Chapter LXXIV

87 24 0
                                    

Chapter LXXIV: Aries Vs Quinn

----

ANG matagal na paghihintay ng lahat ng manonood ay natapos na at ang laban na kanilang inaabangan ay magsisimula na, sa loob ng stadium ay makikita ang paglitaw ng malalaking letra. Ang mga letra na ito ay katulad ng mga letra na lumitaw kanina bago mag-umpisa ang laban.

Ang mga manonood ay hindi na nagtaka ng kanilang unang mabasa ang  mga pangalan ng tumatayong pinuno ng dalawang seksyon, at dahil sa mga pangalan na lumitaw sa gitna ng dalawang seksyon ay makikita ang mas pagiging seryoso ng bawat kalahok.

Dahil karugtong na nakasulat rito ang mga patakaran sa labanan na magaganap, at ang dalawang pinaka-importanteng patakaran ay talunin ang kalaban. At isa pa ay huwag papatay, si Jerren ay makikita nga na napa-simangot dahil sa nabasa niyang iyun.

Kung ganon ay ipinagbabawal ang pumatay sa laban na ito, nauunawan niya naman ito subalit hindi niya inasahan na pinag-diinan mismo ng mga nakatataas ang patakaran na ito. Mukhang dahil iyun sa kaniyang naging aksyon kanina, hindi niya lang naman napigilan ang kaniyang sarili at nagawa niyang saktan ng malubha ang bata na kaniyang nakalaban kanina.

Subalit ang patakaran na ito ay walang karapatan na diktahan ang bawat kaniyang gagawin, ang kaniyang mga nais na gawin ang siya lamang masusunod para sa kaniya. dahil ang isa sa pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong mahihina. Kagaya nang batang iyun kanina. Ang batang iyun na kahit nagtataglay ng kahel na apoy ay hindi man lamang kayang tapatan ang kaniyang taglay na elemento.

Samantala sila Caleb at Alicia ay nauna nang kumilos, si Alicia ay mabilis na inilabas ang kaniyang taglay na aura. Mula sa kaniyang kinatatayuan ay nagkaroon ng malakas na bugso ng hangin, at maya maya pa ay bigla na lamang nakaramdam ng mainit na pakiramdam ang lahat ng mga kalahok.

Si Caleb naman ay makikitang nabalutan ng kaniyang taglay na enerhiya at ang kaniyang puting usok ay bumalot sa kaniyang katawan, makikita sa kaniyang mukha ang pagka-mangha dahil sa lakas ng presensya na inilabas ng kaniyang kalaban. At hindi siya makapaniwala na sa pamamagitan lamang ng paglalabas ng aura nito ay magagawa na kaagad nito na mapainit ang buong paligid.

Inaamin ni Caleb na nakakaramdam siya ng takot ngayon na kaharap niya ang babaeng ito, pero hindi siya dapat magpadaig dito. At ipakita kung ano ang mayroon siya, si Caleb ay napalingon sa kaniyang likod at nakikita niya si Shawn na kasalukuyan ay nakatayo at nakatingin lamang sa paanan nito na tila ba mayroong iniisip.

Hindi alam ni Caleb kuung ano ang iniisip nito, pero ayun sa sinabi nito sa kaniya kanina bago sila bamalik dito ay mayroong binabalak ang batang ito. At sa kaniyang palagay ay babawi ito ngayon dahil hindi naging maganda ang laban na kaniyang ipinakita kanina. Babawi ito sa pagkakataon na ito at ipapakita sa lahat ang resulta ng kaniyang pagsasanay.

Samantala si Edrian ay napatingin sa kaibigan nitong si Alicia, hindi siya makapaniwala na sisimulan ni Alicia sa ganito ang laban na ito. Nararamdaman niya mula rito ang mainit na wind pressure na nilikha sarili nitong aura, at sa kaniyang bawat nasaksihan ay halos lahat ng nakakaharap nito ay nagagawa niyang mapabagsak kalaban sa pamamagitan lamang ng aura nito.

Subalit sa kaniyang kasalukuyang nakikita ay mukhang iba sa pagkakataon na ito ang resulta nang ilabas ni Alicia ang kaniyang aura, dahil sa pagkakataon na ito ay makikita ang pinuno ng Special Class na matatag na nakatayo habang ang anim na kasama nito ay makikita sa kaniyang likuran at mapapansin ang pormasyon na ginawa ng mga ito.

Napangiti si Edrian nang makita niya ang kanilang mga kalaban ay mayroong koordinasyon sa isat-isa at ang koordinasyon na mayroon ang mga ito, ang mismong wala sa kanilang grupo dahil ang kanilang grupo ay nahahati sa dalawa. At ito ay silang tatlong magkakaibigan laban sa apat pa nilang miyembro na ang tingin din sa kanila ay malaking banta.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon