Chapter CIV

70 18 0
                                    

Chapter CIV: The Demon Generals

---

SA kasalukuyan ay makikita si Shawn na nagsisimula ng gawin ang kaniyang binabalak, kaniyang sinisiguro na kaniyang magagawa ng maayos ang kaniyang inihandang plano. At magiging maayos ang kaniyang plano dahil kasama niya sa planong ito si Lucy, kaniya itong kinausap sa pamamagitan ng kanilang Telephatic Ability.

Sa kanilang magkakaibigan ay sila lamang dalawa ni Lucy ang alam niya na kayang gawin ang paraan na ito, isa lamang ito sa mga itinuro sa kanila ni Yoki at napakalaki ng tulong nito sa kanilang dalawa. Sapagkat nagagawa nilang mag-usap kahit na hindi sila nagsasalita.

Samantala si Lucy naman ay sinimulan na ang kaniyang parte sa planong ito, hindi nga siya makapaniwala na maiisip ito ni Shawn. Ang kaniya lamang kailangan na gawin ay libangin ang kalaban, habang siya ay papakawalan ang lahat ng kanilang kasama sa ilusyon na ito.

Hindi niya inasahan na ganito ito mag-isip sa ganitong sitwasyon, makakaisip ito ng mga kakaibang solusyon na magagawa nitong solusyonan. Kaya naman inihanda na niya ang kaniyang sarili at balak niyang samantalahin ang pagkabalisa nito, dahil sa mga paparating kaniyang naramdaman ang presensya ng mga ito kanina.

At mula ng kaniyang maramdaman ang presensya ng mga ito ay nagsimula ng mabalisa ang kalaban, mukhang kilala nito ang mga paparating at kung kilala ito ng kalaban ay natitiyak niya na ang mga ito ay kapwa nito Diyablo. At kung tama an gang kaniyang hinala ay tiyak na malaking problema ito.

Subalit sa kabila ng posibilidad na biglaang maki-alam ang mga ito, ay nagawa pa din na mag-isip ni Shawn ng paraan para mapakawalan ang kanilang mga kasama. Kaya naman hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ito, dahil ito na lamang ang kaniyang magagawa para kapag natapos ang laban na ito ay tanggapin parin siya ng mga ito.

Bilang ang kanilang kaibigan na si Lucy, ang Lucy na kilala nila bilang isang tao at hindi bilang isang Demonyo. Samantala si Dyrott naman ay kasalukuyan na nababalisa dahil kaniyang nararamdaman na unti-unting sinisira ng apat ang kaniyang ginawang barrier, at kapag tuluyan na nawasak ang kaniyang barrier ay mahihirapan na siyang gawin ito muli.

Dahil ang barrier na ito ay isang mahirap na technique na kaniyang pinangalagaan ng mahabang panahon, at hindi niya nais na masira lamang ito ng basta basta ng mga ito. Kaya naman nag-isip na lamang siya ng maaaring solusyon, at ito ay ikansela na ang kaniyang ginawang barrier.

Sa ganuong paraan ay hindi mawawasak ng tuluyan ang kaniyang barrier, maaari itong kusang maghilom at magamit sa susunod. Samantala sa labas naman ng barrier ay makikita ang apat na diyablo na kasalukuyan na nakatayo, habang kanilang ipinipilit na pumasok sa loob ng barrier.

Ang apat nga ay kapwa napikon na dahil sa tibay ng harang na ito, kung hindi lamang mahalaga ang barrier na ito kay Dyrott ay kanina pa sana ito winasak ng apat na ito. Subalit ayon sa kanilang batas ay hindi nila kailangan na maglaban-laban, dahil sila ang mga tumatayong pinuno ng bawat hukbong sandatahan ng mga diyablo.

At kung sila sila man ay maglaban dahil lamang sa maliit na problema, ay isang kahiya-hiyang pangyayari na ito para sa kanilang lahat. At tiyak na pagtatawanan sila ng iba pang Heneral, lalong lalo na si Baal dahil tiyak na pinanonood nanaman sila nito mula sa kung saan.

Samantala sa loob naman ng isang silid ay makikita ang isang lalake na nanonood ng mga nagaganap ngayon sa labas ng akademya kung saan naroroon ang kaniyang kaibigan na si Dyrott, hindi niya inasahan na makakarating kaagad ang apat na ito.

Ang apat na kabilang sa misyon na ito, ang apat pang Demon General na inutusan ni Satan para kuhanin ang nawawalang Prinsesa ng mga Diyablo, at ibalik ito sa kanila para maging pinuno ng isang sinaunang angkan ng mga Diyablo.

Sila Grisha, Soleth, Varies at Gelal ang apat na Demon General na kapwa na sumalakay sa iba pang paaralan ng Magica Academy, na harapan din na nakipaglaban sa mga Z rankers. Samantala ang apat na akademya naman ay sabay sabay na nakatanggap ng tawag, at naalarma ang mga ito ng ang dahilan ng pagtawag na ito sa kanilang lahat.

Dahil umano sa paglitaw sa akademyang kinabibilangan ni Rev Blaziwart, nang apat na Demon General na nakalaban ng iba pang Z rankers. Nang marinig nga ito ng mga opisyal ng bawat akademya ay kaagad na ipinatawag ng mga ito ang kani-kanilang mga mandirigma, upang magsilbing backup.

Samantala si Shawn naman ay sinimulan na ang kaniyang ginagawa, kahit na hindi pa gumagawa si Lucy ng paraan para makuha ang atensyon ng kalaban ay mukhang magiging madali ito para sa kaniya. Dahil hindi nito maituon ang sarili nito sa kabilang laban, mukhang nag-aalala ito sa kung ano o sino man ang nasa labas ng barrier.

Samantala si Hades naman ay naaalarma dahil sa presensya ng apat na Demon General sa labas ng barrier, mukhang ang apat ay walang balak na wasakin ang barrier na ito sa kaniyang palagay ay may sapat na kakayahan ang mga ito na wasakin ang lugar na ito sa isang iglap lamang.

Kung ano man ang binabalak ng mga ito ay hindi niya alam, gustuhin man niya na paalalahanan si Shawn subalit mukhang masyado na siyang nakiki-alam dito. Ang kaniyang papel lamang ay turuan at gabayan ito, at hindi tulungan sa mga kakaharapin nitong kalaban.

Dahil kapag ginawa niya iyun ay tiyak na masasanay dito ang batang ito, at maging simula pa ng malaking problema sa hinaharap. Maigi na ang ganito dahil naipapakita ng batang ito ang kaniyang potensyal sa sarili nitong paraan, at base sa kaniyang obserbasyon sa kasalukuyan antas ng kakayahan sa labanan ni Shawn.

Ay pwede na ito para lumaban sa mga matitinding labanan katulad ng sitwasyon na ito, kaniyang aabangan kung anong mga paraan at mga bagay ang maiisip na gagawin nito sa labanan na ito. Samantala nagsimula na ang ginagawa ni Shawn, sapat na ang lakas ng temperatura ng Asul na Apoy na inilalabas ng mga kamay ni Shawn.

Sa pamamagitan ng mga kamay nito, ay dahan dahan nitong idinadaloy ang enerhiya nito patungo sa pwesto kung saan naroroon ang kaniyang mga kasamahan, ang proseso na ginagawa ni Shawn ay kapareho ng kaniyang ginagawa sa Black Aura. Kaniyang susubukan ang isa sa mga kakayahan ng Blue Flame, sa pamamagitan ng pagsalin ng enerhiya nito sa ibang indibidwal.

Ang kakayahan na makapanggamot, at makapag-paalis sa kahit na anong sumpa ng mga mahika. Ang binabalak ni Shawn na ito ay bago lamang para sa kaniya, subalit nakikita ni Hades ang determinasyon sa mga mata ni Shawn. At sa kaniyang palagay ay walang makakapigil ng determinasyon na ito ng batang ito.

Samantala sa Lucy naman ay inihanda na ang kaniyang sarili, dahil kaniya nang nararamdaman ang presensya ng ginagawa ni Shawn. At kapag napansin ng kalaban ang kasalukuyang ginagawa ni Shawn ay maaari pa itong makasagabal dito, kaya naman ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at dali daling lumabas sa mga ito ang kaniyang Pula at Itim na Enerhiya.

At sa kasalukuyang antas ng lakas nito, ay hindi na ito ang lakas na mayroon siya kanina sa gitna ng kompetisyon. Dahil ang kaniyang lakas sa ngayon ay mas tumaas dahil sa pagka-gising ng kaniyang natutulog na kapangyarihan, at sa ngayon ay ipapakita niya kung anong kapangyarihan ang mayroon siya.

Ang kaniyang katawan ay mabilis na nabalutan ng Pula at Itim na enerhiya, at mabilis na kumalat sa buong paligid ang kaniyang kasalukuyang taglay na presensya. Dahil sa paglalabas niya ng kaniyang presensya ay napatingin sa kaniya si Dyrott, ang kaninang pagkabalisa nito ay bigla na lamang nawala ng sandaling naramdaman nito ang presenya ng prinsesa.

Dahil naguguluhan siya kung bakit malayang nagagamit nito ang kapangyarihan nito, kahit na hindi na ito mag-anyo pa bilang isang demonyo. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong uri ng nilalang, bigla na lamang naisip ni Dyrott ang eskperementong iyun ng kaniyang panginoon.

Ang pakikipag-talik ng isang Demonyo sa isang Tao, at magkaroon ng anak dito at ang kaisa-isahang nabuhay sa mga eskperementong ito ay nasa kaniyang harapan. Ang prinsesa ng mga Diyablo ang anak ng kaniyang panginoon ay nasa harapan na niya ngayon, ay nagpapakitang gilas at mukhang balak na ipakita ang buo nitong lakas….

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon