Chapter XXII: Section A
---
SI Rev ay hindi makapaniwala na makikita niya sa lugar na ito ang kaniyang nakababatang kapatid, at higit sa lahat ay nagawa nitong itago ang aura nito. Kahit na ang isang Z class na gaya niya ay hindi kaagad napansin ang aura nito.
Sa kasalukuyan ay nakakaramdam siya ng kakaibang pwersa rito, marahil ay resulta ito ng pagtapak nito sa sunod na ranggo, Natutuwa s'ya para sa kapatid nya na ito. Ang mga estudyante naman na nakakita kay Alicia ay nakaramdam ng matinding kilabot ng Makita nila ang dalaga.
Ang presensya nito ay nagbibigay ng kakaibang kilabot para sa kanila, samantala si Edrian naman ay napuno ng galak dahil nakita na niyang muli ang dalaga. At sa pagkakataon na ito ay mas lalo itong lumakas kaysa sa kaniya.
Muli nga ay nagpatuloy muli ang tensyon sa loob ng Gymnasium dahil pag dagdag ni Alicia sa tensyon sa pagitan ng mga Flame user, subalit sa pagkakataon na ito ay sa kaniya napunta ang atensyon ng mga ito. Lalong lalo na ang isang babae na kasalukuyan na nababalutan ng orange na aura.
Ang babaeng ito ay nababalutan ng aura ni Rev at sa madaling salita ang babae na ito ay katulad na flame user nito. Samantala ng mga sandaling iyon din ay hininto na ni Shawn ang paglalabas niya ng kaniyang aura. Kaya naman ang kaniyang asul na apoy ay naglaho na rin. Subalit ang tensyon ay nararamdaman parin niya hanggang ngayon.
Si Rev ay napansin naman ang ekspresyon ng batang si shawn, batid niya na magiging ganito ang reaksyon ng mga estudyante ng paaralan kapag nalaman nila na may mas nakakahigit ng kalidad ng kanilang taglay na elemento. At sa ngayon nga ang batang si Shawn lamang ang may pinaka-malakas na Flame Power sa lahat ng God's Children na naroroon.
Lumipas ang ilang minute ay humupa na ang tensyon sa pagitan ng mga flame users, sa kasalukuyan ang limang bagong estudyante ng Magica Academy ay kapwa nakatayo sa harapan ng lahat ng estudyante ng paaralan.
Ang lima nga ay isa-isa ng ipinakilala ni Sebastian, at huli na ipina-kilala nito ay walang iiba kundi si Shawn. Ang mga estudyante nga na naroroon ay nagbulung-bulungan ng malaman nila ang pangalan ng batang may taglay na Asul na Apoy.
Ngayon ay alam na nila ang pangalan nito ay madali na lamang sa kanila na mas makilala ito. Samantala si Shawn naman ay nakahinga ng maluwag ng maramdaman niya na wala na siyang dapat ipag-alala pa. silang lima nga ay nagpa-malas ng kanilang mga elemento. Nagulat nga ang mga estudyante ng Magica Academy ng Makita nila ang taglay na elemento nila Lucy at Grey.
Kapwa ang Elemento ng mga ito ay kakaiba kesa sa elemento na taglay ng mga estudyante na naroroon. Ang Pulang kidlat na Elemento ng Kidlat ni Lucy at ang Elemento ng Yelo na Taglay naman ni Grey. Sa Limang bata, tanging sila Shawn, Lucy at Grey ang mayroong interesanteng tinataglay na Elemento.
Samantala sila Akari at Jay-ar naman ay nakaramdam ng pagka-lungkot sa kanilang sarili, si Akari ay napa-kuyom na lamang ng kaniyang kamao habang pinipigilan ang kaniyang damdamin. Dahil sa kasalukuyan ay naalala niya ang kasalukuyang estado niya.
Ang kaniyang taglay na elemento ay hindi sapat, mas kailangan niya na pagta-gumpayan na malampasan ang kaniyang takot. Dahil kapag hindi niya malampasan ito. Ay hindi niya magagampanan ng maayos ang kaniyang responsibilidad na tumulong sa mga sakuna.
Lumipas ang ilan pang minute, ang pagpapakilala sa limang bagong estudyante ay natapos na. sa kasalukuyan nga ang lahat ng estudyante ay bumabalik na sa kanilang mga silid aralan upang ipag-patuloy ang kanilang klase.
Ang limang bata naman ay kasalukuyan na nasa loob ng opisina ng Principal ng paaralan. Ang principal nga na ito ay masyadong bata para maging isang principal sa isang paaralan. Subalit ito ang inatasan na maging principal ng paaralan na ito.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...