Chapter XXVIII

135 27 0
                                    

Chapter XXVIII: Own Determination

---

ANG buong istadyum ay muling nabalutan ng matinding palitan ng mga enerhiya, sa kasalukuyan ay mabilis na umaatake sa isat-isa, sila Jay-ar at Scarlet. Makikita sa mukha ng dalawa ang serysosong ekspresyon. Habang kapwa sila nagpapalitan ng mga suntok at sipa.

Si Jay-ar nga ay hindi makapaniwala sa kasalukuyan niyang kakayahan, medyo naninibago pa siya dahil sa biglang pagbabago ng kaniyang lakas. Nais niya sana na pabagsakin ang kaniyang mga kalaban sa pamamagitan ng kaniyang sariling lakas.

Subalit sa ngayon ay lumakas siya dahil lamang sa kakaibang enerhiya na nagmula sa Black Mist ni Shawn. Nagpatuloy ang paglalaban nila Scarlet at Jay-ar, makikita naman sa mga manonood ang pagkabigla dahil sa mabibilis na pag-atake sa isat-isa ng dalawang bata.

Samantala sa opisina naman ng Principal ay makikita ang principal na naka-upo sa kaniyang silya at tila malalim na nag-iisip. Ini-isip niya kung tama ba na isinama niya sa normal na klase lamang ang limang bata.

Dahil kanina lamang ay binasa niya muli ang mga dukumento tungkol sa kakayahan ng limang mga bata. At nagulat siya na ang tatlo sa mga ito ay may kakaibang taglay na elemento. At may dalawa naman na nagtataglay ng normal na elemento subalit mayroong potensyal na mas lumakas ang mga ito.

"Mukhang mali ang naging desisyon ko!, Tama si Rev dapat sa Class S ko na sana sila inilagay" sabi ng principal at muli ngang binasa ang dukumento na pagmamay-ari ni Shawn Aliston Monteverde. "Anong misteryo ang meron sa batang ito" bulong na nga lamang nito.

Samantala may isang babae ang humahangos patungo sa opisina ng principal office, ang babae na ito ay ang sikretarya nito at mayroon itong mahalagang balita para sa principal mismo.

Samantala sa istadyum naman ay patuloy ang mga nagaganap na pag-kulog at pag-kidlat, at dahil ito sa walang patid na pag-papalitan ng mga atake nila Scarlet at Jay-ar. Si Scarlet nga ay nahihirapan na basagin ang depensa ng kaniyang kalaban.

Kanina pa niya pinu-puntirya ang baluti nito, subalit ang kaniyang mga atake ay hindi sapat para basagin ito. At nagtataka din siya dahil nagagawa siyang sabayan nito sa larangan ng bilis. Habang maingat niyang iniiwasan ang mga atake ni Jay-ar. Samantala ang nag-uumapaw na enerhiya na dumadaloy kay Jay-ar ay bigla na lamang huminto sa pagdaloy sa kaniyang katawan.

Si Shawn nga ay napa-seryoso ng kaniyang ekspresyon ng mapansin na nawala na kaagad ang epekto ng kaniyang ginawa. At ang itim na usok na bumabalot kay Jay-ar ay bigla na nga lamang naglaho. Si Scarlet nga ay napangisi dahil sa biglang pagkawala ng itim na usok na bumabalot kay Jay-ar.

Nang mag-umpisa nga na maglaho ang enerhiya na nanggaling sa Black Mist ay kaagad naglaho ang bumabalot na elemento ng kidlat sa buuo niyang katawan. At ang kalidad nga ng kaniyang aura ay bigla na nga lamang bumagsak sa kaniyang dating ranggo. Ang ranggong D rank.

Samantala si Shawn ay tila naintindihan na ang epekto ng kaniyang ginawa kanina, mukhang may limitasyon ang pag-gamit ng enerhiyang iyun. Sa sa tinagal ng pag-gamit ni Jay-ar ng isinalin niyang enerhiya ay tumagal lamang iyun ng Sampung minuto. Napailing na nga lamang si Shawn at tiningnan ang kasalukuyang kalagayan ni Jay-ar. Pero nagulat siya ng makita ang reaksyon sa mukha ni Jay-ar. Nakikita parin niya ang determinasyon sa mga mata nito. Na tila ba may nais itong patunayan sa kaniyang harapan.

Si Scarlet naman ay nawala na ang kaniyang pag-aalala dahil ang kasalukuyan niyang kaharap ay isa na lamang D rank, at para sa isang gaya niya ang kalabanin ito ay madali na lamang. Si Jay-ar naman ay hindi na inisip kung bakit bigla na lamang naglaho ang kakaibang enerhiya na naradaman niya kanina.

Bagkus nga ay mas ikinasaya niya ito, dahil mas gusto niyang patunayan ang kaniyang kakayahan, gamit ang kaniyang totoong kapangyarihan. Mula nga sa kaniyang kinatatayuan ay pinalabas ni Jay-ar ang kaniyang matingkad na dilaw na Aura.

At ang aura na inilalabas ni Jay-ar gumulat sa lahat. Dahil ang enerhiya nito ay tila hindi man lamang nabawasan sa pakikipag-laban nito kanina. Ang enerhiya na mayroon ito ay sapat na upang pabagsakin ang isang pagod na C ranker.

