Chapter LXXVI: Dylan’s Acid Ability
---
ANG loob ng stadium ay napuno ng ingay ng mga banggaan ng mga atake ng bawat kalahok na kasalukuyan ay mayroong sari-sariling laban sa pagitan ng isat-isa. Sa kasalukuyan ay nakikipaglaban sa isat-isa sila Caleb at Alicia, at sa kasalukuyang sitwasyon nga ay makikita na nakatayo si Alicia sa gitnang bahagi ng puting usok na pinakawalan ng kaniyang kalaban.
Si Alicia ay hinahamak ang kapangyarihan na taglay ng kaniyang kalaban, subalit sa kabila ng kaniyang panghahamak sa kapangyarihan ng kaniyang kalaban ay napangiti na lamang siya ng mapansin ang ginagawa ng mga kasamahan ng kaniyang kalaban.
Ang grupo ng mga ito ay kumikilos ayon sa plano ng mga ito, natutuwa siya dahil mayroong teamwork ang mga ito hindi kagaya ng kanilang grupo na watak-watak at tingin sa bawat isa ay magkakalaban. Ang ganitong mga kalaban ang kaniyang gustong mga nakakalaban, dahil alam niya na kapag nagsama sama itong lumaban sa kaniya ay mas lalo siyang gaganahan na makipaglaban.
At hindi siya magdadalawang isip na ipakita sa mga ito kung anong klase ng kapangyarihan ang mayroon siya, samantala makikita naman si Edrian na kasalukuyan na kaharap ang kaniyang estudyante na si Grey at kasama ang kaibigan nitong si Lucy. Hindi niya inasahan na siya mismo ang pupuntiryahin ng dalawang ito, sa kaniyang palagay ay mas malakas ang loob ni Grey kaysa sa kaibigan nitong si Shawn.
Dahil mayroon itong lakas ng loob na kalabanin siya, hindi naman sa mina-maliit niya ang kakayahan ng batang ito. Dahil kaniya nang tinuruan ang batang ito kung paano gamitin ang taglay nitong kapangyarihan, at masasabi na mayroon itong potensyal subalit ang kalabanin siya ng ganito kaagad ay mukhang lumaki na ang ulo nito dahil lamang napabilang na ito sa seksyon ng mga pinaka-malalakas.
Para sa kaniya ay masyado pang maaga na maglaban silang dalawa, mas gugustuhin niyang labanan ang kaniyang estudyante na si Shawn kaysa dito, dahil hindi katulad ni Grey si Shawn ay may sapat na Fire Power para tunawin ang kaniyang yelo na kayang pakawalan.
Samantala sa loob nang istadyum ay makikita sa isang gilid si Shawn habang sa kaniyang harapan ay makikita si Dylan na animo’y naghahanda sa kaniyang pag-atake, si Shawn ay pinagtuunan ng pansin ang kalaban na ito. At siya ay nagpahabol mismo rito at nagtungo sila sa gilid mismo ng istadyum upang walang maging abala sa kanilang mabilisan na laban.
Ang kalaban nga nito na si Dylan ay kasalukuyan na inihahanda ang kaniyang sarili para umatake, sa kaniyang palagay ay nais na siyang labanan ng batang ito at mas pinili nito na humiwalay sa gitna kung saan halos naroroon ngayon ang lahat.
Hindi alam ni Dylan kng bakit siya nakakaramdam ng kaba kapag siya ay nasa harapan ng batang ito, para bang may kung anong presensya mula rito ang nagtutulak sa kaniya papalayo. Subalit sa kabila ng kaniyang nararamdaman na kaba ay mas nanguna parin sa kaniya ang kagustuhan na lumaban, at sa pagkakataon na ito ay hindi siya magpapapigil dahil lamang sa kakaibang presensya na nagmumula sa kaniyang kalaban.
Samantala si Shawn ay napansin kaagad ang mabilis na pagbabago ang daloy ng enerhiya ng kaniyang kalaban, sa kaniya ngang harapan ay nakita niya si Dylan na kaagad na nabalutan ng sarili nitong aura. At sa taglay na aura ng kalaban na ito ni Shawn ay makikita na biglang naging enteresado si Shawn.
Dahil ang kaniyang kalaban ay nagtataglay ng lakas ng isang aktwal na A ranker, at base sa kaniyang kasalukuyang lakas ay medyo mas lamang sa antas ng ranggo nito kaysa sa kaniyang ranggo. Dahil ang lalake na ito ay nasa ikasukdulan na ng A rank.
Subalit sa kabila ng naramdaman niyang enerhiya mula rito, ay napansin niya ang kulay berdeng likido na lumalabas sa mga palad nito. Si Shawn ay nagtatakang nakatingin sa mga berdeng likido na ito, subalit noong sandaling makita niya ang pagtulo sa sahig ng likidong iyun ay naalerto si Shawn.Dahil ang kaniyang nakitang likido sa mga kamay ng kaniyang kalaban ay likido ng asido, at kapag siya ay nagpabaya at mahawakan siya nito ay tiyak na mapapahamak siya rito. Kaya naman si Shawn ay kaagad na binalutan ng asul na aura ang kaniyang buong katawan at ang paglabas mismo ng asul na enerhiya sa kaniyang katawan ay mas nagliliwanag dahil gamit na nito sa kasalukuyan ang Aura Skin.
Si Dylan nga ay nabigla dahil sa pag-gamit ng kaniyang kalaban sa Aura Skin, hindi niya inasahan na ma-aalarma ito sa kaniyang taglay na kapangyarihan. At iyun ay ang kaniyang kakayahan na komontrol ng asido, ang ganoong uri ng kakayahan ay alam ng karamihan bilang mga Unique Ability.
Ang magkaroon ng ganitong uri ng mahika ay hindi inasahan ni Dylan na magkaroon siya, subalit sa kabila ng pagkakaroon niya ng kakaibang abilidad na ito ay halos wala naman sa kaniyang nagbago. Siya padin ang dating Dylan na palaging pinangungunahan ng kaba at takot na humarap sa mga inidibidwal na alam niyang mga malalakas.
Subalit sa kabila ng kaniyang pananatiling duwag ay nagawa padin niyang mapabilang sa isang seksyon na naghahanap ng mga katulad niya na mayroong kakayahan na kakaiba kaysa sa lahat, at ang kaniyang pagkakaroon ng ganitong uri ng kapangyarihan ay pinangilagan ng lahat dahil sa pagiging delikado nito. At pagiging epektibo mismo sa isang labanan.
Samantala si Shawn ay kasalukuyan na nababalutan ng kaniyang asul na aura, at habang pinagmamasdan niya ang kaniyang kalaban ay pinakikiramdaman niya ang pagdaloy ng taglay nitong enerhiya. Sa kaniyang napapansin ay mukhang balak gumawa ng kaniyang kalaban ng isang malawakang atake, hindi niya inasahan na nagtataglay ito ng pambihirang mahika.
Ang magkaroon ng kakayahan na komontrol ng asido ay hindi isang biro, dahil ang kahit na anong bagay ay kayang tunawin nito sa isang iglap lamang. Si Shawn ay naalerto ng bigla na lamang mawala sa kaniyang harapan ang kaniyang kalaban, at mula sa kaniyang likuran ay naramdaman niya ang presensya nito.
At nanlaki ang mata ni Shawn ng kaniyang makita ang kaniyang kalaban na nakatayo sa itaas ng pader kung saan ay nakikita niya ang mabilis na pagdaloy ng asido sa pader na iyun, ang mga manonood nga na nasa pwestong iyun ng pader ay kaagad na naalerto at mabilis na lumipad papaalis sa kanilang kina-uupuan.
Ang ibang mga manonood nga na nakapansin ng biglang pagkatunaw ng pader sa gawin iyun ng istadyum ay nagulat dahil sa pagkatunaw ng pader na iyun, hindi sila makapaniwala na sa isang iglap ay magagawang lusawin ni Dylan ang pader na iyun ng walang kahirap hirap.
Ang ibang kalahok naman na nakaramdam ng presensya ng atake na ginawa ni Dylan ay naalerto dahil sa banta na mayroon ang asido na iyun sa kanila, dahil kapag aksidente ka lamang na madikit sa asido na iyun ay mabilis na masusunog ang bagay o katawan na madidikit dito.
Ang natatangi lamang na gumagamit ng abilidad na ito ay si Dylan, at ang kaniyang pagkakaroon ng ganitong uri ng kapangyarihan ang dahilan kung bakit siya ay napabilang sa seksyon ng mga pinakamalalakas.
Samantala si Shawn ay mabilis na naiwasan ang atake na iyun ng kalaban, subalit sa kabila ng matagumpay niyang pag-ilag sa atake ng kalaban ay hindi niya maiwasan na magulat dahil sa pinsala na idinulot ng atake na iyun ng kaniyang kalaban.
Ang atake na iyun ng kaniyang kalaban ay lubhang napaka-delikado, at kung hindi siya ang klase ng tao na may taglay na bilis ay tiyak na kasama na siyang nalusaw ng pader na iyun. Samantala sa loob ng katawan ni Shawn ay makikita si Hades na nanonood sa laban na kinakaharap ng kaniyang tagapagmana, at hindi siya makapaniwala na mayroong isang tao ang magtataglay ng mahika ng kalaban ni Shawn.
Ang mahika na mayroon ito ay pamilyar sa kaniya mismo, dahil ang mahika na iyun ay minsan na niyang hinarap at kinalabanan noong unang panahon pa lamang. At sa pagkakataon na ito ay nagiging enteresante siya sa kasalukuyang laban na kinakaharap ni Shawn, mukhang sa pagkakataon na ito ay matatagalan si Shawn na puntahan siya mismo dahil ito ay magiging abala kung paano nito pababagsakin ang isang kalaban na nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan….
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...