Chapter LVIII

80 21 0
                                    

Chapter LVIII: Finishing Kick

---

ANG lahat ay hndi maka-paniwala sa kaniyang nasasaksihan, ang kasalukuyang
nagaganap sa laban nila Endo At Reiji ay umabot na sa punto na mayroong ng duguan. Sa ngayon ay makikitang naka-bulagta sa nalulusaw na sahig ang katawan ni Endo habang si Reiji ay nakatayo malapit sa kinaroroonan ng katawan ni Endo.

Makikita sa kaniyang mukha ang isang ngiti, dahil sa wakas ay nanalo siya at nagbigay ng unang puntos para sa kanilang seksyon. Tiningnan niya ang sinapit ng kaniyang nakalaban, magaling sana ito sa pakikipag-laban subalit hindi iyun sapat para tapatan siya.

Inaamin niya na nagulat siya kanina sa bilis at lakas na tinataglay nito, subalit naramdaman niya na habang tumatagal ang pakikipag-laban nito ay unti-unting nababawasan ang taglay nitong bilis at lakas. Dahilan para magawa niyang makatagal sa pakikipag-laban sa batang iyun.

Tumingin siya sa referee at ngumiti rito, si Yoki naman ay hindi pinansin ang pag-sulyap ni Reiji sa kaniya, mas pinakikiramdaman niya ang aura ng dalawang panig. At sa kasalukuyan ay alam niya na may mali. Dahil hanggang sa ngayon ay nararamdaman niya ang aura ng batang nagmula sa Class 3 A.

Samantala ang bawat miyembro ng Special Class na naroroon ay nararamdaman pa ang aura ng batang nagngangalang Endo. Sa kabila ng dalawang magkasunod na atake ay nanatili parin itong may kamalayan, at sa hindi inaasahan ay nakagawa ito ng paraan para hindi makatanggap ng matinding pinsala mula sa atake ng kaniyang kalaban.

Dahil bago pa bumagsak ang katawan nito ay nakita ng bawat miyembro ng Special Class ang biglang pagbabago ng inilalabas na aura ni Endo, ang makapal na aura na inilalabas nito kani-kanina ay bigla na lamang numipis at ito ay nagmistulang balat dahil sa nipis nito. At kasabay din ng pagbabago ng palabas ng aura nito ay kasabay nun ay ang pagtama ng ulo ni Endo sa sahig na nalulusaw dahil sa mainit na temperatura.

Samantala si Tetsuya ay hindi makapaniwala sa presensya na kaniyang nararamdaman, ang kaninang pag-aalala niya rito ay bigla na lamang nawala. Sa kasalukuyan nga ay makikita si Endo na unti-unti ng bumabangon at ang lahat nga ng mga estudyante na hindi nakaka-alam ng nangyayari ay nagulat at namangha sa tibay na ipina-pamalas ni Endo.

Sa kasalukuyan naman ay makikita ang gulat na gulat na ekspresyon ni Reiji ng makita niya ang dahan dahan na pagbangon ni Endo, hindi siya makapaniwala na magagawa pa nito na makabangon sa kabila ng magkasunod na atake na ginawa niya.

Samantala sa kasalukuyan ay madilim ang ekspresyon sa mukha ni Endo, ang mga mata nito ay kumikislap habang may tumutulong dugo sa kaniyang ulo dahil sa pagtama nito ng malakas sa sahig. Mayroon pang mantsa ng pagkapaso sa kaniyang nuo.

Subalit kahit na sugatan siya ay makikita sa mga mata nito, ang pulang pula nitong mga mata at nang tumingin nga ito sa kinaroroonan ni Reiji ay mapapansin na natulala si Reiji dahil sa naramdaman nitong pagkabahala ng tingnan siya ni Endo.

Ang kaniyang pakiramdam ay napakabigat, nakakaramdam siya ng matinding pressure na ngayon pa lamang niya naranasan. Si Reiji nga ay napalingon sa kaniyang lukuran kung saan naroroon si Dellio na kagaya niya ay hindi din makapaniwala sa mga nagaganap.

Samantala ang grupo naman nila Shawn ay nakaramdam ng kakaiba mula sa aura ng lalake na nagngangalang Endo, ang aura nito ay napaka-bigat kesa sa inilalabas nito kanina. Parang ang mapayabang pagdaloy ng taglay nitong enerhiya ay nawalan ng tamang pagdaloy dahil sa kulang na kakayahan para kontrolin ito.

At ngayon nga ay walang ibang inilalabas ang kaniyang aura kundi ang mabigat na presensya nito, na kahit ang mga malayo rito ay maaapektuhan padin ng presensya na ito. Samantala si Endo ay napapa-isip sa nangyayari sa kaniyang paligid.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon