Chapter XXX: Preparation
---
LUMIPAS ang isang linggo, ang buong akademya ay binulabog ng ibat-ibang kaganapan. At ang naging sentro ng mga kaganapan na iyun ay ang bata na nagtaglay ng pambihirang Blue Flame. Ang apoy na sinasabi na pinaka malakas sa lahat ng elemento ng apoy.
Sa loob nga ng isang linggo ay maganda naman ang pakikitungo ng mga kasama ni Shawn sa Special Class. Kahit na matanda sa kaniya ang mga ito ay magalang naman siya sa mga ito at ganun din naman ang mga ito sa kaniya. samantala sila Markus at Jarvis naman ay hindi makapaniwala na mababait ang mga taga Special Class.
Dahil sa aura nila ay nilalayuan sila ng mga nasa ibang klase, walang kahit isa sa mga estudyante na napapabilang sa Class A hanggang Class C. dahil ayaw nila na mapa-away sa Special Class. Subalit ang lahat pala ay akala lang ng lahat. Dahil ang mga ito pala ay mga masisiyahin at puno ng kasiyahan dahil sa mga ito.
Samantala sila Markus at Jarvis nga ay kaagad na nakipag-kaibigan kay Shawn, noong una nga ay nagulat si Shawn sa alok na pakikipag-kaibigan ni Markus, at ganun din si Jarvis. Noong una nga ay hindi pa sanay na kasama ni Shawn ang dalawa na ito.
Subalit dahil sa dalang kakulitan ni Markus at kahambugan naman ni Jarvis, ay naging magaan na ang loob niya sa mga ito. Sa loob naman ng isang linggo ay nakaranas silang tatlo ng mabigat na hamon mula sa kanilang Class President na si Caleb.
At ito ay ang Body Strengthening Training na ibinigay ni Caleb sa kanilang tatlo, at ito ay ang araw araw na pag-takbo, pag-push up at iba pang uri ng pag-eehersisyo na ginagawa ng karamihan ng lalake sa mga ito.
Sa kasalukuyan ay Araw ng lunes, bagong araw para sa isang buong linggo ng eskwela, si Shawn nga ay kasalukuyang naglalakad kasama ang dalawa niyang kaibigan. Nag kukwentuhan sila Markus at Jarvis habang si Shawn naman ay abala sa pagtingin sa kaniyang paligid.
Kasalukuyan kasi na nagtungo ang tatlo kung saan makikita ang school building kung saan nakatayo ang classroom ng Class 1 A. napagka-sunduan ng tatlo na dumalaw man lang kahit saglit sa mga naiwan na kaibigan ng mga ito. Lalo na si Shawn na palaging itinatanung sa kaniyang kuya Edrian ang kalagayan ni Grey sa Class 1 A.
Sa loob kasi ng lumipas na linggo ay hindi man lamang kasi niya nakita ang kaibigan niyang ito. Nais niya kasi ipakita rito kung ano ang mga ginagawa niya kasama ang kapwa niya na mula sa Special Class. Ang mga estudyante naman na kanilang nadadaanan ay kaagad na napapa-iwas kapag nakita na sila ng mga ito.
Sila Markus at Jarvis naman ay natahimik ng mapansin ang biglang katahimikan ng kanilang paligid, at nang kanilang mapag-tanto kung bakit tumahimik ang paligid ay hindi na sila nagtaka pa. nagtungo kasi sila sa lugar na iyun hang suot ang uniporme na tanging ang mga nasa special class lamang ang tanging sumu-suot. At dahil sa pagkaka-iba ng kanilang uniporme kesa sa iba ay alam na kaagad ng mga ito kung saang section sila nabibilang.
Samantala sa loob naman ng silid kung saan kumpleto na naroroon sila Grey, Akari, Jar-ar at Lucy. Sa lumipas na isang linggo ay wala silang balita sa kanilang kaibigan na si Shawn. At sa lumipas din na isang linggo ay wala na kahit isa ang nagsasalita tungkol sa sinasabing section na Special Class.
Hindi nila alam kung bakit hindi ito pinag-uusapan ng mga estudyante na naroroon, pero batid na nila na walang balak na mag-salita ang kanilang mga kaklase. Samantala sa labas naman ng Classroom ng Class 1 A ay may tatlong indibidwal ang huminto rito.
Ang tatlong ito ay may suot na uniporme na iba sa uniporme ng mga estudyante na naroroon. Ang tatlo na ito ay walang iba kundi sila. Markus, Jarvis at Shawn. Sila Markus at Jarvis nga ay napangiti ng makita nila muli ang dating silid na kanilang pinapasukan.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...