Chapter CXV: Back to Normal
---
LUMIPAS ang isang araw ay muling nagbalik sa normal na araw ang buong akademya, ang mga estudyante nang bawat akademya ay bumalik na sa kani-kanilang araw araw na Gawain. Subalit sa kabila nang pagbabalik nang lahat sa normal ay hindi basta basta mabubura sa isipan nang lahat ang naganap nitong nakaraan.
Sapagkat ang mga kalaban na nakilang nakalaban ay mga totoong halimaw, dahil nagawa nang mga ito na balewalain ang lakas na taglay nang bawat Z ranker kahit na mag-isa lamang ang mga ito. Nalaman nila na ang mga indibidwal na nakalaban nang mga Z ranker ay mga tinatawag na Demon General, ang mga nilalang na iyun ay mayroong kakaibang kapangyarihan na tinataglay na wala ang mga normal na nakakalaban nilang mga Diyablo.
Subalit sa kabila nang mga nangyari ay kaagad naman na naging mapayapa ang lahat dahil sa pag-atras nang mga kalaban, kaya naman ang mga estudyante ay nagbalik na sa dati nilang Gawain habang ang mga guro naman ay kanya kaniya nang paraan para muling maayos ang mga nasirang bahagi nang kanilang paaralan.
Samantala sa akademya kung saan naroroon sila Rev ay kasalukuyan na nahati sa dalawang panig nang mga guro ang nagpasya na gumawa nang kanilang mga Gawain, mayroon sa mga ito ang ninais na ipagpatuloy ang pagtuturo at pagbabantay sa mga estudyante habang ang iba naman ay magiging abala sa pagsasa-ayos ng mga nasirang parte nang kagubatan.
Sapagkat malaki ang pinsala na nagawa nang mga naglaban sa labas nang akademya, at dahil sa pinsala na nagawa roon ay mas minabuti na gawin na lamang ang bahaging iyun bilang isang bagong estraktura.
Ang bahaging iyun nang kagubatan ay kanila nang gagawing underground pathway para maging bagong daan, kung sakali man na magkaroon muli nang ganun pangyayari sa hinaharap. Kanila lamang na inihahanda ang kanilang sarili dahil maaaring kumilos kaagad ang mga kalaban, kaya naman hanggat maaga ay magawan na kaagad nila nang paraan.
Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nasa maayos nang kalagayan, ang mga kaibigan naman ni Shawn ay dinalaw na siya kahapon at sinabi nang mga ito ang naganap kahapon sa pag-uusap nila Lucy at nila Rev.
At nalaman niya mula sa mga ito na si Lucy ay inamin na sa lahat na ito ay ang nawawalang anak ni Lucifer, batid niya na nabahala sila Rev subalit nagulat siya nang sabihin ng kaniyang mga kaibigan na mabilis na naunawaan ni Rev ang tungkol kay Lucy.
Naniwala ito na si Lucy ay kanilang kakampi sa kabila nang pagiging isa nilang Diyablo, nang kaniyang malaman na hindi naman mapaparusahan si Lucy ay nawala ang kaniyang pangamba. At higit sa lahat ay hindi na niya kinailangan pa na gawin ang misyon na inutos sa kaniya ni Hades, dahil hindi naman ito naging banta sa kanilang lahat nang sandaling magising ang taglay nitong kapangyarihan.
Samantala kasalukuyan naman na makikita si Lucy habang ito ay nakaupo lamang sa loob nang isang silid, ang silid na iyun ay ang kaniya mismong kwarto kasalukuyan nga ay nakita niya ang kaniyang kwintas na kaniyang nakalimutan na isuot kahapon. Nang bumalik ang kaniyang ala-ala ay ito pala ang bagay na pumipigil nang paglabas nang kaniyang kapangyarihan, naisip niya sa sadyang planado ang pagbura sa kaniyang ala-ala nang mga madre na iyun at nang kaniyang ina.
Ang kakaibang mahika na ginamit nang mga ito upang ang kaniyang ala ala ay mawala, at ang kahuli-hulihan niyang sandali na nakita ang kaniyang ina nang araw na ang kaniyang ala-ala ay nawala. At matapos nun ay nagising na siya bilang ang kasalukuyang si Lucy na ang alam na dahilan kung bakit siya naroroon sa ampunan, ay dahil mayroon umano ang nag-iwan sa kaniya sa labas mismo nang bahay ampunan.
Malinaw na bumabalik sa kaniyang ala-ala ang lahat, at hindi niya mapigilan na mapaluha sapagkat ang mismong mga tao na malalapit sa kaniya ay nagawa siyang lokohin nang matagal na panahon. Hinayaan nila na manatili siya sa ganuong kalagayan, mas pinili nang mga ito na siya ay maging isang bata na walang alam sa mga nagaganap sa paligid niya.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...