Samantala si Shawn naman ay naintindihan na kung akit determinado ang isang ito kanina pa, dahil ito sa tanging pag-gamit lamang ng hiram nitong enerhiya. Mukhang may talento sa pag kontrol ng enerhiya si Jay-ar at sa pamamagitan ng kasalukuyan nitong kakayahan ay sapat na upang sabayan ang nanghihinang si Scarlet.

Si Scarlet naman ay ikina-alarma naman ang kumpleto pang enerhiya ng kanjyang kalaban, Kaagad nga siyang umatras upang maghanda ng kaniyang plano, pinakiramdaman niya ang kaniyang natitirang enerhiya sa kaniyang katawan.

Pinalabas niya ang kaniyang aura at kaagad na inihanda ang kaniyang sarili, ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at nag-ipon ng enerhiya sa mga ito, ng maramdaman niya na walang lumalabas na boltahe sa kaniyang mga kamay.

Nagulat si Scarlet ng maramdaman niya ang biglang pag-sakit ng kaniyang mga kamay, nanlaki ang kaniyang mga mata ng kaniyang mapag-tanto ang kaniyang kasalukuyang kalagayan. Hindi niya na magagamit ang kaniyang Black Lightning. Naabot na niya ang limitasyon ng kaniyang katawan.

Naikuyom na nga lamang niya ang kaniyang kamao at matapang na iniihanda ang kaniyang sarili. Ang tangi nya na lamang magamit ay ang kaniyang Aura. Doon nga ay nag-simula ng muli ang paglalaban nila Scarlet at Jay-ar.

Nagpapalitan ng suntok ang mga ito, subalit sa pagkakataon nga na ito ay mas marami ulit na nakatanggap ng mga suntok si Scarlet. Lamang ang kaniyang kalaban sa Aura at Elemento. Hindi niya masabayan ng husto ang bilis ng mga suntok nito.

Samantala napansin naman ng mga manonood ang iglang pagbabago sa pakikipag-laban ni Scarlet, ngayon lamang nila nakita na ganito ito makipag-laban. Hindi na ito kasing bilis ng dati nitong laban. Bumagal na ang pagkilos nito dahil sa pagkapagod.

Samantala si Scarlet ay nararamdaman ang pana-nakit ng kaniyang katawan ngayon lamang siya nakatamo ng ganitong mga pinsala. Hindi na rin kinakaya ng kaniyang aura ang epekto ng bawat suntok nito na may dalang bolta-boltahe ng enerhiya.

Nakatanggap nga siya muli ng isang suntok, mabuti na lamang ay nasangga niya ito subalit napa-atras siya nito at makikita naman ang mabilis na pag-sugod sa kaniya ng kaniyang Jay-ar. Doon nga ay tinamaan siya ng direktang suntok sa kaniyang sikmura. Napasuka nga siya ng kaniyang laway kaagad siyang tumilapon at bumangga ang kaniyang katawan sa pader.

Makikita naman sa mukha ni Jay-ar ang kaniyang ngiti, dahil nakuha niya ang pagkakataon na iyun upang pabagsakin ang kaniyang kalaban. Pinagmasdan niya ang katawan ni Scarlet na ngayon nga ay nakabaon sa pader kung saan tumama ang katawan nito.

Ang mga manonood naman ay napanganga ng makita nila ang isang solidong suntok na tinamo ni Scarlet. At sa kasalukuyan nga ay makikita ito na mukhang wala ng malay habang ang katawan nito ay nakabaon mismo sa pader.

Ang apat naman na kaibigan ni Scarlet ay nag-alala sa kalagayan ng kanilang kaibigan. Ang lalake nga na may kayumanggi na buhok ay bumaba upang tingnan ang kalagayan ng kaibigan. Napatingin naman si Shawn sa mga kasamahan ni Scarlet na ngayon ay sunod sunod na pinuntahan ang kumpirmadong walang malay na si Scarlet.

Dahil nga sa kaganapan na iyun ay napahiyaw ang mga nanonood, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nakagawang matalo sa isang laban ang kilalang Black Lightning user ng Class 1 A. samantala ang hiyawan na iyun ay kaagad nawala ng maramdaman ang aura ng isang hindi inaasahan na indibidwal.

At ito ay walang iba kundi ang tumatayong principal ng akademya. Mararamdaman mula rito ang aura ng isang aktwal na S rank.

"Lagot na ang Dean!" natatakot na reaksyon ng ibang mga naroroon at ang iba naman ay magalang na nakatingin rito. Makikita ang mahaba nitong puting buhok na umaangat dahil sa malakas na presensya na inilalabas nito.

"Kayong lahat na nanonood, hindi ba malapit na ang susunod na klase ninyo!, Ano!, di pa kayo aalis!" malakas na sigaw nito dahilan upang matakot ang mga estudyante na naroroon upang manood ng mga nagaganap na laban.

Ang karamihan sa mga ito ay kaagad na umalis, dahil ayaw nila na mapagalitan nito, dahil kilala ang principal na ito bilang ang kinatatakutang puting kidlat ng Akademya.

"Shawn Aliston Monteverde!, simula ngayon ay ililipat kita sa bagong sekyon. Sa special Class ka na papasok mula ngayon. Sabi nito na ikinagulat naman ng mga naroroon. Lalong lalo na si Edrian na makikitang hindi makapaniwala na personal itong sinabi ni Yoki Saoru ang mismong principal ng Magica Academy....

Vote And Comment....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon