Chapter LIV

102 16 0
                                    

Chapter LIV: Vaneza's Aura Skin

----

ANG lahat ay nagulat sa ipinamalas na kakayahan nila Ellie At Vaneza sa harap ng lahat ng manonood ang labanan sa pagitan nga ng dalawa ay muling nagpatuloy mula ng muling umatake si Ellie. Sa kasalukuyan ay makikita na umaatake si Ellie gamit ang mga galamay na gawa sa elemento ng tubig.

Ang mga galamay na ito ay nagagawa niyang mga matatalim na enerhiya ng tubig na nagagawang mahiwa ang mga bato. Si Vaneza naman ay maingat na ini-ilagan ang bawat pag-atake ni Ellie, madali lamang sa kaniya ang pag-ilag sa mga ito dahil sa kaniyang taglay na elemento.

Nagagawa ng mga ito ang mga bagay na hindi inaasahan ng mga manonood, sa kasalukuyan ay nagpapalitan ng kani-kanilang mga atake sila Vaneza at Ellie. Si Vaneza ay nagbibitaw ng mga atake gamit ang kaniyang magic armament, habang si Ellie naman ay nagpapakawala ng mga atake gamit ang mga matatalim na galamay na gawa sa elemento ng tubig.

Samantala habang makikita ang umi-init na laban sa pagitan ng dalawa, ay kapwa ang tumatayong leader ng dalawang seksyon ay nakatayo habang parehong seryoso na nakatingin sa dalawang naglalaban. Ang dalawang babae ay hindi nila inakala na magpapakita ng ganito kainit na laban.

Mukhang ang dalawang ito ay pinag-handaan talaga ang kanilang magiging laban, si Dellio ay tiwala sa kasalukuyang kakayahan ni Ellie. Kahit na minsan ang masungit ito sa kaniya ay alam niya na kapag ito ay nag-seryoso ay tiyak na ibubuhos nito ang lahat ng kaya nito.

Samantala ang grupo nila Shawn, ay makikitang naka-focus sa kanilang pinanonood na laban ng dalawang naglalaban. Silang lahat nga ay namamangha sa mga abilidad ng dalawa. Ang kakaibang sandata ng babaeng nag-ngangalang Vaneza at ang abilidad ni Ellie na maki-isa sa kalikasan.

Hindi inakala ni Shawn na may ganun ding uri ng pamamaraan para magkaroon ng kakaibang lakas, at ang sinasabing pakiki-isa sa kalikas ay natitiyak niyang hindi madaling bagay. Dahil ang pakiki-isa sa kalikasan ay delikado kung ito ay pwersahan na gagawin. Dahil tiyak na manganganib ang buhay ng kung sino man ang susubok na gawin ito.

At sa kanilang harapan ay makikita ang isang babae na nagawang makipag-isa sa kalikasan at malaya nitong nagagawa ang lahat ng naisin niyang gawin gamit ang kaniyang naipon na natural na yamang tubig sa kaniyang paligid.

Samantala si Vaneza nga ay medyo naiirita na sa walang katapusan na pag-atake na pinapakawalan ni Ellie, dahil kapag nagtagal ang ganung sitwasyon ay mabilis na mauubos ang kaniyang enerhiya at magiging sanhi pa ng kaniyang pagkatalo.

Kaya naman kaagad siyang lumipad papalayo at inihinto ang pagdaloy ng kaniyang enerhiya sa kaniyang sandata. Nang huminto na ang pagdaloy ng kaniyang enerhiya ay mabilis niyang ibinulsa ang mga iyun, at ang kaniyang sarili ay hinanda niya muli para sa kaniyang susunod na gagawin.

Samantala sa labas naman ng istadyum ay makikita si Elton na kadarating lamang kaagad siyang nagtungo rito upang masaksihan ang laban ng kaniyang estudyante, nang kaniyang malaman na ito ang mauunang lalaban ay hindi siya nag-atubili na magtungo dito.

Kaagad nga niyang hinanap ang kinaroroonan ni Vaneza at nagulat siya ng kaniyang mapansin ang paghahanda nito, ito ang palaging pwesto nito sa tuwing gagamitin na nito ang technique na iyun. Halos limang buwan pa lamang ang lumipas ng kaniya itong turuan ng technique na iyun at tanging siya at ang iba pa niyang estudyante ang nakaka-alam na nakakagamit na ito ng ganitong technique.

Samantala ang mga miyembro ng Special Class at pati sila Shawn ay nagulat ng kanilang makita ang paglabas ng Aura ng babaeng nag-ngangalang Vaneza, pamilyar sila sa pamamaraan na ito dahil isa ito sa mga technique na kanilang pinag-aaralan ng maigi.

Si Caleb nga na kasalukuyang nanonood kasama ang ilang miyembro ng Special Class na kinabibilangan ng grupo nila Shawn ay kasa-kasama nitong nanonood. Hindi sila maaaring magkamali sa kanilang nakikita. Ang babaeng nangngangalang Vaneza ay may kakayahan na makagamit ng Aura Skin.

At ang paraan ng pag-lalabas ng tamang enerhiya nito sa katawan ay tamang tama upang magawa ng maayos ang technique na ito. Hindi sila makapaniwala na mayroong estudyante na wala sa kanilang klase ang may kakayahan na gumamit ng technique na ito.

Samantala si Vaneza ay kasalukuyang nababalutan ng manipis na berdeng aura, ang ganitong klase ng pagpapalabas ng aura ay bago sa mata ng maraming manonood at ang tanging tahimik lamang at mababakas ang pagkabigla ay ang mga miyembro ng Special Class na nakaka-alam sa bagay na iyun.

Habang si Tetsuya naman ay makikita ang pagka-gulat sa kaniyang mukha ng kaniyang makita ang pambihirang technique na tinataglay ni Vaneza, hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ito. Hindi niya alam kung paano at kalian ito natutunan ng dalaga.

Ang Aura Skin na ipina-alam sa kaniya ng kaniyang guro na si Sebastian, ang mga nagkakamit lamang ng technique na ito ay ang mga indibidwal na may taglay na likas na talento na tinataglay. At ang babae na kasalukuyan niyang nakikita na gumagamit nito ay nag-umpisa bilang mahina at base sa kasalukuyan nitong nagagawa ay mukhang malapit na itong tumapak sa lebel na katulad ng sa kaniya,

Ang lebel ng isa sa pinaka-malalakas na indibidwal sa loob ng akademya. Samantala sila Ariana at Rev ay hindi maipinta ang kanilang mukha dahil sa kanilang nasasaksihan. Ang isa sa dalawang naglalaban ngayon ay nagawang gamitin ang technique na Aura Skin.

At higit sa lahat ang isang ito ay hindi kabilang sa Special Class at tanging nasa A Class lamang, si Rev nga ay napapa-isip kung paano na may isang nagmula sa ordinaryong klase ay mayroong nakakagamit ng Aura Skin. Maliban na lamang kung may nagturo dito na mismong nagmula din sa Special Class.

Samantala si Ellie naman ay makikitang napa-simangot dahil mukhang mayroon din itong itinatagong alas laban sa kaniya, dahil nga dito ang kaniyang aura ay mas lumalakas pa. ang yamang-tubig nga na bumabalot sa kaniyang katawan ay mas lalong lumaki at mas lalo pang kumapal.

Ang mga nakaka-saksi nga ng kaganapan sa loob ng istadyum ay napanganga dahil sa lalong paglaki ng tubig na bumabalot sa katawan ni Ellie, ang lahat ay naramdaman ang pagbabago ng antas ng lakas ni Ellie. At hindi makapaniwala ang mga naroroon dahil ang kasalukuyang antas ng lakas ni Ellie ay bigla na lamang tumuntong sa antas ng isang S rank.

Samantala si Vaneza ay hindi na nagulat sa biglang pagtaas ng antas ng aura ni Ellie, batid na niya na mayroong mali simula pa lamang kanina. Ramdam niya sa bawat pag-atake nito ang pag-pipigil sa bawat binibitawan nitong pag-atake at ang pagkakaroon ng kakayahan na maki-isa sa kalikasan ay tiyak na mayroong malaking benipisyo sa kung sino man ang magkamit nito.

Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa, at ang kaniyang kanina pang itinatagong enerhiya ay kaniya nang inilabas. Ang mga miyembro ng Special Class ay napatayo sa kani-kanilang kinatatayuan, nang kanilang maramdaman ang mataas na porsyento nang lakas na tinataglay nito sa pag-gamit ng Aura Skin.

Ang babaeng nagmula sa Class 3 A na si Vaneza ay nagtataglay ng Aura Skin, at napukaw na nito ang eksaktong labing lima na porsyento ng lakas ng Aura Skin. Samantala ang kinatatayuan nga ni Vaneza ay nabalutan ng manipis at nagliliwanag na berde ng enerhiya, at mararamdaman ang napaka-lakas na enerhiya na inilalabas ng katawan ni Vaneza.

Ang mga manonood nga ay nakaramdam ng napaka-bigat na presensya mula sa kalahok na si Vaneza, at dahil sa aura na pinakakawalan nito ay para silang sinasakal ng hangin dahil sa tindi ng presensya na inilalabas nito.

Samantala sila Rev at Ariana ay nakabawi mula sa kanilang pagka-gulat, si Ariana nga ay natuwa sa kaniyang natuklasan sa paaralan na pinagmulan ng pinaka-malakas na Z ranker. Mukhang ang mga estudyante rito ay sadyang kakaiba sa murang edad pa lamang ng mga ito ay mayroon na kaagad ang mga ito na makipaglaban ng sabayan sa mga aktwal na diyablo.

At base sa kaniyang kasalukuyang natutunghayan, ang labanan ng mga estudyante sa buong buwan ng nobyembre ay nagsisimula pa lamang, at kung ang unang laban nga ay puno na kaagad ng surpresa ang mga maglalaban. Paano pa kaya ang mga susunod na mga maglalaban...

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon