Chapter CVII

65 18 1
                                    

Chapter CVII: The Battle Continued

---

ANG apat na Demon General ay kapwa na makikitang napangisi, nang kanilang mapagtanto kung sino sino ang mga dumating. At ang mga ito ay ang mga Z rankers mula sa mga paaralan na kanilang sinalakay kanina, kapwa ang mga ito ay nasiyahan sa labanan na iyun kanina.

Aminado sila na malalakas ang mga Z rankers na ito, dahil nagawa ng mga ito na makipag-sabayan sa kanila sa kabila ng pagiging tao parin ng mga ito. Ang tanging pinag-kaiba lamang nila sa mga normal na tao ay ang mga ito ay nagtataglay ng kapangyarihan, na kayang pumuksa ng kanilang lahi.

Ang lahi ng mga Diyablo na mas matagal ng nabubuhay, kaysa sa mga mababang-uri na ito. Si Gelal ay kasalukuyan nang gusting atakehin ang Z ranker na nagtataglay ng Metal Magic, gusto na niya sanang makalaban ito ulit. Subalit dahil sa pagiging pala-utos ni Grisha ay hindi niya magawa ang gusto niya.

Napasimangot siya ng sabihin ni Grisha sa kaniya ang pagbabago sa plano nila, dahil sa pagsasabi ni Dyrott sa pagkakakilalan ng prinsesa. Ay mahihirapan sila ngayon na makuha ito ng basta basta, lalo na dahil naririto na ang apat pang sagabal. Ang mga Z rankers na ito ay mga malalaking tinik para sa kanilang mga binabalak.

Si Gelal ang inutusan ni Grisha na lumaban sa mga batang narito, si Gelal nga ay napatingin ulit sa batang kaniyang sinuntok kanina. Natatawa siyang makitang nanghihina ang batang ito dahil lamang sa isang suntok, napaka-hina pa ng kalamnan ng batang iyun kahit na nagtataglay ito ng enerhiya ni Hades.

Ay hindi iyun sapat para suportahan ang katawan nito, mababakas ang nakakalokong ngiti sa labi nito. Habang ito ay nakatingin sa nanghihinang si Shawn. Samantala sila Grey at Jay-ar ay naalarma dahil sa masamang tingin ng kalaban sa pwesto kung saan naroroon si Shawn, para bang binabalak ulit nito na atakehin si Shawn katulad ng kanina.

Kung ganun man ang gagawin nito, ay hindi sila magdadalawang isip na kalabanin nito. Hindi sila papayag na gawin ng halimaw na ito ang kahit an okay Shawn, dahil kapag nangyari iyun ay maaaring malagay sa alanganin ang buhay nito.

Si Akari naman ay hindi din mapigilan na tingnan ng masama ang kalaban na umatake kay Shawn, hindi niya lubusan na maisip na sa pamamagitan lamang ng isang suntok ay malaki ang naging pinsala nit okay Shawn. Malinaw na nakikita ngayon ni Akari ang kasalukuyang kundisyon nito, hingi nga niya inakala na magagawa pa nitong makatayo sa kabila ng mga sugat na natamo nito mula sa atakeng iyun ng kalaban.

Alam niyang iba na ang kasalukuyang sitwasyon, hindi na ito katulad ng mga pagsasanay na kanilang ginagawa araw-araw. At hindi sa lahat ng pagkakataon ay pagbibigyan sila ng kanilang mga nakakalaban, sapagkat sa totoong labanan ay hindi dapat nagpapakita ng awa ang mga magkakalaban sa isat-isa.

Sila Alicia, Elton at Edrian ay kapwa na nangamba sa kasalukuyang mangyayari, ayon sa apat na Z ranker ang apat na diyablo na dumating ay ang mga Demon General na kani-kanilang nakalaban. Marahil ay nagsadya na magtungo ang mga ito sa lugar na ito, dahil sa isang utos at mukhang dahil iyun sa mga ginagawa ng kanilang kasamahan.

Marahil ay binabalak na nang magkabilang panig na ipagpatuloy ang kani-kanilang naudlot na laban, dahil mapapansin naman sa paraan ng kanilang pagpapalabas ng kanilang enerhiya. Samantala si Edrian ay mababakas ang pag-aalala kay Shawn, sapagkat sa kasalukuyan ay sugatan ito at nanghihina na subalit nagagawa pa naman nito na makatayo.

Subalit sa kabila ng kaniyang pagtayo ay hindi pa din nito matatago ang pag-inda ni Shawn sa kaniyang natamong pinsala, at kapag muling nakatanggap ng ganun kalakas na atake si Shawn ay tiyak na mapapahamak na siya dito.

Si Shawn naman ay kasalukuyan na nakatingin lamang sa kalaban, kaniyang inaalala ang mga sandaling iyun kanina. Napakabilis ng mga pangyayari kanina sapagkat sa isang iglap lamang ay tinamaan siya bigla ng kalaban, at dahil sa malakas na impak ng atakeng iyun ay tumilapon siya sa pader ng akademya.

Nagpapasalamat parin siya dahil nagawa pa niyang makaligtas mula sa atakeng iyun, sapagkat ng kaniyang matanggap ang atakeng iyun ng kalaban at parang niyanig ang buo niyang katawan. Hindi niya akalain na maakatanggap siya ng ganito kalakas na atake mula sa isang kalaban, sa ngayon ay hindi pa kayang magpagaling ng mabilisan ng kaniyang katawan dahil sa malakas na impak na tinanggap ng kaniyang katawan.

Tila ba ang pakiramdaman na iyun ay tumatatak na sa kaniyang katawan, panghihinaan na dapat siya kanina dahil sa sakit ng kaniyang nararamdaman. Nang bigla niyang marinig ang sigaw ng isa sa mga kalaban, at dahil sa sinabi nito ay bigla siyang nabuhayan nagawa niyang makabangon sa hindi niya malamang dahilan.

At sa isang iglap lamang ay nakatayo na siya sa harapan ni Lucy, habang nasa harapan naman niya ngayon ang Diyablo na umatake sa kaniya kanina. Bigla na lamang siyang nakaramdaman ng kakaibang galit nang kaniyang marinig ang sinabi ng kasama nito, na si Lucy ay ang nawawalang anak ni Lucifer.

Ang isiniwalat na ito ng kalaban ay kaniyang ikinagulat, subalit ng kaniyang maramdaman ang kakaibang galit na ito. Ay para bang binigyan siya nito ng lakas para bumangon, samantala nakita niya naman sa mukha ng kalaban ang pagkatuwa ng makita siya nitong nagagawa pang makatayo.

Na maging siya ay hindi alam kung bakit nagawa pa niyang makatayo, sa kaniyang palagay ay kusa na lamang gumalaw ang kaniyang katawan. Dahil sa isang rason at iyun ay upang protektahan ang kaniyang kaibigan, at iyun ay walang iba kung ang sinasabi nilang anak ng diyablo.

Samantala sa kasalukuyan naman ay makikita ang apat na diyablo na kapwa na nag-uusap, agad na silang kumilos at ang apat na diyablo nga ay dali daling tinungo ang kinaroroonan ng mga Z rankers. Samantala sila Rev, Sebastian at Edrian ay kapwa na naghiwa-hiwalay.

Dahil gumawa na nang plano ang limang si Z rankers, at iyun ay kalabanin ang lahat ng mga Demon General. At sa pagkakataon nga ay hindi na magpapa-pigil ang mga ito, dahil wala na sila sa kani-kanilang teretoryo.

At dahil limang Demon General ang nasa iisang lugar lamang, ay hindi na dapat sila na magpigil pa. Kailangan nilang gawin ang lahat upang mapigilan ang mga ito sa kani-kanilang mga binabalak, samantala sila Jar-ar, Grey at Akari ay nakaramdam ng mabigat na aura sa kanilang paligid.

Ang biglang paglakas ng enerhiya na inilalabas ng mga Z rankers ay napabilis, ang mga Demon General nga ay biglang naalarma dahil sa pagbabago ng daloy ng enerhiya ng kanilang mga kalaban. Sa kasalukuyan ay nakikita nila ngayon sa kanilang harapan ang limang indibidwal na kapwa naglalabas ng maharlikang mga aura.

Sila Lucy at Shawn naman ay biglang napatigil at namangha sa malakas na enerhiya na nagmumula sa limang Z rankers, sa biglang pagtaas nga ng enerhiya na kanilang inilalabas ay mabilis na nagbago ang presensya sa buong paligid.

Ang limang Z rankers ay kapwa na nababalutan ng kani-kanilang enerhiya, habang sa kanilang likuran ay kapwa mayroong mga imahe ng mga halimaw ang bigla na lamang lumitaw. Si Rev nga ay makikitang may lumalabas na imahe ng pulang dragon sa kaniyang likuran, ito ay katulad ng imahe ng dragon na kaniyang inilabas niya noon nakalaban nito ang isang SSS Devil Rank....

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon