Chapter CV: Inherited
---SA kasalukuyan ay makikita sila Dyrott at Lucy na kapwa na naglalabas ng kani-kanilang enerhiya, si Lucy ay makikitang hindi makapaniwala sa biglaang pagbabago ng reaksyon ng kalaban.
Dahil ang kung kanina ay balisa pa ito, ay ngayon ay bigla itong nag-iba at nagkaroon bigla ng kompyansa. Sa kaniyang palagay ay mayroong nalalaman ang isang ito sa kaniyang tunay na pgkaka-kilalan, sapagkat bigla itong sumaya ng makita siya nitong handa nang lumaban.
Dahil dito ay nakaramdam siya ng pananabik dahil sa reaksyon nito, para bang tinatanggap nito ang kaniyang hamon. Ito ang kauna unahang beses niya na may makalabans siya na ganito mag-isip, hindi niya alam kung ano ang pinaka-tumatakbo sa isip nito.
Subalit sa kabila ng lahat ay kailangan pa din niyang mag-ingatt, dahil kapag nagkamali siya ng galaw ay tiyak na maisasa-katuparan nito ang pangunahing layunin ng pagsalakay nito.
Kaya naman hindi niya hahayaan na mawala sa kaniya ang atensyon nito, at hindi niya hahayaan na mabalewala ang gagawin ni Shawn. Samantala si Shawn naman ay makikitang tumatagaktak na ang pawis, dahil sa mabilis na pagkonsumo ng kaniyang enerhiya.
Ang kaniyang ginagawa ay napaka-kumplikado dahil sa napakataas na taglay na temperatura ng Blue Flame, at kapag aksidente na tumama dumikit sa balat ang nagliliyab nitong apoy ay madalian ka nitong susunugin hanggang sa walang matira sa iyo.
Kaya naman maingat na isina-sagawa ni Shawn ang kaniyang ginagawa, samantala si Lucy naman ay kasalukuyan na nababalutan ng kaniyang enerhiya. Ang kaniyang mga kamao ay nababalutan ng kaniyang enerhiya, at ilang saglit na lamang ay mag-sisimula na siyang umatake dito.
Samantala si Dyrott naman ay kasalukuyan lamang na nakangiti habang inaabangan kung ano ang susunod na hakbang na gagawin ni Lucy, labis siyang nananabik na makalaban ang batang ito. Dahil nakakaramdam siya ng kakaibang mangyayari, at ito ang kaniyang gagawin sa ngayon ang ilabas ang natatagong potensyal ng prinsesa ng mga Diyablo.
Samantala sa labas naman ng barrier ay kapwa na nakaramdam ng kakaibang presensya ang apat na Demon General mula sa loob ng Barrier, ang mga ito ay nagtaka dahil ang pinag-mumulan ng presensya na iyun ay hindi si Dyrott. Kundi ay mayroong ibang indibidwal ang nasa loob ng barrier na ito, hindi alam ng apat ang kasalukuyang nagaganap sa loob.
Subalit natitiyak nila na mayroon nang ginagawa si Dyrott na wala sa kanilang misyon, at kung tama man ang kasalukuyang utos sa kanila ng kanilang panginoon. Ay binabalak ni Dyrott na kalabanin ang desisyon ng kasalukuyang Demon King na si Satan, ang nakababatang kapatid ng panginoon nitong si Lucifer.
Samantala si Shawn naman ay kasalukuyan na nasa kalagitnaan na nang kaniyang ginagawa, ang kaniyang kasalukuyang napapakawalan sa kanilang mga kasama ay ang grupo nila Alicia. Sapagkat ang mga ito ay mas mayroong maitutulong sa kanilang kakaharapin na mga kalaban.
Dahil kung madami silang may kakayahan na makipag-laban, ay mas malaki ang tyansa na kayanin nilang mabuhay laban sa mga diyablo na kani-kanilang makakaharap. Samantala sila Rev, Elena at Sebastian ay kasalukuyan nang mayroong malay.
At kasalukuyan silang nasa gitnang bahagi ng barrier kung saan sila ay nakatago para hindi sila mahanap ng mga kalaban, sa kanilang tatlo ay si Sebastian ang may pinaka-alam sa pamamaraan na pumasok sa mga barrier ng hindi nalalaman ng gumagamit nito.
Kasalukuyan silang nag-usap usap at iyun ay pabayaan muna na lumaban ang mga bata, sapagkat ito ang unang beses nila na makita na ganito ka-enteresado ang diyablo sa isang bata. Lalo na sa batang nagmula sa kanilang akademya, para bang mayroong lihim sa likod ng lahat ng gulong nangyayari na ito.
At kung ano man ito ay tiyak na magiging malaking problema ito sa mga bata kapag nagkataon, samantala habang pinanonood ng tatlo ang kasalukuyang ikinikilos nila Lucy at Shawn. Ay nakaramdaman sila ng enerhiya na unti-unting dumadaloy sa katawan ng ibang estudyante na naroroon, napatingin silang tatlo sa kinaroroonan ni Shawn at nagtaka silang tatlo kung paano iyun nagawa ni Shawn.
BINABASA MO ANG
Legends of God's Children [School of Magic]
AdventureLegends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As...