Chapter CXXXII

52 17 0
                                    

Chapter CXXXII: battle Started

---

ANG tatlong ito nga ay kapwa na nakatingin sa gitna nila, kung saan naroroon ang kanilang mga puntirya. Ang kanilang kailangang gawin ay paghiwalayin ang dalawang bata na ito, at bahala na ang kanilang pinuno sa batang lalake na iyun.

Sila Shawn naman ay mas lalo pang pinakiramdam ang buo nilang paligid, dahil ang presensya na kanilang nararamdaman ay mas lalo pang lumalakas. Hindi nila alam kung ang kanilang nararamdaman na presensya ay ang enerhiya nang kanilang mga hinahanap na kalaban, sapagkat ang enerhiya na kasalukuyan nilang nararamdaman ay iba sa enerhiya na kanilang nararamdaman kanina.

Ang tatlong diyablo naman ay kapwa na makikitaan nang kakaibang ngiti sa kanilang mga naglalakihang mga labi, hindi nila maiwasan na matakam sa dalawang bata na nasa kanilang harapan. Nasanay na sila sa pagkain nang mga sariwang lamang nang mga tao, lalong lalo na ang mga bata dahil napaka-lambot nang mga iyun at malasa.

Hindi katulad nang katawan nang mga matatanda, na makunat na at lasa nang lupa. Kaya naman mula nang sila ay makatikim nang laman nang isang bata, ay hindi na sila tumigil pa na pumatay nang mga bata. Kahit na mayroon silang balak na matikman ang mga bata na nasa kanilang harapan, ay hindi nila iyun magagawa sapagkat sa kasalukuyan ay wala silang karapatan na gumawa nang maling hakbang.

Dahil kapag gumawa sila nang maling pagkilos ay tiyak na magagalit sa kanila ang Demon General na iyun, sapagkat hindi na sila makakatanggap nang pabuya kapag pumalpak sila sa misyon na binigay sa kanila.

Samantala si Lucy naman ay napatingin sa isang dereksyon dahil naramdaman niya na mayroong gumalaw sa pwestong iyun, samantala ang Diyablo na naka pwesto doon ay naalarma nang kaniyang aksidente na matapakan ang isang damo.

At kaniyang napansin na ang batang babae ay napatingin sa kaniyang kinaroroonan, palagay niya ay napansin na nang batang ito kung nasaan siya. Si Shawn naman ay nakaisip na nang kanilang gagawin, kaagad nga siyang nagsalita at nagulat ang tatlong diyablo dahil sa sinabi nang batang lalake.

"Pabagsakin natin sila!"

Sigaw nito at sa isang iglap ay nawala ang dalawang bata mula sa kanilang kinatatayuan, sa likuran naman nang dalawang diyablo. Ay makikitang lumitaw sa kanilang likuran ang pigura nang mga bata.

Si Shawn ay lumitaw sa likuran nang isa sa tatlo, na nasa gawing kaliwa niya, habang si Lucy naman ay nagtungo sa pwesto kung saan naroroon ang diyablo na kaniyang narinig kanina. Ang diyablo nga ay nanlaki ang mata nang kaniyang maramdaman sa kaniyang likuran ang presensya batang babae sa kaniyang likuran.

Nang sandali nga na siya ay lumingon dito ay kaagad siyang nakatanggap nang isang solidong suntok mula dito, dahil sa suntok na iyun ay kaagad itong tumilapon. Ang diyablo naman na kasalukuyan na nasa harapan ni Shawn ay makikitang nakalingon sa kasamahan nito na pinalipad nang kaniyang kasama.

Wala itong kaalam alam na nasa kaniya na palang likuran ang kaniyang kalaban, ang isa namang diyablo ay napatingin sa batang babae na nagpalipad sa kanilang kasama. Kaya naman inihanda nito ang kaniyang sarili para sugurin ito.

Subalit bago pa man siya makakilos ay tiba ba mayroong presenya ang bigla na lamang na lumitaw sa kaniyang likuran, nanginginig siyang napalingon sa kaniyang likuran at nakita niya ang pigura nang batang babae na kasalukuyan na nababalutan nang pula at itim na aura ang buong katawan.

Nakaramdaman ito nang panganib dahil sa malakas na presensya na inilalabas nang kanilang kalaban, lalo na ang batang babae na nasa kaniyang likuran. Si Shawn naman ay nanatili lamang na nakatayo sa likuran nang diyablo na nasa kaniyang harapan, habang ang kaniyang atensyon ay kasalukuyan na nakatuon sa kaniyang kasama.

Na mukhang seryoso talaga sa kaniyang sinabi kanina, hindi niya alam kung ano ang eksaktong tumatakbo sa isip nito. Pero natitiyak niya na hindi nito papalampasin ang kahit na sinong diyablo nan a makakalaban nito, kaniya itong tatalunin at tatapusin.

Simula nang sumailalim ito sa pagsasanay sa ilalim ni Ariana ay alam na niya na, walang humpay ang pagsasanay na isinasagawa nito kasama si Ariana. Kaya naman natitiyak ni Shawn na ipapakita ni Lucy ang lahat nang natutunan nito sa pangangalaga ni Ariana.

Samantala si Baal naman ay kasalukuyan na nasisiyahan sa kaniyang nakikita, hindi niya inasahan na malaki kaagad ang pinagbago nang prinsesa sa larangan nang pakikipaglaban. Sa palagay niya ay nagsanay ito nang matindi para makamit ang ganito kataas na lebel sa maikling panahon lamang.

Si Baal naman ay napalingon sa kinaroroonan nang tagapagmana ni Hades, sa kaniyang palagay ay mayroon nanamang natutunan na abilidad ang batang iyun. Sapagkat hindi ito nararamdaman nang kaniyang alagad, kahit na ito ay nasa likuran lamang nito.

Hindi niya akalain na magagawang matutunan nang batang ito ang ilan sa mga abilidad na mayroon si Hades, hindi tuloy siya makapaghintay na makakuha muli nang kapangyarihan na mayroon si Hades. At magagawa niya muling makakuha nang kapangyarihan nito sa pamamagitan nang batang ito.

Samantala si Lucy naman ay kasalukuyan na makikitang nakatayo lamang sa kaniyang kinaroroonan, habang ang diyablo naman na pasugod sa kaniya ay kasalukuyan na nasa ere habang ito ay papasugod sa kaniya. Hindi makikitaan nang pagkabahala sa mukha si Lucy ay kahit na papasugod sa kaniya ang isang ito, dahil para sa kaniya ay hindi ito malaking problema.

Dahil kaniyang nararamdaman ang kasalukuyang presensya nito, at alam niya na hindi siya kayang tapatan nito. Nang makalapit sa kaniya ang kalaban ay balewala lamang niya iyung naiwasan, ang diyablo nga ay makikitang nagulat nang maiwasan nang kalaban ang kaniyang atake.

Hindi siya makapaniwala na magagawa na paliparin nito ang kaniyang kasama, kahit na bata lamang ang babaeng ito ay hindi niya akalain na nagtataglay ito nang malakas na kapangyarihan. Hindi niya alam kung ano ang dahilan kung bakit interesado ang Demon General na iyun sa mga batang ito, hindi lamang sila makatanggi dahil sa estado nito bilang isang diyablo.

Hindi sila pwede na tumanggi sa isang Demon General, dahil tiyak na mapapahamak sila kapag hindi nila ito sinunod. Samantala ang diyablo naman ay nagawang mapalipat ni Lucy ay kasalukuyan na tumatayo, makikita na nakahawak sa kaniyang sikmura ang diyablo na iyun.

Iniinda nito ang natamong solidong suntok mula sa batang babae na iyun, hindi niya akalain na mararamdaman niya ang ganuong kalakas na suntok. At nagmula pa mismo iyun sa isang batang babae, hindi siya makapaniwala ganuon pala kalakas ang batang ito, ang kaniyang kagustuhan na matikman ito kanina ay naglaho na.

Dahil sa ngayon ay nagbago na iyun, sapagkat nais na niyang gantihan ito at patayin kung kinakailangan. Hindi niya hahayaan na hindi siya makakaganti sa isang ito, titiyakin niya na makakabawi siya nang isang solidong suntok sa batang ito.

Samantala si Shawn naman ay mababakasan nang ngiti sa kaniyang labi, dahil mukhang magiging seryoso na ang mga diyablo na kalaban ngayon nito. At mukhang ang diyablo na nasa kaniyang harapan lamang ay nagbabalak na din na sugurin ang kaniyang kasama.

Si Lucy naman ay kalmado lamang habang kaniyang mabilis na naiiwasan ang mga atake na pinakakawalan nang kaniyang kalaban, nakikita niya sa kasalukuyan ang inis na inis na ekspresyon nang mukha nito.

Sa kabila nang pangit na itsura nito, ay mas lalo pa itong pumangit dahil sa gigil na gigil nitong reaksyon. Samantala si Baal naman ay makikitang nakatayo na sa kaniyang kinaroroonan habang makikita sa kaniyang mukha ang malawak na ngiti, hindi siya makapaniwala na magagawang paglaruan nang prinsesa ang kaniyang mga bagong laruan.

Mukhang kakailanganin niya na gawin ang natural niyang ginagawa sa kaniyang mga laruan, at iyun ay gamitin lamang ang mga ito para gumawa nang isang malaking kaguluhan. Kaniyang gagawin muli ang kaniyang ginawa noong nakaraan, ang kaniyang pagpapakawala nang mga naglalakihang mga diyablo na sumalakay sa siyudad na iyun.

Ang mga diyablo na mayroong mga marka sa kanilang katawan, kaniya muling ipapamalas ang isa sa kaniyang mga tinataglay na abilidad. At iyun ay ang pagsamahin ang katawan nang kaniyang mga sinalinan nang enerhiya, at bumuo nang isang bagong uri nang nilalang na mas malakas pa nang sobra sa kung anong lakas na mayroon ang tatlong magiging kasangkapan sa bagong nilalang...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon