Chapter XL

109 28 0
                                    

Chapter XL: Preperations

---

ANG buong akademya ay naging abala matapos ang pag-anunsyo nila Sebastian at Yoki sa nalalapit na Sport's Festival, na ginaganap taon taon. At ang mga estudyante nga ay naghahanda na dahil ito na ang kanilang pagkakataon upang ipamalas ang kani-kanilang kakayahan.

Samantala kumalat naman ang usap-usapan patungkol sa muling pagkatalo ng tagapag mana ng Senjuki Family na si Scarlet. Hindi makapaniwala ang mga nakaalam ng pangyayari na iyun, hindi nila akalain na ganun lamang pala kadali na mapapabagsak ang tinagurian na natatanging bata na nagtataglay ng Itim na Kidlat.

Ang iba naman ay namangha dahil isang tao lamang ang nakagawa na mapabagsak ito sa isang laban, at higit sa lahat ay nagawa pa nito na bigyan ng malalang mga pinsala si Scarlet sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Mabuti na lamang at wala itong intensyon na paslangin ito.

Dahil sa mga usap-usapan na ito ay nakarating na din sa grupo nila Grey ang usap-usapan patungkol kay Jay-ar at Scarlet. Ay napapansin nga ng mga ito ang kakaibang ngiti sa mukha ni Jay-ar na halos magmukha ng baliw dahil palaging nakangiti.

Samantala si Grey naman ay katulad kahapon ay malalim parin ang iniisip, dahil sa naging anunsyo ay nalaman na niya ang isa sa mga iniisip niya kahapon. Subalit ngayon nga ay nag-iisip nanaman siya at ito ay kung paano kung ang kanilang maka-harap ay ang mga mas matanda sa kanila, at tiyak na ang mga ito ay mas may karanasan na kaysa sa kanila nab ago pa lamang.

Samantala si Akari nga ay napansin ang pagiging tahimik ni Grey, pinagmasdan nga niya ito at napansin na malalim ang ini-isip. Humarap nga siya rito at winagayway ang kamay subalit hindi ito pinansin ni Grey. Doon nga nakumpirma ni Akari na malalim talaga ang ini-isip ng isang ito.

Samantala makikita naman sila Shawn, Markus at Jarvis na papalapit sa nagmemeryenda na sila Grey, Lucy, Jay-ar at Akari. Ang tatlo na ito ang nautusan sa isang mahalagang bagay. At ang pakay nilang tatlo ay isama ang apat na ito sa opisina ng kanilang guro.

Ang tatlo nga ay kaagad na napansin ni Jay-ar dahil ito ay nakaupo paharap kung saan sila naglalakad papalapit sa mga ito, nagtataka si Jay-ar dahil kasama nito ang dalawa nitong kaklase na sila Markus at Jarvis. Sa kaniyang pagkaka-alam ang mga ang kasama ni Shawn sa pagsasanay nito. Napapa-isip tuloy siya kung gaano na kalakas ang mga ito ngayon. Dahil sa lumipas na isang buwan ay tiyak na mas lumakas na ang mga ito kaysa noong nilabanan ng mga ito ang isat-isa isang buwan na ang lumipas.

Samantala si Grey ay nabalik sa wisyo ng kaniyang maramdaman ang presensya ng kaniyang kaibigan na si Shawn, napatingin nga siya rito na kasalukuyan ay naglalakad palapit sa kanila. Sila Akari at Lucy naman ay napatingin sa kinaroroonan nila Shawn.

Samantala ang ibang estudyante naman na nakakita ng pagdating ng grupo ng mga taga Special Class ay nakaramdam ng pagkabahala dahil sa mabigat na presensya na inilalabas ng mga ito. Nasisindak sila sa mga ito. Lalong lalo na sa inilalabas ng batang mayroong itim na buhok at asul na mga mata.

Ang tatlo nga ay kaagad na huminto sa harapan nila Grey, at si Shawn na nga ang naunang magsalita sa mga ito.

"Pinapatawag kayo ni Ms. Yoki!, may importante siyang sasabihin sa inyong apat" direktang sinabi ito ni Shawn sa apat niyang kaibigan na ipinagtaka naman ng mga ito, sa likod naman ni Shawn ay makikita sila Markus at Jarvis na sumisenyas kila Jay-ar. At apat nga ay hindi nakuha ang pinapahiwatig ng mga ito ay ilang sandali pa ay maririnig ang boses ni Grey at seryoso na nagsalita.

"May nais sabihin sa ating apat an gating principal, dapat na tayong magtungo kaagad hindi ba!" sabi nito na kaagad naman na sinang-ayunan ni Shawn. Ang tatlo naman na sila Lucy, Jay-ar at Akari ay sumunod na lamang sa mga ito. Habang ang ibang estudyante nga ay makikitang naguguluhan at nakaramdam ng sobrang kaba dahil nakikisalamuha ang apat na mula sa Class 1 A sa tatlong nagmula sa Special Class.

Legends of God's Children [School of Magic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon