itong pinagana at inilipat ang level nito sa angkop na lakas lamang nito laban kay Shawn, samantala sa loob naman ng Training Ground ang malaking robot ay nagsimula ng umandar, at nakakuha ito ng utos ng system at ito ay ang bumaba ang level ng taglay nitong lakas.

Samantala si Shawn nga ay sinimulan nang palabasin ang kaniyang aura, subalit ang paglalabas niya ngayon ng kaniyang aura ay ibang iba kaysa sa natural na ginagawa nila Grey. Samantala sila Markus naman ay napangisi ng makita ang paraan ng pagpalabas ni Shawn ng kaniyang aura.

Ang pamamaraan na ito ay tinatawag na Aura Skin, hindi sila makapaniwala na susubukan ni Shawn na gamitin ang technique na ito, dahil ang Aura Skin ay hindi isang simple na technique lamang. Dahil ang technique na ito ay mahirap gawin. At sa kasalukuyang kalagayan ni Shawn ay hindi pa niya ito perpektong magagawa.

Si Jarvis naman ay napatingin na nga lamang sa aura skin na bumabalot ngayon kay Shawn, sa kaniyang nakikita ang liwanag ng aura skin nito ay hindi pa kasing liwanag ng aura na katulad sa kayang ilabas ni Caleb ng una nila itong makita.

Sa kasalukuyang antas ng lakas na mayroon si Shawn ay natitiyak ni Jarvis na hindi magagamit nito magagamit ng maayos ang Aura Skin. Samantala si Shawn naman ay nakatuon ang atensyon sa robot na kaniyang lalabanan. Inihahanda niya ang kaniyang sarili. Habang siya ay naglalabas ng manipis na at kontroladong enerhiya. Ang buo nga niyang katawan ay nababalutan ng kaniyang asul na aura.

Ang kaniya ngang pagkilos ay mas bumilis ng mabalutan ng aura ang buo niyang katawan, isa ito sa mga itinuro sa kanila ni Caleb. Ang tamang paraan ng pag-gamit ng enerhiya, ang kasalukuyan niyang ginagawa ay isa lamang sa mga sinabi ni Caleb at kung tama man ang sinabi nito ay wala pa sa sampung porsyento ng lakas nito ang kaya niyang gamitin sa ngayon.

Ang isang buwan na pag-sasanay ay hindi pa rin sapat para higitan ang lakas na kasalukuyan na mayroon siya. Sa kasalukuyan ay kaya niyang gamitin ang limang porsyento nito. Habang ang dalawa niyang kasama na sila Markus at Jarvis ay tatlong porsyento pa lamang ng Aura Skin ang nagagawa ng mga ito.

At ang alam nga nilang tatlo ang kasalukuyang kayang gamitin ni Caleb ng Aura Skin ay umabot pa lamang ng labing-limang porsyento pa lamang ng Aura Skin ang kasalukuyan nitong tinataglay. Sa tagal nito ng tatlong taon nito sa akademya ay ito pa lamang ang nararating ng taglay nitong lakas.

Samantala ang Robot nga ay makikitang nagsimula ng gumalaw, ng makalapit na rito si Shawn, ang Robot nga ay mabilis na sinundan ng tingin ang bawat pagkilos ni Shawn. At nakita nga nito ang mabilis na pag-atake ni Shawn gamit ang kamao nito. Maririnig naman ang malakas na tunog na mula sa pagtama ng kamao ni Shawn sa matigas na bahagi ng robot na ito, samantala ang robot ay hindi nagpalampas ng pagkakataon at kaagad na inatake ang batang si Shawn.

Si Shawn naman ay mabilis na umatras at sa pamamagitan ng pag-tambling ng tatlong beses ay naiwasan niya ang pagsuntok ng Robot na iyun, subalit ang robot ay mabilis din at sa pamamagitan ng paghaba ng kamay nito ay humampas ito sa mismong pwesto kung saan hihinto si Shawn.

"Crack!" maririnig ang tunog na iyun sa kinaroroonan ni Shawn at ng Robot, at makikita si Shawn na nagawang iwasan ang pag-atake na iyun ng kaniyang kalaban, sa pamamagitan ng kaniyang kaniyang pagtalon pa-iitaas habang nag-tumbling ay nagawa niyang iwasan ang atake na iyun ng kalaban.

Lumapag siya sa lupa at pinagmasdan ang robot na may taas na pitong talampakan ang taas at mayroong malaking pangangatawan. Ang klase ng robot na ito ay maikukumpara sa isang aktwal na diyablo na kanilang nakakalaban. Samantala ang apat na bata na nasa likod ngayon ni Caleb ay makikitang namangha sa bilis na ipinapakita ni Shawn.

Hindi nila inakala na magiging ganun ito kabilis, sa kanilang mga mata ay hindi nila halos makita ang mga ginawang iyun ni Shawn. Tanging ang linya ng asul na aura lamang nito ang halos nakita nilang apat. Samantala si Caleb ay batid na hindi makikita ng malinaw ng mga bata na ito ang kasalukuyang galaw ni Shawn. Dahil ang kasalukuyang ginagawa ni shawn ay isa sa mga sikretong paraan kung paano maging isang malakas na mandirigma ng diyos sa hinaharap.

Hindi nga niya inaasahan na magagawa na kaagad umabot ni Shawn sa pag-gamit ng limang porsyento nito, ang limang porsyento lamang ng kaniyang itinuro na aura skin dito ay sapat na upang mapalakas ng limang beses ang kaniyang kasalukuyang lakas.

At sa kaniyang nakikita ay ginamit ni Shawn ang aura skin habang siya ay nasa normal lamang nitong itsura, hindi niya ginamit ang aura skin habang ang kaniyang elemento ay aktibo. Mukhang mas sinusunod nito ang sarili nitong pananaw sa pagsasanay.

Tama ang impormasyon na sinabi sa kaniya ni Edrian, at ito ay patungkol sa kakaibang talento na mayroon ito. Ang magawa ang mga imposibleng mga hakbang na hindi basta basta magagawa ng kahit na sino man.

Samantala sa pagitan ng laban na nagaganap kay Shawn at sa Robot. Sa ngayon ay mabilis na umiilag si Shawn sa mga pinakakawalan na atake ng kaniyang kalaban na robot. Sa pagkakataon na ito nga ay nagpapakawala ng mga maliliit na missiles ang robot. At ang mga missile na ito nga ay naglalabas ng mataas na boltahe ng kuryente at kapag nadikit lamang rito ang kahit ang hibla ng suot ng tao ay tiyak na makukuryente na ang kahit na sino na madidikit.

Kaya naman mabilis na iniiwasan ni Shawn ang mga ito dahil alam niya na ang mangyayari sa kaniya kapag siya ay nagkamali ng kaniyang pagkilos. Samantala sila Markus at Jarvis nga ay namanha dahil nagagawang tumagal ni Shawn sa bawat pag-atake ng Robot na kalaban nito.

Subalit alam nila na hindi ito magtatagal, dahil ang pagsasanay ni Shawn na gamitin ang Aura Skin ay mayroong limitasyon. At natitiyak nila na mas mahihirapan na ito na kalabanin ang robot na ito. Sa kanilang tatlo si Shawn nga ang nakagawa na maabot ang limang porsyento ng Aura Skin subalit ang kaniyang paggamit nito ay may limitasyon.

Dahil ang kaniyang paggamit ng Aura Skin ay hindi magiging aktibo kapag sinabay na niyang gamitin ang Black Mist. At sa tuwing babalakin ito ni Shawn ay nakakaramdam siya ng sobrang pagkapagod. Na nagiging dahilan ng mabilis na pagka-ubos ng enerhiya nito. Kaya naman hanggat maaari ay hindi niya maaaring gamitin ang Black Mist habang gamit niya ang Aura Skin.

Samantala sa loob naman ng Opisina ni Yoki ay makikita ang agong dating na si Rev, ang mga tao nga na naroroon ay napatingin dito. Ang mga ito nga ay masama ang tingin kay Rev habang si Rev naman ay walang pake-alam sa paraan ng pagtingin sa kaniya ng mga ito.

Samantala sa likod naman ni Rev ay makikita ang isang babae, ang babaeng ito nga ay si Ariana Prestcote ang isa sa limang Z ranker at ang nagtataglay ng kapangyarihan na makapang-gamot. Ang lahat nga ng nasa loob ay nakaramdam ng matinding pressure dahil sa pagkakataon na ito ay kasama nila sa iisang silid ang dalawang nabibilang sa limang Z rankers...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon