Chapter LXIV

91 21 0
                                    

Chapter LXIV: Battle Royale

---

ANG mga nasa loob ng istadyum ay napatingin sa mga kalahok na maglalaban laban, hindi alam ng mga ito kung ano ang kanilang reaksyon. Sapagkat ang kani-kanilang nakikita sa loob ng battle stadium ay walang iba kundi ang mga pinakamalalakas na miyembro ng Special Class at ng Elite Class.

Ang tanging iba lamang sa paningin ng iba ang pitong miyembro ng Special Class, sapagkat ito ang unang pagkakataon nila na makita ang mga batang ito. Samantala mayroon naman ang nagsimula ng usap-usapan patungkol sa naganap na kaguluhan sa panig ng mga 1st years students.

Sapagkat mayroong dalawang panig umano ang naglaban sa labas ng stadium at ang paglalaban ng dalawang panig na ito ay malaki ang napinsala sa buong paligid. At sa mga kumakalat na usapan ang isang panig na sangkot sa kaguluhan na iyun ay bali-balitang napasama sa Special Class.

At mukhang sa ngayon ay ipinapakilala nan g Special Class ang kanilang mga bagong miyembro. Dahil sa usap-usapan ng mga manonood ay naging maingay ang buong paligid, hanggang sa ang ingay na iyun ay naririnig na nang malinaw ng mga kalahok.

Ang mga nagmula nga sa Elite Class ay nagulat sa mga nilalaman ng usap-usapan, hindi man nila nais na mapakinggan ang mga iyun ay mga naglalaman naman iyun ng mga impormasyon. Mukhang sa taon na ito ay nagkaroon nanaman muli ng mga pasaway na estudyante ang Special Class.

Samantala si Shawn ay naging seryoso sa mga usap-usapan na kaniyang naririnig, ang mga sinasabi ng lahat ay maaaring maging impormasyon ng kanilang mga kalaban, laban mismo sa kanila at maaring sa pagkakataon na ito ay pinag-hahandaan na sila ng mga ito.

Si Grey naman ay napatingin kay Shawn, dahil sa kanilang naririnig na usap-usapan ay nakaramdam ng kaba si Grey sa kaniyang dibdib. At sa kasalukuyan ay nakikita niya sa mukha ni Shawn ang matinding tensyon. Naiintindihan ni Grey ang kasalukuyang nararamdaman nito, dahil sa pagkakataon na ito ay malaki ang tyansa na makalaban niya mismo ang kinikilala nitong nakatatandang kapatid at ang guro nito na si Edrian.

Siya naman ay nakakaramdam din ng tensyon at sinabayan pa ito ng nararamdaman niyang kaba, dahil kanilang makakalaban ang mga pinaka-malalakas na miyembro ng Elite Class at hindi nila inaasahan na ang kanilang mga naging guro pa ang kanilang mga magiging kalaban.

Samantala si Akari naman ay kinabahan ng makita kung sino sino ang kanilang mga makakalaban, namumukhaan niya ang tatlo sa mga ito dahil ang mga ito ay ang mga malalapit sa kanila. Si Edrian ang guro nila ni Shawn at ang nakababatang kapatid naman ng kaniyang pinaka-ginagalang na tao, at ito ay si Elena.

Ang kanilang mga iginagalang na indibidwal ay nandito ngayon sa kanilang harapan bilang ang kanilang mga makakalaban, samantala si Caleb naman ay napakunot ang noon g makita ang mga mukha ng kanilang makakalaban. Hindi niya inasahan na ang mga ito ang kanilang makakalaban. Mukhang sa taon na ito ay pinag-isipan ng mabuti ang mga ilalaban sa taon na ito.

At nagkataon pa na ang lima sa kaniyang miyembro ay malalapit sa kanilang mga makakalaban, hindi naman sa kaniyang minamaliit ang kaniyang mga kasama. Subalit sadya lamang na mas lamang ang kanilang mga kalaban sa lakas at karanasan sa isang labanan. Lalong lalo na ang tatlong naroroon dahil bali-balita na ang tatlong ito ang estudyante ng kilalang pinaka-unang tao na nagkamit ng kapangyarihan ng diyos.

Hindi dapat sila magpabaya dahil kapag nagkataon na kahit isa lamang sa tatlo ang kanilang makalaban ay tiyak na mahihirapan sila na kalabanin ang mga ito. Hindi alam ni Caleb kung ano ang pumasok sa isipan ng kaniyang guro kung bakit ang pitong 1st year pa ang hinayaan nito na sumama sa lalaban.

Dahil para sa kaniya ay hindi pa sapat ang kakayahan ng mga kaibigan ng batang si Shawn, ang mga ito ay hindi pa gaano kasanay sa pag-gamit ng kani-kanilang enerhiya. At tanging may kaya pa lamang na tumagal sa laban ay sila Shawn at Lucy na katulad niya ay sumailalim din sa pagsasanay ng kaniyang guro na si Yoki.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon